Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong maliitin ang iyong kakayahan. Malay mo, makatsamba ka sa isang bagay at magiging masaya ka dahil dito.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang iyong partner. Kung may request siya sa iyo, subukan mo itong gawin.
Money/Career:
Dapat ay maging updated ka sa mga bagay-bagay sa iyong paligid. Matutong magmasid.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung kaya mong gawin ang isang bagay, ibigay mo ang best mo rito para naman mapabilib mo ang ibang tao.
Love:
Couples: May malaking chance na hindi matuloy ang lakad ninyo ngayong araw dahil sa sama ng panahon.
Money/Career:
Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, mas mabuting magpaalam ka na lang muna na hindi ka papasok.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makinig ka sa sinasabi sa iyo ng iba. Huwag na matigas ang ulo at sundin mo na lang ito para hindi ka na magkaroon ng problema.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para i-treat mo ang iyong parents sa isang dinner lalo na kung hindi ninyo na ito nagagawa nang madalas.
Money/Career:
Magiging okay naman ang araw mo sa iyong trabaho. Mas mabuting umiwas ka na lang din sa pakikinig sa mga tsismis.
Lucky color: Gold
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung ayaw mong ma-late, umalis ka nang maaga sa iyong bahay para makaiwas ka na rin sa traffic.
Love:
Singles: Huwag kang mahiya na kausapin ang mga tao na hindi mo kilala. Magpakilala ka nang maayos para naman hindi sila maging awkward sa’yo.
Money/Career:
Kung may nakita kang problema, aksyunan mo na ito kaagad bago pa ito lumaki.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman kung magreklamo ka, pero huwag naman palagi. May mga bagay ka na dapat mong gawin sa ayaw mo man o sa gusto.
Love:
Singles: Makinig ka sa iyong sarili. Kung napipilitan ka lang, huwag mo na ito gawin at masasaktan ka lang sa huli.
Money/Career:
Huwag ka na muna makipagkwentuhan masyado ngayong araw kung ayaw mong mapagalitan ng iyong boss.
Lucky color: White
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na masyadong mag-alala. Makakaisip ka rin ng solusyon sa problema mo kaya magrelax ka lamang.
Love:
Couples: Kung meron kang event na pupuntahan, magpaalam ka sa iyong partner para hindi siya magduda sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa bukid ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kahit na hindi mo sigurado ang mangyayari, dapat ay maging handa ka sa mga ito para madali ka makagawa ng aksyon.
Love:
Singles: Kung wala ka talagang pagtingin sa taong nagkakagusto sa iyo, sabihin mo ito agad para hindi na siya umasa pa.
Money/Career:
Unahin mo muna ang problema sa iyong pamilya para hindi na sumakit ang ulo mo sa kapag nasa trabaho ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magtiwala ka sa iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Panahon na para baguhin mo ang iyong ugali, lalo na kung palagi ka na lamang sinisita ng iyong partner tungkol dito.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, mas mabuting tapusin mo na ang partnership mo sa kanya.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na tumingin sa malayo dahil nasa malapit lang ang hinahanap mo. Huwag kang magbulag-bulagan sa iyong paligid.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang seryosong relasyon, huwag mong pilitin ang iyong sarili para hindi ka mahirapan.
Money/Career:
Mukhang may chance na may taong magbayad na ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Alam mo naman ang ginagawa mo, kaya huwag ka na makinig sa sinasabi ng ibang tao na kontra sa mga ito.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng partner sa buhay, dapat ay alam mo muna kung paano mahalin at pahalagahan ang iyong sarili.
Money/Career:
Maaaring ma-cancel ang iyong mga lakad lalo na kung magkakaproblema ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka mag-adjust sa mga tao para lamang magustuhan ka nila. Magpakatotoo ka sa iyong sarili.
Love:
Singles: Huwag ka mag-expect na gagawin ng isang tao ang iyong sinabi lalo na kung hindi mo naman siya hawak.
Money/Career:
Hindi masasayang ang efforts mo lalo na kung lagi mong binibigay ang iyong best sa mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Panahon na para subukan mo ang iyong naisip para malaman mo kung uubra ba talaga ito o hindi. Kailangan mo na umaksyon.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner lalo na kung napapansin mo na magulo ang kanyang isip.
Money/Career:
Mahihirapan ka talagang tapusin ang isang gawain lalo na kung marami ang distractions sa iyong paligid.
Lucky color: Black
Lucky number: 21