Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mong baguhin ang diskarte mo sa isang bagay at baka may pag-asa pang maitama mo ang iyong mali.
Love:
Couples: Makinig ka sa iyong sarili. Kung gusto mo talaga ang isang bagay, gawin mo ito at maiintindihan ka naman ng iyong partner.
Money/Career:
Iwasan mong mangutang ngayong araw para lamang mabili mo ang isang bagay.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Alam mo ang mga bagay na hindi niya alam, at hindi mo naman alam ang mga bagay na alam niya. Mukhang quits lang kayo.
Love:
Singles: Huwag ka pumasok sa isang relasyon, lalo na kung alam mo na magiging complicated lang ang sitwasyon ninyo.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya. Darating din ang bagay na hinihintay mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may ibibigay sa iyo na bagong gawain ngayong araw. May malaking chance naman na maenjoy mo ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para makipagkulitan sa iyong partner, lalo na kung naging busy ka kamakailan.
Money/Career:
Huwag agad iinit ang ulo kapag may nakitang problema. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon kapag nagalit ka pa.
Lucky color: Cream
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong ingatan ang iyong mga kilos dahil maraming tao ang nagbabantay sa iyo. Huwag kang gumawa ng isang bagay na pagsisisihan mo.
Love:
Couples: Mukhang may mapapansin kang pagbabago sa iyong partner. Ikaw lang ang makakapagsabi kung maganda ba ito o hindi.
Money/Career:
May malaking chance na ma-bore ka ngayong araw, kaya naman hindi mo magagawang tapusin ang iyong mga gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang mahihirapan ka na gawin ang mga bagay na inutos sa iyo, lalo na kung kukulangin ka sa mga gamit na kailangan mo.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang relasyon. Huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Mukhang may kakilala ka na susubukan na ipasok ka sa isang business kung naasan sila.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung gusto mong humingi ng tulong sa iyong kaibigan, huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na agad kung ano ang kailangan mo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ngayong araw ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Marami ka pang kailangan na gawin ngayong araw, kaya hindi pupwede na papetiks-petiks ka lang. Kumilos ka na.
Love:
Singles: Mukhang hindi ka talaga magugustuhan ng taong gusto mo, lalo na kung mali-mali naman ang diskarteng ginagawa mo.
Money/Career:
Huwag ka na munang makialam sa problema ng ibang tao para hindi ka nila madamay rito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo muna ipagkalat sa ibang tao ang iyong nalalaman. Gamitin mo muna ito para sa iyong advantage.
Love:
Couples: Mas mabuti na huwag ka muna makipagtalo sa partner mo, para naman hindi na masira pareho ang inyong araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung masyado kang busy, pwede ka namang humingi ng tulong sa isang kaibigan para gawin niya ang ilan sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung merong hindi maintindihan ang partner mo, ipaliwanag mo sa kanya ito nang mabuti. Habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magfocus ka na lamang sa iyong trabaho at huwag ka na makipagkwentuhan sa iba.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may bagay ka na makukuha ngayong araw. Huwag mo kalimutang magpasalamat sa taong magbibigay sa iyo nito.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong i-spoil ang iyong partner. Dapat ay maintindihan niya na hindi lahat ay pwede niyang makuha.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho, para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may malalaman kang bagay ngayong araw. Nasa sa iyo na kung gusto mo itong ipagkalat sa iba o hindi.
Love:
Couples: Kung puro stress na lamang ang dulot sa iyo ng iyong kasalukuyang relasyon, marahil ay panahon na para itigil mo ito.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho at baka magalit pa sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang malalaman mo rin ang totoo. Maghintay ka na lamang at may tao rin na magsasabi sa iyo nito.
Love:
Singles: Obvious naman para sa lahat kung sino ang tao na dapat ipursue mo, pero hindi ka pa rin sigurado kung siya na nga o hindi pa.
Money/Career:
Huwag mong kalimutan ang iyong sarili. Magpahinga ka kung magkakaroon ka ng oras.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21