Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may balak kang sumali sa isang event o investment, tiyakin mo muna na kakayanin mo ito para naman hindi masayang ang iyong pagod at oras.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon kayo ng pagtatalo ng iyong partner ngayong araw tungkol sa isang bagay na binili mo kamakailan.
Money/Career:
Kahit na hindi mo masyadong gusto ang iyong trabaho, gawin mo lang ito lalo na kung sapat naman ang kinikita mo rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gumising ka nang maaga ngayong araw para makaalis ka agad at makaiwas sa traffic hindi mo gugustuhing maging late.
Love:
Couples: Bigyan mo ng payo ang iyong partner, lalo na kung napapansin mo na nahihirapan siyang gawin ang isang bagay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may balak kang pautangin ang isang tao, siguraduhin mo na okay lang sa iyo na hindi siya makapagbayad sa oras bago mo ito gawin.
Love:
Singles: Alagaan mo ang iyong sarili. Huwag na masyadong magpuyat para naman maging glowing palagi ang iyong dating.
Money/Career:
Subukan mong gawin ang isang bagay na inalok sa iyo, lalo na kung marami kang makukuha rito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung nagdesisyon ka na sa isang bagay, huwag mo na itong baguhin para naman hindi mawala ang tiwala sa iyo ng ibang tao.
Love:
Couples: Iwasan mong maging pasaway sa iyong partner ngayong araw para naman hindi na sumakit ang kanyang ulo.
Money/Career:
Maging mabait ka sa mga subordinates mo para naman madali mo silang mapagsabihan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para sabihin mo sa ibang tao ang iyong nararamdaman, para mawala na rin ang tinik sa iyong dibdib.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na may pagtingin sa iyo ang taong gusto mo. Huwag ka na lang muna magpahalata sa kanya.
Money/Career:
Kung binigyan ka ng isang opportunity na gawin ang isang bagay, huwag mo itong tanggihan dahil tiyak na marami kang magiging kaagaw rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo pa naranasang magkamali sa iyong ginagawa, maging maingat ka pa rin at huwag mo iwala ang iyong focus rito.
Love:
Singles: Subukan mong tulungan ang iyong pamilya sa inyong problema, lalo na kung napapansin mo na hindi nila ito kinakaya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gawin mo lang simple ang mga bagay-bagay. Huwag mo na ito gawing kumplikado para naman hindi ka mahirapan.
Love:
Singles: Kung handa ka na para magcommit sa isang relasyon, gawin mo ito pero ipaalam mo muna ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta gumawa ng desisyon. Sabihin mo muna ito sa iyong mga kasama para aware din sila.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging positive ka lang. Huwag mo hayaang mataranta ka sa mga mangyayari ngayong araw. Kailangan mong makapag-isip nang maayos.
Love:
Couples: Kung napapansin mo na parang wala ng spark sa inyong relasyon, ikaw na ang gumawa ng paraan para maibalik ito.
Money/Career:
Ma-eenjoy mo rin ang iyong career basta hindi ka magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na lang muna makialam sa problema ng ibang tao dahil may chance na madamay ka sa mga ito.
Love:
Singles: Kung may taong nagkakagusto sa iyo, siguraduhin mo muna na single din siya para hindi ka magkaproblema.
Money/Career:
Kahit na konti lang ang iyong ginagastos, magtipid ka pa rin just in case na magkaroon ng emergency.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka muna makipag-away sa kahit na sino ngayong araw lalo na kung ayaw mong masira ang iyong mood.
Love:
Couples: Makipagbati ka na sa iyong partner lalo na kung nagtatampo siya sa iyo. Huwag ka na kasi maging pasaway.
Money/Career:
Mag-isip ka nang mabuti at huwag ka basta-basta pumayag sa isang bagay lalo na kung hindi ka naman pamilyar dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang hindi mo kakayanin na gawin ang isang bagay ngayong araw, kaya naman kailangan mong humingi ng tulong sa iba.
Love:
Couples: Mukhang may balak ang iyong partner na i-treat ka sa isang dinner kaya huwag ka masyadong magpakabusog bago iyon.
Money/Career:
Huwag mo muna ipagkatiwala ang pera mo sa ibang tao dahil may malaking chance na mawala nila ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag kang mag-alala dahil may tao naman na handang sumuporta sa mga ginagawa mo. Gawin mo lang ang sa tingin mo ay tama.
Love:
Singles: Mukhang may chance na madevelop ka sa isang tao na matagal mo na kakilala. Marahil ay kayo talaga ang nakalaan sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung nagpautang ka dati, may malaking chance na mabayaran ka na niya ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 25