Aries (Mar 21 – Apr 19)
Marami ka pang dapat na matutunan, kaya naman maging open-minded ka sa suggestions sa iyo ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Magchill-chill ka muna.
Money/Career:
Subukan mong gawin ang isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo, maging magaling ka talaga rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may taong kokontra sa iyo ngayong araw. Mas mabuting pag-usapan ninyo ito para hindi na lumala ang gulo.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw. Gamitin mo ito para ipang-asar sa kanya.
Money/Career:
Huwag kang mahiya na kausapin ang iyong boss, lalo na kung naguguluhan ka sa isang bagay.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Tumingin-tingin ka sa mga nangyayari sa iyong paligid at baka nandiyan lang ang hinahanap mo.
Love:
Couples: Mukhang maguguluhan ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Magmasid-masid ka muna sa kanya ngayong araw.
Money/Career:
Panahon na para sumubok ka ng bagong pagkakakitaan, lalo na kung kinakapos ka sa iyong budget.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago mo gawin ang isang bagay, magresearch ka muna tungkol dito para naman maiwasan mong magkamali.
Love:
Couples: Mukhang may taong manggugulo sa inyo ngayong araw. Mas mabuting umiwas na lamang sa kanya.
Money/Career:
Kung may matatanggap ka na offer ngayong araw, pag-isipan mo ito lalo na kung malaki naman ang kikitain mo rito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kumalma ka lang. Huwag ka kaagad gagawa ng aksyon tungkol sa isang bagay, lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong hingiin sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para magkaroon siya ng idea.
Money/Career:
Kung magfofocus ka sa work mo, tiyak na mabilis kang magiging successful dito.
Lucky color: White
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Isipin mo rin ang mararamdaman ng ibang tao. Huwag ka basta-basta magsasalita sa isang tao dahil baka ma-offend mo sila.
Love:
Singles: Subukan mong gumala ngayong araw. Yayain mo ang iyong mga kaibigan at ienjoy ninyo lang ang araw na ito.
Money/Career:
Kung may offer sa iyo galing sa iba, tanggapin mo ito lalo na kung gusto mo na talaga lumipatsa iba.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gawin mo ang lahat para maging maganda ang iyong mga gawain. Huwag mo hayaang mawala ang iyong focus sa mga ito.
Love:
Couples: Tiyak na maiintindihan ka naman ng iyong partner. Bigyan mo lang siya ng panahon para makapag-adjust siya.
Money/Career:
Huwag mo hayaang masira ang araw mo, lalo na kung hindi mo talaga mapagsabihan ang iyong mga kasama.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mo na harapin ang isang bagay ngayong araw. Huwag mo na ito patagalin pa para hindi na ito lumala.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng maraming karibal sa taong gusto mo, kaya naman bilisan mo at kumilos ka na kaagad.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa career na pipiliin mo, mas mabuting subukan mo ang mga ito para malaman mo kung ano ang kaya mong gawin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang panahon na para subukan mo ang paraan na sinuggest sa iyo ng iba. Malay mo, maging effective ito para sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka na lamang makipag-away sa iyong partner ngayong araw. Pagbigyan mo na lang siya kahit ngayon lang.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, tiyak na mahihirapan kang maging productive sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi ka makakapag-adjust agad sa mga pagbabago na mangyayari ngayong araw, tiyak na mahihirapan ka talaga.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Kung handa na kayo, pwede na kayo bumuo ng pamilya.
Money/Career:
Ingatan mo ang iyong pera dahil may malaking chance na mawala mo ito habang ikaw ay bumabiyahe.
Lucky color: Grey
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Tuparin mo ang pangako mo sa ibang tao. Huwag mo hayaan na mawalan sila ng tiwala sa iyo at masira ka sa kanila.
Love:
Couples: Makipagbati ka na sa iyong partner kung nag-away kayo kamakailan. Itigil ninyo na ang tampuhan ninyo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung nag-apply ka kamakailan, mukhang may matatanggap ka na balita ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi naman nakakaistorbo sa iyo, turuan mo ang isang tao ngayong araw lalo na kung napapansin mong nahihirapan siya.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at baka makuha mo ang atensyon ng marami.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa isang bagay, huwag ka mahiyang magtanong sa iba. Tandaan mo ito para hindi ka paulit-ulit.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24