Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang mapaparami na naman ang kain mo ngayong araw. Mag-ingat ka dahil may malaking chance na sumakit ang tiyan mo.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa rin nakakamove on sa iyo ang iyong ex. Mas mabuting huwag mo na lamang siya pansinin kung kukulitin ka niya.
Money/Career:
Kailangan mo munang tuparin ang ipinangako mo sa ibang tao, para naman hindi masira ang tiwala nila sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang maeenjoy mo naman ang iyong mga gawain ngayong araw. Mas mabuti na ito para hindi ka makaramdam ng stress.
Love:
Couples: Mukhang nandun pa rin ang spark sa inyong relasyon. Ipagpatuloy ninyo lang ito para hindi maging boring ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Huwag ka mainis kung hindi man mangyari ang iyong inaasahan. May next time pa naman.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Subukan mong ligpitin at ayusin ang kwarto mo. Malay mo, makita mo na ang isang bagay na matagal mo na hinahanap.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong hingiin sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya. Huwag mo na siya pahulain pa.
Money/Career:
Kung feeling mo ay masyado ka na lumalayo sa iyong goal, marahil ay panahon na para itama mo ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang mahihirapan ka na pakisamahan ang isang tao ngayong araw. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Love:
Singles: Subukan mong gawin ang isang bagay na matagal mo na gawin. Pwede ka namang magpasama sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Mukhang matetengga ka na naman ang ilan sa iyong mga gawain, lalo na kung tinatamad ang iyong mga kasama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na magpanic ka ngayong araw, lalo na kung mangyari ang isang bagay na ayaw mong makita.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng bagong crush ngayong araw. Mas mabuting magpakilala ka kaagad para naman maging close kayo.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Makukuha mo rin ang nais mo, kaya huwag agad mawawalan ng pag-asa.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang iba-iba ang makukuha mong advice ngayong araw. Sundin mo na lamang ang sa tingin mo ang pinaka magandang gawin.
Love:
Singles: Mukhang may taong mahuhulog ulit sa iyo. Iyon lang, maaaring taken na pala siya. Maaaring maging magulo lang ang sitwasyon ninyo.
Money/Career:
May mga bagay ka na dapat mo munang unahin, kaya gawin mo ang mga ito kahit na ayaw na ayaw mo itong gawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may libre ka namang oras, gamitin mo ito para tulungan ang ibang tao na makatapos sa kanilang mga gawain.
Love:
Couples: Huwag ka na mag-alala sa iyong partner. Mukhang alam naman niya ang kanyang ginagawa kaya magrelax ka lang.
Money/Career:
Mukhang panahon na para simulan mo ang mga bagay na hindi mo natapos dati.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang panahon na para subukan mo naman ang isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo, magustuhan mo ito.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo at maaaring maging awkward ang araw na ito lalo na kung palagi siyang umaaligid sa iyo.
Money/Career:
Alam mo naman ang kailangan mong gawin, pero may chance na tamarin ka pa rin na gawin ang mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maraming bagay ang magbabago ngayong araw. Maaaring dumating na ang matagal mo na hinihintay. Ang tanong – handa ka na ba?
Love:
Couples: Kung masyadong stressed ang iyong partner, subukan mo siyang masahiin para naman gumanda ang kanyang pakiramdam.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, subukan mong maghanap ng iba para naman hindi ka araw-araw mahirapan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Subukan mong tapusin ngayong araw ang isang project para naman makagawa ka ng iba. Huwag ka na tamarin na gawin ito.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at malay mo, magustuhan ito ng iyong partner.
Money/Career:
Panahon na para gumawa ka ng desisyon tungkol sa isang bagay. Huwag mo na ito patagalin pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo na takasan ang iyong mga gawain. Gawin mo na lamang ang mga ito para hindi ka na masermonan.
Love:
Couples: Kung nagtatampo ka sa iyong partner, siguraduhin mo na nasa rason ka at hindi lang ito dahil sa isang maliit na bagay.
Money/Career:
Subukan mong gawin ang isang bagay na hindi mo natapos at maaaring magawa mo na ito this time.
Lucky color: Green
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan ay maging observant ka ngayong araw. Huwag mo na palampasin ang isang bagay kung makikita mo ito.
Love:
Singles: Mukhang magiging awkward ang araw na ito para sa iyo, lalo na kung aaligid sa iyo ang taong kinaiinisan mo.
Money/Career:
Huwag mo na lamang ituloy ang isang bagay kung palagi na lamang pabago-bago ang isip mo tungkol dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12