Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ituloy mo lang ang iyong ginagawa, lalo na kung maganda naman ang nakukuha mong mga resulta rito.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner. May mga bagay lang talaga siya na hindi maintindihan.
Money/Career:
Makinig ka sa iyong mga kasama, dahil may chance na may point din naman sila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Taurus (Apr 20 – May 20)
Nasa tamang direksyon ka naman. Pero kung confused ka pa rin, magdahan-dahan ka lang para makasiguro ka.
Love:
Singles: Kung wala talaga siyang gusto sa iyo, humanap ka na lamang ng iba para hindi ka na masaktan pa.
Money/Career:
Kung nag-apply ka kamakailan, maaaring makatanggap ka na ng balita ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kaya mo namang intindihin ang mga bagay-bagay, basta maipaliwanag lang sa ang mga ito sa iyo nang mabuti.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner at pwede mo itong gamitin para iasar sa kanya.
Money/Career:
Matatapos mo na ang iyong mga gawain kaya naman mababawasan na ang mga nakatambak mong gawain.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Minsan, wala ka talagang choice kundi gawin ang isang bagay. Magtiis ka na lamang hanggang magkaroon ka ng chance.
Love:
Singles: Mukhang marami kang karibal sa taong nagugustuhan mo kaya naman kailangan mong kumilos kaagad.
Money/Career:
Maging positive ka lang. Pwede mo namang simulan ang isang bagay para malaman kung kakayanin mo
ito o hindi.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Madali mong naiinspire ang ibang tao dahil masipag ka talaga at napakabright mong mag-isip. Ipagpatuloy mo lang ito.
Love:
Couples: Huwag kang mahiyang magkwento sa iyong partner kahit na nakakatawa ito. Malay mo, may maishare din siya sa iyo.
Money/Career:
Maging honest ka na lamang sa iyong trabaho. Huwag ka na gumawa ng isang bagay na magpapahamak sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Tanggapin mo na lamang ang bagay na makukuha mo. Huwag ka na magreklamo at makuntento ka na lamang dito.
Love:
Singles: Huwag ka na lang muna makialam sa problema ng ibang tao, dahil may chance na magalit lang sila sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may chance ka naman na makapag-abroad, kaya pwede mong ayusin ang iyong requirements para hindi ka na magkaroon pa ng problema.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may matatanggap ka na balita na may kinalaman sa iyong kaibigan. Ikaw na ang bahala kung sasabihin mo ito sa kanya.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo ulit ang iyong ex ngayong araw. Huwag ka na lamang makipagkamustahan sa kanya kung hindi mo feel.
Money/Career:
May chance na may matanggap kang pera ngayong araw mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Red
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo pa sure kung dapat mong sabihin ang isang bagay, huwag mo muna ito gawin at baka mapahamak ka pa.
Love:
Singles: Kung ayaw mong layuan ka ng crush mo, dapat ay ayusin mo ang pakikipag-usap mo sa kanya para hindi siya maging awkward sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magagawa mong mabawi ang pera na nawala sa iyo kamakailan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Nandyan naman ang mga kaibigan mo para suportahan ka, pero dapat ay ibalik mo rin ang tulong na ito sa kanila.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ipasyal mo ang iyong partner, lalo na kung hindi na kayo nakakagala masyado.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring madelay ka sa iyong mga gawain at mahirapan ang iyong mga kasama dahil dito.
Lucky color: White
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang matutulungan ka ng iyong kaibigan ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutan na itreat ka.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at tingnan mo ang magiging reaction ng iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Pag-isipan mo munang mabuti kung may plano kang magresign at lumipat sa ibang company.
Lucky color: Cream
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may tao na hihingi ng favor sa iyo. Kung kaya mo naman itong gawin, pagbigyan mo na siya.
Love:
Couples: Kahit na gusto mo maging sweet sa iyong partner, may mga oras talaga na hindi mo ito magawa dahil sa busy ka.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 6
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may tanong ka, huwag kang mahiya na sabihin ito para naman hindi ka mamroblema kapag mag-isa ka.
Love:
Singles: Huwag ka na lamang makialam sa problema ng isang couple lalo na kung ayaw mong madamay sa away nila.
Money/Career:
Kung kinakapos ka sa iyong budget, marahil ay panahon na para maghanap ka ng bagong sideline.
Lucky color: Purple
Lucky number: 3