- Dulce got into hot water when she was tapped to act as guest judge in Tawag ng Tanghalan.
- Movie director Ronaldo Carballo shared a post slamming both Dulce and Rey Valera.
- Dulce later addressed the gong issue.
Rey Valera is on leave from his judging duties in Tawag ng Tanghalan. Dulce was tapped as a guest Punong Hurado in It’s Showtime‘s Tawag ng Tanghalan.
Movie director Ronaldo C. Carballo lashed at both of them in a Facebook post.
Dulce addressed gong issue.
Dulce posted a photo of the gong on Facebook along with an apology that she couldn’t hit the gong. She pointed out how she didn’t even want to be a Punong Hurado anyway.
“Sorry po… hindi ko po kinaya… na mang GONG!!! 😢 #tntsashowtime #PH Hangga’t maaari ayaw ko maging #PunongHurado huhuhu “
Ronaldo’s post on Facebook.
In the post published on August 25, Saturday, Carballo insulted Rey and Dulce’s way of judging contestants. He first slammed Valera for hitting the gong on someone who was actually good. On the other hand, he lashed out at Dulce for not hitting the gong when it was necessary.
Ronaldo noted how Dulce shouldn’t make her religion an excuse to critiquing a contestant. He continued to insult her for allegedly making the Tawag ng Tanghalan stage a charity event. Then, he asked her to leave the position if she can’t hold her emotions in check.
“SA DALAWANG ITO NA MAY DIPRENSYA ANG PAGKATAO, MAY PIPILIIN BA KAYO SA KANILA?
Nawala si REY VALERA bilang head judge ng Tawag ng Tanghalan dahil sa kabobohang mag-judge na ginu-gong ang contestant na di dapat i-gong. Na kinontra mismo ang partikular na desisyong yan nang harap-harapan nina Hurado Jaya at Nyoy Volante. Naging dahilan nga para mahiya na si Rey Valera na maghurado pa–sa dami na nang kapalpakan nya bilang Punong Hurado sa loob ng dalawang taon–kaya di na sya nagbalik pa sa TNT.
Mabuti nga, finally, nagsalita na ng diretsuhan sina Jaya at Nyoy. Natigil na ang mga lantarang kamaliang paghuhurado ni Valera.
Si DULCE, technically, ang pumalit sa kanya.
Pero ngayon naman, just on today’s TNT episode, yung third contestant na young farmer na nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte, mega-glaring (sobrang halatang-halata) ang mali ng pagkanta at super-sintunado sa rendition nya ng sikat na kanta at teleserye na “Mula sa Puso”, HINDI GINONG ng bagong Punong Huradong si Dulce.
Sinabayan na nga lang syang kumanta ng madlang pipol sa studio to save him. Pero yun nga, HINDI NAMAN SYA GINONG ng kasalukuyang Punong Hurado na si DULCE.
“Ibinuko rin sya ngayon ng harap-harapan nina Hurado Yeng Constantino at Mitoy Yunting. Parehong sabi ng dalawang hurado: Nauunawaan nila si Dulce na sobrang bait lang at naawa sa contestant, pero dapat na-gong talaga. Habang sinasabi nina Yeng at Mitoy yun, tinatakpan ni Punong Hurado Dulce ang pagmumukha nya. Kase dapat lang sya talagang mahiya sa maling desisyon nyang yun.
Kilala si Dulce na high profile OA Born Again Christian, pero dapat labas yun sa paghuhurado nya. Bakit naman si Gary Valenciano, born again din, pero pag dapat i-gong, ginu-gong naman nya at may napakagandang paliwanag lang?!
Pag hurado ka, dapat nakahiwalay talaga ang emosyon mo. Dapat fair sa lahat ang desisyon. Ipanalo kung sino talaga ang mahusay at walang puwang ang awa-awa.
Hindi charity ang stage ng Tawag ng Tanghalan. Competition arena ito.
Tigilan yang mga paawa-awa at paiyak-iyak habang naghuhurado.
Dulce, kung di mo kayang gawin ang maghurado ng tama dahil feeling mo against on your being a born again ang mawalan ng “compassion” na “masaktan” ang loob ng sintunado at dapat i-gong na contestant, tulad ni Rey Valera, aba’y lumayas ka na rin dyan sa kinauupuan mo.
Pareho lang kayong dalawa na may diprensya ang mga pagkatao.
Binabalahura nyo kaming mga manonood sa klase ng paghuhurado nyo…”