Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kumalma ka lang. Hindi mo naman kailangang magpanic dahil makakaisip ka rin ng solusyon sa iyong problema.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo sa isang lugar kung saan ka madalas tumatambay.
Money/Career:
Kung sinimulan mo ang isang bagay, gawin mo ang lahat para tapusin ito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maghintay ka lang. Huwag mo madaliin ang isang bagay dahil baka hindi maging maganda ang resulta nito.
Love:
Singles: Huwag ka maging awkward kapag kausap mo ang crush mo dahil may chance na ma-turn off siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong part-time job.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
May importanteng desisyon ka na dapat gawin at kahit na marami ang tumutol dito, kailangan mo pa rin itong gawin.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mag-expect sa isang tao lalo na kung hindi mo naman sigurado na may patingin siya sa iyo.
Money/Career:
Matuto kang makiramdam sa mga tao sa iyong paligid para naman wala kang ma-offend sa kanila.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo na tutulan ang isang bagay dahil ikaw rin naman ang makikinabang dito sa huli. Sumang-ayon na lang at huwag na kumontra.
Love:
Singles: Kung feeling mo ay siya na ang tao para sa iyo, i-pursue mo na siya agad bago ka pa maunahan ng iba.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, subukan mong magtanong sa iyong mga kaibigan at baka may alam sila na pwede mong applyan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mong panindigan ang iyong sinabi. Kapag binawi mo ito, tiyak na marami ang magda-doubt sa kakayahan mo.
Love:
Singles: Humingi ka ng tips sa iyong mga kaibigan kung paano makipagflirt sa ibang tao lalo na kung gusto mo na talaga magka-partner.
Money/Career:
Okay lang naman na magkamali ka, pero dapat ay ginagawan mo ito ng paraan para maayos.
Lucky color: Black
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na pinagplanuhan mo ang isang bagay, may mga mangyayari pa rin na hindi mo inaasahan kaya dapat ay maging handa ka.
Love:
Couples: Kung ano sa tingin mo ang tama, iyon ang gawin mo. Mag-explain ka na lamang sa iyong partner kung kontra siya rito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong nagvovolunteer para sa isang charity work.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang pinakamaaapektuhan dito. Mas mabuting humingi ka ng tulong sa ibang tao.
Love:
Couples: Magfocus ka na lamang muna sa iyong partner ngayong araw lalo na kung hindi mo siya nabibigyan ng panahon lately.
Money/Career:
Kung may mga bagay ka na dapat tapusin ngayong araw, simulan mo na agad ang mga ito para naman matapos ka nang maaga.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung sa palagay mo ay hindi pa sapat ang ginawa mo, hingiin mo ang opinyon ng ibang tao para naman magkaroon ka ng peace of mind.
Love:
Couples: Ilibre mo ang iyong partner ngayong araw. Panahon na para siya naman ang i-treat mo at pasayahin.
Money/Career:
Kung may balak ka na magresign sa iyong trabaho, gawin mo ito kung may offer para sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung nakatanggap ka ng bad news kahapon, tiyak na may darating na good news sa iyo ngayong araw kaya huwag ka na masyadong magdrama.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, ibalita mo ito sa iyong mga magulang para naman mabigyan ka nila ng advice.
Money/Career:
Kung may gusto kang bilhin, hintayin mo muna na magsale ito para naman makatipid ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 13
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Panahon na para tapusin mo ang isang project na matagal mo na naumpisahan, pero hindi mo matapos-tapos. Huwag ka na tamarin at simulan mo na ito.
Love:
Singles: I-enjoy mo lang ang araw na ito. At kung yayayain ka ng taong gusto mo na samahan siya, pumayag ka kaagad.
Money/Career:
May malaking chance na may taong magbayad na ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 4
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong kalimutan na icheck ang iyong email at maaaring makatanggap ka ng magandang balita ngayong araw.
Love:
Couples: Kung nahihirapan mag-adjust ang iyong partner sa isang bagay, huwag mong kalimutan na suportahan siya.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng regalo ngayong araw mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Pagplanuhan mo nang mabuti ang iyong mga gagawin ngayong araw para naman hindi pumalpak ang mga ito.
Love:
Singles: Kung walang pagtingin sa iyo ang taong gusto mo, marahil ay hindi talaga siya ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Huwag kang matakot na pumasok sa isang business lalo na kung meron ka namang kasama.
Lucky color: Grey
Lucky number: 21