Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mo na ipainggit sa ibang tao ang mga gamit mo. Mas mabuting ipahiram mo na lang ang mga ito para ma-experience din nila.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong partner na kumain sa labas, lalo na kung hindi ninyo pa ito nagawa recently.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung bored ka na sa ginagawa mo araw-araw, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman maaliw ka.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong pag-isipan ang isang bagay dahil mawawala rin naman ito sa huli. Umiwas ka na lang sa stress.
Money/Career:
Kung may tumulong sa iyo, huwag mong kalimutang magpasalamat o kaya’y ilibre mo siya pagkatapos.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30
Gemini (May 21 – Jun 20)
Alam mo naman kung ano ang dapat mong gawin. Magfocus ka na lamang dito at huwag mo na intindihin ang ibang tao.
Love:
Singles: Magaling kang makipag-flirt sa ibang tao. Pero kung palagi mo itong gagawin, walang tao na seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong sariling business.
Lucky color: White
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang kailangan mo talagang gawin ang isang bagay kahit na hindi mo ito gusto. Wala ng atrasan kapag ginawa mo ito.
Love:
Couples: Kulitin mo ang iyong partner ngayong araw. Patawanin mo siya lalo na kung napapansin mong masyado siyang stressed.
Money/Career:
Huwag mo na lamang pansinin ang sinasabi sa iyo ng ibang tao lalo na kung alam mo namang hindi ito totoo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Pabilibin mo ang mga tao sa iyong talent, pero huwag ka masyadong magyabang para hindi sila maging awkward sa iyo.
Love:
Couples: Mas mabuting huwag na muna kayo gumala ngayong araw at magpahinga na lamang sa inyong bahay.
Money/Career:
Mukhang makukumpleto mo na ang ilan sa iyong mga gawain, kaya naman mababawasan na rin ang iyong tambak.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang panahon na para sabihin mo sa isang tao ang isang bagay na dapat ay matagal na niyang nalaman.
Love:
Couples: Kung may problema ang iyong partner, subukan mong tumulong at bigyan siya ng suporta.
Money/Career:
Kahit na gusto mo ang trabaho mo, kung toxic naman ang mga kasama mo ay hindi ka rin magiging masaya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Okay lang iyan kung wala ka pang plano sa ngayon. Gawin mo na lang ang una mong maisip at tingnan mo kung magiging effective ito.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung gusto mo siyang pakiligin.
Money/Career:
Kung confused ka sa status ng iyong career, humingi ka ng tulong o guidance sa iyong boss.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Isipin mo muna ang gagawin mo. Huwag ka basta-basta gumawa ng isang bagay na hindi mo naman sigurado.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga na maging close sa kanya, subukan mong alamin kung anong mga bagay ang gusto niya.
Money/Career:
Mukhang oras na para simulan mo ang isang bagay na matagal mo na dinedelay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka magpakontrol sa sasabihin ng ibang tao. Kung hindi mo trip na gawin ang isang bagay, huwag mo ito ituloy.
Love:
Singles: Mukhang hihingi na naman sa iyo ng tulong ang isa mong kaibigan na problemado sa kanyang love life.
Money/Career:
Maging mabait ka sa iyong mga kasama, para kung sakaling may favor ka sa kanila, madali ka nilang mapagbigyan.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili. Simple naman ang kailangan mong gawin, kaya huwag ka na masyadong mag-isip.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kang kausapin ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung meron siyang inaalala.
Money/Career:
Huwag ka muna makipagtalo sa iyong mga kasama. Hayaan mo na makita nila kung saan sila nagkamali.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may balak kang subukan na bago ngayong araw, mag-ingat ka lang dahil hindi mo masasabi kung ano ang magiging outcome nito.
Love:
Couples: Huwag ka na magalit sa iyong partner. Marerealize niya rin kung saan siya nagkamali at lalapit siya sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na makinig sa mga tsismis at baka mapahamak ka pa.
Lucky color: Brown
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na magreklamo sa mga bagay na iuutos sa iyo ngayong araw. Gawin mo na lamang ang mga ito para matapos na lang.
Love:
Singles: Mukhang magpaparamdam ulit sa iyo ang iyong ex. Huwag ka magpaapekto sa mga sasabihin niya sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi mo aalagaan ang iyong sarili, mas lalo ka lamang magkakasakit at hindi makakapasok sa trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27