Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang kailangan mong pumunta sa malayo ngayong araw para kunin ang isang bagay. Importante ito kaya naman gawin mo ito kaagad.
Love:
Singles: Hindi porke nakakarelate ka sa kanya ay kayo na ang nakalaan para sa isa’t-isa. Huwag masyadong assuming.
Money/Career:
Nasa iyo ang desisyon kung saan mo gagastusin ang pera mo. Huwag ka magpakontrol sa ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bantayan mong mabuti ang iyong mga kinakain, lalo na kung gusto mo talagang bumaba ang iyong timbang.
Love:
Couples: Mukhang may chance na mag-away kayo ng iyong partner tungkol sa isang maliit na bagay ngayong araw.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong mga kasama kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: Cream
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makinig ka sa iyong mga hinala at kutob ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Subukan mong pumunta sa isang event ng iyong kamag-anak at baka doon mo na makita ang taong nakalaan sa iyo.
Money/Career:
Magstick ka na lamang sa kung anong alam mo at huwag ka manghula.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Sinusunod mo naman ang sinasabi sa iyo ng ibang tao, pero feeling mo ay merong mali sa mga ginagawa mo.
Love:
Couples: Pakiligin mo ang iyong partner ngayong araw. Pwede mo siyang regaluhan ng kanyang favorite na gamit.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong part-time job.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi mo masasabi na hindi mo kaya ang isang bagay kung hindi mo ito susubukan. Huwag ka kaagad susuko.
Love:
Singles: Pag-aralan mo ang relasyon ng iyong mga kaibigan para naman maging prepared ka kapag nagkaroon ka na.
Money/Career:
Mag-ipon ka muna ngayong araw at huwag mo muna bilhin ang isang bagay. Hintayin mo na mag-sale ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Makakatanggap ka ng tulong ngayong araw mula sa isang tao na hindi mo inaasahan dahil hindi naman niya ugali na tumulong.
Love:
Couples: Pagalitan mo ang iyong partner kung naging pasaway siya at nagkaroon kayo ng problema dahil dito.
Money/Career:
Kung kinakapos kayo parati sa pera, marahil ay panahon na para maghanap kayo ng bagong source of income.
Lucky color: Silver
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Alam mo naman ang kailangan mong gawin, pero natatakot ka pa rin na gawin ito dahil baka magkamali ka.
Love:
Singles: Kung meron kang date ngayong araw, maaaring hindi ito matuloy lalo na kung magiging masama ulit ang panahon.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng pera mula sa isang kamag-anak.
Lucky color: Gold
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Samahan mo ang iyong kaibigan ngayong araw lalo na kung nagpapasama siya sa iyo. Sige ka, baka maligaw iyon.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi naiintindihan sa iyong partner, magtanong ka sa kanya at huwag kang manghula.
Money/Career:
Maging masipag ka sa iyong trabaho ngayong araw lalo na kung babantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gawin mo agad ang isang bagay bago ka maunahan ng iba. Pagkakataon mo na ito para maipakita ang galing mo sa ibang tao.
Love:
Couples: Maging matatag ka lang. Magiging maayos din kayo ng partner mo at maiintindihan ka rin niya.
Money/Career:
I-motivate mo ang iyong mga kasama lalo na kung nadedelay ang mga gawain mo dahil sa kanila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may nakita kang mali sa iyong mga gawa, ayusin mo ito kaagad. Huwag mo na hintayin na punain ka pa ng iba.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo. Hindi pa niya ito maamin sa iyo dahil meron kang gustong iba.
Money/Career:
Huwag ka muna bumili ng isang bagay na naka-sale ngayong araw. Ilaan mo muna ang pera mo sa mga bagay na mas importante.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain dahil tataas lang ang chance na magkamali ka sa mga ito.
Love:
Couples: May chance na maging demanding ngayong araw ang iyong partner. Pagbigyan mo siya kung nasa mood ka naman.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting huwag ka na muna pumasok at baka mapa’no ka pa.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung masaya ka sa iyong mga ginagawa, hindi ka tatamarin na gawin ang mga ito kahit pa ilang beses mo ito gawin.
Love:
Couples: Kung may tampo ka sa partner mo, subukan mo munang lumayo sa kanya at hintayin mo na suyuin ka niya.
Money/Career:
Kung masyado kang stressed sa trabaho, mas lalo mo lang mararamdaman ang pagod na dulot nito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 22