Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong ireject agad ang isang idea porke mahirap ito. Malay mo, kaya mo naman pala gawin ito na maayos.
Love:
Singles: Kung wala ka namang gagawin ngayong araw, subukan mong pumunta sa bahay ng iyong kaibigan.
Money/Career:
Subukan mong maghanap ng trabaho na malapit lamang sa inyo para makatipid ka sa pamasahe.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago mo sabihin ang nalalaman mo sa isang tao, isipin mo muna at baka meron silang balak na lamangan ka.
Love:
Couples: Bago mo asikasuhin ang iyong partner, icheck mo muna at baka meron ka pang mga bagay na hindi nagagawa.
Money/Career:
Subukan mong mag-isip ng bagong paraan para lalo mo pang mapabilis ang iyong mga gawain.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 22
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung naghahanda ka para sa isang exam na paparating, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner para malaman mo kung ano ang problema niya, kaysa sa hulaan mo ito.
Money/Career:
Kung hindi ka na satisfied sa iyong work, maaaring panahon na para ikaw ay maghanap ng bagong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting huwag na lamang umalis ng bahay at uminom ka kaagad ng gamot.
Love:
Couples: Huwag mo na alamin ang sikreto ng iyong partner. Kung may balak siyang sabihin ito sa iyo, gagawin niya iyon.
Money/Career:
Mag-ipon ka na lang muna at huwag mo muna bilhin ang isang bagay kung uutangin mo lang naman ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Subukan mong kontakin ang isa mong kaibigan at baka meron siyang pwedeng ialok sa iyo na pwede mong pagkakitaan.
Love:
Couples: Ayusin ninyo na agad ang inyong problema para hindi na ito lumaki at magdulot ng stress sa inyong dalawa.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa bagay na inutos sa iyo, subukan mong tanungin ulit ang iyong boss tungkol dito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo agad husgahan ang isang tao kung hindi mo naman talaga siya kilala. Maaaring mapaaway ka lang kung huhusgahan mo agad siya.
Love:
Couples: Kung hindi naman kayo busy, subukan ninyong bumisita sa inyong mga kamag-anak at baka may mabalitaan kayo.
Money/Career:
Kung hindi mo pa sure kung ano ba talaga ang nais mong gawin, sumubok ka lang nang sumubok hanggang makita mo ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag kang mahiya humingi ng tulong sa iba. Mas mapapadali ang trabaho mo at magkakaroon ka pa ng free time kung gagawin mo ito.
Love:
Singles: Kung wala siya talagang pagtingin sa iyo, marahil ay nakalaan lang talaga siya para maging iyong kaibigan.
Money/Career:
Maganda naman ang status ng iyong career, pero huwag mo pa ring kalimutan na maglaan ng oras sa iyong pamilya.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka na tumingin sa malayo dahil ang taong hinahanap mo ay nasa iyong paligid lamang. Huwag magbulag-bulagan.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, mag-isip ka kaagad ng paraan kung paano mo siya madalas na makikita.
Money/Career:
Kung binigyan ka ng advice ng iyong boss, subukan mong sundin ito at baka makatulong talaga ito sa iyo.
Lucky color: Yellow green
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring panahon na para magstick ka sa isang healthy diet, lalo na kung napapansin mong tumataba ka na naman.
Love:
Couples: Kulitin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung feeling mo ay hindi ka niya halos pinapansin.
Money/Career:
Huwag mong hayaang masayang ang iyong mga pinaghirapan. Tibayan mo ang iyong loob at huwag agad susuko.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Bago ka gumala, siguraduhin mo muna na natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo para hindi ka rin mapagalitan.
Love:
Couples: May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman subukan mo munang umiwas sa partner mo para hindi siya mainis sa’yo.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Makakaisip ka rin ng paraan para sa iyong problema.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang gustong baguhin sa iyong sarili, gawin mo ito. Pero tandaan mo na hindi lahat ng pagbabago ay maganda para sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na lamang makialam sa problema ng ibang tao para hindi na lumaki ang gulo at baka madamay ka pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa cosmetics ang trabaho.
Lucky color: Yellow green
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kailangan ay mabilis kang makapag-adjust sa mga bagay na magbabago ngayong araw, para hindi ka mahirapan sa mga ito.
Love:
Couples: Kung masyadong busy ang iyong partner, sorpresahin mo siya at subukan mong iluto ang kanyang favorite na ulam.
Money/Career:
Kung may balak kang maghanap ng ibang trabaho, ito na ang panahon para gawin mo ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22