Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang satisfied ka naman sa mga nangyayari sa iyo ngayon, pero maghanda ka pa rin sa mga pagbabagong maaring mangyari sa mga susunod na araw.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa iyong partner, kausapin mo siya tungkol dito para magawan ninyo agad ito ng solusyon.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring kapusin ka sa iyong budget kung panay ang bili mo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magtiwala ka sa iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Subukan mong i-treat ang iyong partner sa kanyang favorite na resto lalo na kung napapansin mong sobrang stressed siya lately.
Money/Career:
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para iwan mo ang iyong trabaho at maghanap ng iba.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makakaisip ka rin ng solusyon para sa iyong problema. Pero kung nagmamadali ka, humingi ka na ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at tingnan mo kung ano ang magiging reaction ng iyong partner.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong trabaho dahil may malaking chance na merong sumabotahe sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May chance na hindi ka na pagkatiwalaan ng isang tao, lalo na kung parati mo na lang binabalewala ang pangako mo sa kanya.
Love:
Couples: Maswerte ka dahil nandiyan palagi ang partner mo para suportahan ka sa iyong mga ginagawa.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong charm para ma-convince mo ang isang tao para gawin niya ang favor mo sa kanya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang marami kang makukuha ngayong araw. Kung sobra-sobra ito, huwag ka maging madamot at ipamigay mo ang iba.
Love:
Singles: Kung merong mag-aya sa iyo na lumabas ngayong araw, huwag ka na mahiya at pumayag ka na rito.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mapagastos ka ng malaki ngayong araw, kaya naman mag-ingat ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Makukuha mo rin ang matagal mo na inaasam kaya naman huwag ka masyadong mainip.
Love:
Singles: Maging open ka sa iyong nararamdaman tungkol sa isang tao. Doon mo lang malalaman kung meron kang pag-asa sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na makikinig sa iyo ang karamihan sa iyong mga kasama, kaya hindi ka masyadong maiistress ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung masyado kang pagod ngayong araw, mas mabuting umuwi ka nang maaga at dumiretso agad sa kwarto para makapagpahinga.
Love:
Singles: Kilalanin mong mabuti ang taong nagugustuhan mo. Doon mo lang malalaman kung worth it ba ang pagpursue mo sa kanya o hindi.
Money/Career:
Bago mo simulan ang isang bagay, magresearch ka muna rito para hindi ka pumalpak.
Lucky color: Black
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung gusto mo talagang mapalapit sa isang tao, subukan mong gawin ang ilan sa kanyang mga gawain para maimpress mo siya.
Love:
Couples: Bago ka pumayag sa gusto ng iyong partner, isipin mo muna kung may maidudulot ba itong maganda sa huli.
Money/Career:
Humingi ka ng tips sa iyong boss lalo na kung nahihirapan ka minsan sa iyong trabaho.
Lucky color: Violet
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman sasakit na naman ang ulo ng mga taong makakasama mo.
Love:
Couples: Okay lang naman na gumala ka ngayong araw, pero dapat ay magpaalam ka muna sa iyong partner para hindi siya mag-alala.
Money/Career:
Subukan mong iimprove pa ang iyong sarili para hindi lang boss mo ang mapahanga mo, pati na rin ang iyong pamilya.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka basta mangako sa isang tao, lalo na kung hindi mo pa sure kung magagawa ito. Mas mabuting tumanggi ka muna.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner kung napapansin mong kakaiba ang kinikilos niya. Maaaring may malaman kang bago tungkol sa kanya.
Money/Career:
Pag-aralan mong mabuti ang mga bagay na tinuturo sa iyo, para naman hindi na paulit-ulit ang ibang tao sa pagpapaalala sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mas mabuting huwag ka muna makipagkwentuhan ngayong araw para naman matapos ka kaagad sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Kung wala ka namang gagawin sa gabi, subukan mong ayain ang iyong kaibigan na pumunta sa mall o tumambay sa inyong bahay.
Money/Career:
Ayusin mo na agad ang mga utang mo sa ibang tao para hindi na dumami pa ang mga taong nagha-hunting sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong kalimutang magsabi ng thank you sa mga taong tumutulong sa iyo. Subukan mo rin silang ilibre paminsan-minsan.
Love:
Singles: Huwag ka na masyadong magpastress sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo. Maging confident ka na lamang sa iyong sarili.
Money/Career:
Mukhang may malalaman ka ngayong araw tungkol sa iyong kasamahan sa trabaho. Huwag ka muna masyadong maingay tungkol dito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24