Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka kayang intindihin ng ibang tao, maaaring isipin nila na meron kang ginagawa na pandaraya.
Love:
Couples: Hindi sapat na mahal ninyo lang ang isa’t-isa. Dapat ay gumagawa rin kayo ng mga hakbang para maging mas matatag ang inyong samahan.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may matanggap kang pera ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magfocus ka na lamang sa iyong mga gawain, lalo na kung gusto mong maaga makatapos rito. Huwag ka muna makialam sa gawain ng iba.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Maging mapanuri ka sa iyong mga gawa para naman maiwasan mo na magkamali.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na lamang pilitin ang isang tao lalo na kung umayaw na siya rito at baka mainis lang siya sa iyo.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang gusto ng iyong partner. Kung kaya mo naman itong ibigay, gawin mo na lang.
Money/Career:
Huwag mo na istorbohin ang ibang tao at baka magalit lang sila sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring magulat ka sa iyong malalaman ngayong araw. Mas mabuti na ihanda mo na lamang ang iyong sarili.
Love:
Couples: Huwag mo na ulitin ang kasalanan na nagawa mo sa iyong partner para naman hindi na kayo mag-away.
Money/Career:
Kung may oportunidad na darating sa iyo, kunin mo ito agad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na lamang gawin ang gusto ng isang tao, lalo na kung alam mong mas marami ang may ayaw nito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner, lalo na kung naging busy ka masyado kamakailan.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta makinig sa sasabihin ng iba. Suriin mo ang mga ito para malaman mo ang dapat mo talagang gawin.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago mo simulan na tulungan ang ibang tao. Magfocus ka muna sa iyong sarili.
Love:
Couples: Maging supportive ka sa iyong partner, lalo na kung alam mo na mahirap ang kanyang sitwasyon sa ngayon.
Money/Career:
Kung hindi ka magkakaroon ng sapat na tulog, tiyak na manghihina ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang dapat sabihin sa isang tao, ngayon ang araw para gawin mo ito. Magdahan-dahal ka lamang at huwag mo siya biglain.
Love:
Couples: Ayusin mo ang iyong mga kilos. Huwag mo hayaang pagdudahan ka ng iyong partner sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang naisip na idea, sabihin mo ito sa ibang tao at baka magustuhan naman nila ito.
Love:
Couples: Huwag mo hayaan na kontrolin ka ng ibang tao. Makinig ka na lamang muna sa sasabihin ng iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo masyadong ipagyabang ang iyong mga gawain para naman hindi maasar sa iyo ang ibang tao.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang mahihirapan ka na tapusin ang ilan sa iyong mga gawain kaya naman hahanap ka ng shortcut para sa mga ito.
Love:
Couples: Iwasan mo na kasi maging pasaway sa iyong partner para hindi na siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na muna sabihin sa ibang tao ang iyong nalaman. Gamitin mo muna ito sa iyong advantage.
Love:
Singles: Kahit na maganda naman ang intensyon mo, may chance pa rin na hindi ito magustuhan ng iba.
Money/Career:
Huwag ka na mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kailangan mong makaisip agad ng diskarte sa isang bagay, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong araw dahil dito.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa tao na wala namang pakialam sa iyo. Ibaling mo na lamang ang atensyon mo sa iba.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong sense of humor para naman mapalapit ka sa iyong boss.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na pahirapan pa ang ibang tao dahil lamang sa hindi mo gusto ang pinapagawa nila sa iyo.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga maging close sa isang tao, gawin mo ang lahat para hindi siya maging awkward sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 20