Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago ka umalis ng bahay, siguraduhin mo na maayos ang iyong mga gamit para hindi ka mabadtrip pag-uwi mo.
Love:
Couples: Kamustahin mo ang iyong partner at baka meron na siyang bagay na hindi sinasabi sa iyo.
Money/Career:
Maging handa ka lang palagi at tiyak na magagawa mong tapusin ang mga bagay na iuutos sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung masama ang iyong pakiramdam, may malaking chance na hindi mo matapos ang mga bagay na dapat mong gawin ngayong araw.
Love:
Couples: Kung going strong na naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng job offer, pero malayong-malayo ito sa kasalukuyan mong ginagawa.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may mga bagay ka na hindi mo na masyadong ginagamit, mas mabuting ipamigay mo na ang mga ito para maging malinis ang iyong kwarto.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner, lalo na kung nakikita mong nagsisisi na siya sa kanyang nagawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong nagbebenta ng alahas.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao. Mahirap na at baka madamay ka sa problema na hind mo naman ginawa.
Love:
Singles: Lumabas ka kasama ng iyong mga kaibigan. I-enjoy ninyo lang ang araw na ito habang hindi pa kayo masyadong busy.
Money/Career:
Subukan mong tulungan ang iyong mga kasama, lalo na kung nahihirapan talaga sila.
Lucky color: White
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Pwede mo namang gawin sa gabi ang isang bagay kung hindi naman ito urgent. Huwag mo lang ito kalimutan.
Love:
Couples: Bantayan mo ang iyong partner ngayong araw dahil may chance na may taong makipagflirt sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang reklamo, sabihin mo ito nang maayos sa iyong boss para maging aware din siya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Marami ka pang bagay na dapat gawin, kaya kung kaya mo na ito simulan nang maaga, gawin mo na ito kaagad.
Love:
Singles: Huwag mo na ipilit ang sarili mo sa isang tao lalo na kung meron naman siyang nagugustuhang iba.
Money/Career:
Kontrolin mo ang iyong sarili. Huwag ka na gumastos sa isang bagay na itatambak mo rin sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na may taong magalit sa iyo. Mag-explain ka nang mabuti para hindi na lumala ang sitwasyon.
Love:
Couples: Magiging okay naman ang araw ninyong dalawa, kaya i-enjoy ninyo na lang ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Okay lang na manlibre ka, basta ba ingatan mo na hindi mo maubos ang iyong ipon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Hindi lahat ng pagbabago ay maganda. Kaya bago mo ito gawin, dapat ay handa ka sa maaaring maging epekto nito sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner, lalo na kung naging busy ka kamakailan.
Money/Career:
Tulungan mo na ang iyong mga kasama, lalo na kung pilit silang humihingi ng tulong sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Bago ka magsalita, siguraduhin mo muna na totoo ang iyong mga sasabihin para hindi ka masira sa ibang tao.
Love:
Singles: Subukan mong patawanin ang crush mo ngayong araw para naman gumanda ang mood niya at sumaya ka.
Money/Career:
Panahon na para paramihin mo ang iyong mga koneksyon sa iyong trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi ka sigurado sa iyong gagawin, humingi ka ng advice sa ibang tao para malaman mo ang kanilang tingin dito.
Love:
Couples: Bago ka gumawa ng isang major na desisyon, sabihin mo ito sa iyong partner para hindi siya mabigla.
Money/Career:
Makukuha mo rin ang mga bagay na gusto mo, kaya magsipag ka muna sa ngayon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Maging handa ka palagi dahil hindi mo masasabi kung kailan ka magkakaroon ng problema. Dapat ay mabilis ka ring mag-isip.
Love:
Couples: Subukan mong ishare sa iyong partner ang isang bagay na hindi niya alam tungkol sa iyo para maging mas close pa kayo.
Money/Career:
Umuwi ka na agad pagkatapos ng trabaho para makapagpahinga ka. Huwag ka na gumala pa.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Okay lang naman na magkamali ka, pero dapat ay gumagawa ka rin ng paraan para itama ang mga ito.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa para maghanap ng partner, huwag mo itong gawin. Huwag ka magpapressure sa sinasabi ng ibang tao.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na maging maswerte ang mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 4