Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang aware ka naman sa nangyayari sa iyong paligid. Kailangan mo na lamang gumawa ng tamang aksyon para sa mga ito.
Love:
Couples: Para hindi maging boring ang inyong relasyon, subukan ninyong maghanap ng bagong hobby at maglaan kayo ng oras para rito.
Money/Career:
Huwag kang matakot na ipagpatuloy ang iyong nasimulan, kahit na pahirap nang pahirap ang pagsubok sa mga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Subukan mong balikan ang ilan sa iyong mga gawain na hindi mo natapos. Maaaring magawa mo na makumpleto ang mga ito ngayong araw.
Love:
Couples: Magtry kayo ng something new ngayong araw. Pwede kayong pumunta sa isang resto na hindi ninyo pa nakakainan.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka na rin ng solusyon para sa iyong problema sa trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may chance na masorpresa ka sa gagawin ng isang tao ngayong araw. Maging handa ka sa mga pwedeng mangyari.
Love:
Singles: Subukan mong mamasyal sa mga lugar na hindi mo pa napupuntahan at malay mo, doon mo na makita ang taong nakalaan sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magiging okay naman ang araw mo, lalo na kung wala kang nakalimutan na gawin kahapon.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mo na magmadali. Huwag ka na magdalawang-isip at gawin mo na agad ang isang bagay bago ka pa mapagalitan.
Love:
Singles: Mukhang magiging close ka sa isang tao, pero may chance na maalala mo ang iyong ex sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa electrical gadgets ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo payagan na gawin ng isang tao ang isang bagay na ayaw mo mangyari. Gumawa ka ng paraan para hindi ito matuloy.
Love:
Couples: Mukhang may chance na may malaman ka tungkol sa iyong partner at masusurprise ka talaga rito.
Money/Career:
Mukhang magagawa mo na matapos ang ilan sa iyong mga pending na gawain kaya naman mababawasan na ang mga tambak mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magfocus ka na lamang sa mga bagay na nasa iyong harapan. Huwag mo muna alalahanin ang ibang bagay na hindi pa naman nangyayari.
Love:
Singles: Maaaring may tao na magkagusto sa iyo, pero tiyak na magkaiba talaga kayo ng ugali.
Money/Career:
Para maiintindihan ka ng ibang tao, magpaliwanag ka nang mabuti para hindi ka na rin paulit-ulit pa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang maaaring mapromote ka sa isang bagay, pero maging aware ka na hindi lang ikaw ang may gusto nito.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Magmasid-masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
Kailangan mong balikan ang mga desisyon na nagawa mo nung nakaraan para madali mong maayos ang mga problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mas mabuting tapusin mo na agad ang iyong mga gawain, lalo na kung gusto mo talagang makauwi nang maaga.
Love:
Couples: Enjoy ka naman sa ginagawa ng iyong partner, kahit na ang tingin dito ng iba ay kakaiba.
Money/Career:
Makakakuha ka rin ng good news soon kaya naman huwag kang susuko at kumapit ka lang.
Lucky color: Green
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mong panoorin ang ibang tao, lalo na kung naguguluhan ka sa mga pinapagawa sa iyo. Mag-observe ka muna.
Love:
Couples: Kung masyadong masungit ang iyong partner ngayong araw, huwag mo na lamang siya kulitin para safe ka.
Money/Career:
Subukan mong maghanap ng ibang daan pauwi lalo na kung lagi ka na lamang naiipit sa traffic.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas mabuting huwag mong pagsabay-sabayin ang iyong mga gawain dahil mas malaki ang chance na magkamali ka sa mga ito.
Love:
Singles: Mukhang may maaalala ka ngayong araw tungkol sa iyong nakaraan, lalo na kung meron kang nakitang bagay na pamilyar sa iyo.
Money/Career:
Dapat ay lagi mong kasama ang phone mo para kapag may tumawag sa iyo, hindi mo ito ma-miss.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo hayaang madisappoint ang isang tao sa iyo, kaya mas mabuting huwag ka gumawa ng pangako na hndi mo kayang tuparin.
Love:
Couples: Kahit na masayahin ka sa tingin ng ibang tao, malalaman pa rin ng partner mo kung meron kang tinatagong problema sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo maintindihan ang isang bagay, huwag kang mahiyang magtanong sa iba. Hindi ka naman nila huhusgahan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong humingi ng suggestions sa ibang tao at malay mo, may makuha ka sa kanila na interesting para sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw at pwede mo itong ipang-asar sa kanya.
Money/Career:
Maging positive ka lang. Gagana rin ang plano mo kaya mag-stick ka lang dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 9