Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung naturuan mo na ang ibang tao tungkol sa isang bagay, hayaan mo na sila na gawin ito. Ibigay mo na ang atensyon mo sa ibang bagay.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng chance na makasama ang crush mo ngayong araw. Magiging energetic ka na naman dahil dito.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang pasensya mo sa iyong mga kasama. Mahirap talaga sila kontrolin kapag excited sila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, sabihin mo na ito kaagad bago pa niya malaman sa iba.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na iparamdam sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa iyo. Kahit na maliit na effort ay mapapansin niya.
Money/Career:
Hindi mo talaga maiiwasan na magkamali sa iyong trabaho. Ayusin mo na lang ang iyong mga gawain sa susunod.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makakapag-isip ka lang nang maayos kung nasa focus ka. Huwag ka kaagad magpanic dahil tiyak na maguguluhan ka lang.
Love:
Couples: Kung masyadong stressed ang iyong partner, subukan ninyong mag-usap tungkol sa masasayang mga bagay.
Money/Career:
Tama naman ang nasa isip mo. Kailangan mo lang na magawa ito nang maayos para magkatotoo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kahit na anong iwas mo, mapapansin ka pa rin ng ibang tao lalo na kung kakaiba talaga ang ginagawa mo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na muli mong makita ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Mukhang marami na kayong pagkakatulad ngayon.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang ang sitwasyon ng ibang tao at huwag ka na dumagdag pa sa stress nila.
Lucky color: Grey
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magrelax ka lang. Actually, madali lang naman ang solusyon sa problema mo, kaya hindi mo kailangang magpanic.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner kung hindi ka pabor sa gagawin niya. Magpaliwanag ka para hindi siya agad magagalit sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na sumipsip pa sa iyong boss. Galingan mo na lang sa iyong mga gawain para mapabilib mo siya.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Subukan mong gawin kahit paunti-unti ang isang bagay para naman matapos mo na ito. Huwag ka na tamarin ngayong araw.
Love:
Couples: Kung may dapat kayong pag-usapan na seryoso ngayong araw, huwag mo ito gawing comedy para hindi magalit sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Wala namang masama sa intensyon mo, pero mukhang hindi pa rin sang-ayon dito ang iyong mga kasama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong mag-unat-unat kung napapansin mong nangangalay ang iyong katawan. Mag-exercise ka kasi kapag may free time ka.
Love:
Couples: Maging romantic ka sa iyong partner ngayong araw. Pwede mo siya i-treat sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Kung hindi mo gusto ang paraan na pinapagawa sa iyo, sabihin mo ito para naman ma-discuss ninyo ito nang mabuti.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 6
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may chance na mabago mo ang isip ng ibang tao. Kailangan mo lang na mag-effort pa para maconvince mo talaga siya.
Love:
Singles: Kung nami-miss mo na siya, subukan mong kontakin siya at malay mo, kausapin ka naman niya.
Money/Career:
Okay lang kung minsan ay mabagal ka pumick-up. Kailangan mo lang irelax ang utak mo para naman makapagfocus ka ulit.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka magtiwala sa sarili mo na kaya mong matandaan ang isang bagay. Isulat mo na ito para wala kang problema.
Love:
Couples: Kung hindi sang-ayon ang partner mo sa gusto mo, subukan mong magpaliwanag sa kanya hanggang sa maintindihan niya.
Money/Career:
Ayusin mo muna ang problema ng iyong pamilya para naman makapagconcentrate ka sa trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Subukan mong kausapin ang isang tao ngayong araw. Kung hindi mo siya kayang i-meet, i-video chat mo na lang siya.
Love:
Couples: Kahit na anong usap ninyo, kung hindi ninyo naman aaksyunan ang isang bagay, wala ring mangyayari.
Money/Career:
Okay lang naman na gumala ka after work, pero siguraduhin mo lang na natapos mo ang iyong mga gawain bago iyon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang masa-satisfy ka naman sa mangyayari ngayong araw. Kahit na hindi ito grabe, papabor pa rin naman ito sa iyo.
Love:
Singles: Kung gusto mong makilala ang isang tao, subukan mong magtanong-tanong sa ibang tao para malaman mo kung sino siya talaga.
Money/Career:
Huwag mo na pakialaman ang isang bagay na hindi naman inutos sa iyo. Baka may magalit pa sa iyo kapag tinuloy mo ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ihanda mo na lamang ang iyong sarili sa mga mangyayari ngayong araw. Huwag ka masyadong mag-alala pero dapat ay alisto ka pa rin.
Love:
Singles: Subukan mong lumabas at makipagkilala sa ibang tao. Panahon na para may makilala kang bago at paramihin ang iyong mga kakilala.
Money/Career:
Dapat ay maging open-minded ka sa mga idea ng ibang tao. Huwag mo agad tanggihan ang isang bagay dahil lang sa hindi mo ito gusto.
Lucky color: Blue
Lucky number: 23