Aries (Mar 21 – Apr 19)
May chance na merong magbago sa iyong mga plano ngayong araw. Kaya kung hindi ka makakapag-adjust agad, mahihirapan ka talaga.
Love:
Couples: Okay lang na maging sweet ka sa iyong partner. Pero kung nararamdaman mo na pagod siya, hayaan mo na lamang siyang magpahinga.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung masyadong magulo ang iyong isip, tiyak na hindi mo matatapos ang iyong mga gawain at magkakamali ka pa.
Love:
Couples: Sabihin mo sa iyong partner ang iyong nararamdaman. Huwag ka na mahiya dahil tiyak naman na hindi ka niya pagtatawanan.
Money/Career:
Huwag mo muna pakialaman ang trabaho ng ibang tao. Magfocus ka sa mga bagay na inutos sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang napapadalas ang paggastos mo sa damit. Bawas-bawasan mo muna ito at marami ka pa namang hindi naisusuot.
Love:
Singles: Kung palagi ka niyang pinapatawa, marahil ay sign na ito na meron siyang lihim na pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Kung ano ang inutos sa iyo, iyon muna ang gawin mo. Huwag ka na muna gumawa ng ibang diskarte at baka mapagalitan ka pa.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, mas mabuting huwag mo na lang itong subukan para naman safe ka.
Love:
Couples: Alagaan mo ang iyong partner, lalo na kung napapansin mong masyado siyang stressed lately.
Money/Career:
Huwag mo na lang pansinin ang sinasabi sa iyo ng ibang tao lalo na kung hindi totoo ang mga sinasabi nila.
Lucky color: Light green
Lucky number: 8
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan o pamilya sa isang activity para naman hindi masyado maging boring ang araw na ito.
Love:
Couples: Kung naiinis na sa iyo ang iyong partner, huwag mo na siya kulitin para hindi na siya topakin.
Money/Career:
Kahit na hindi mo gustong magpakitang-gilas, kitang-kita pa rin ng ibang tao ang galing mo.
Lucky color: Yellow green
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang ito na ang tamang panahon para idevelop mo ang iyong talent at ibahagi ito sa ibang tao. Maaaring sumikat ka dahil dito.
Love:
Couples: Huwag ninyo kalimutang tumawa. Hindi naman masama na ilayo ninyo muna ang inyong mga sarili sa mga problema.
Money/Career:
Kung merong ipapagawa sa iyo, sabihin mo agad kung kaya mo ba itong gawin o hindi.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para gumawa ka ng desisyon sa isang bagay na makakaapekto sa status mo ngayon.
Love:
Singles: May malaking chance na mapalapit ka sa isang tao ngayong araw. Mukhang malalaman mo na marami pala kayong similarities.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong part-time job.
Lucky color: Dark green
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Bago mo paniwalaan ang isang bagay, alamin mo muna kung totoo ba talaga ito para hindi ka mapahiya sa huli.
Love:
Singles: Mukhang alam mo naman ang dapat mong gawin, pero may takot ka pa ring nararamdaman. Magrelax ka lang at magiging maayos din ang lahat.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo hayaang maging boring ka sa ibang tao. Subukan mong sumama sa mga gala ng iyong barkada para naman hindi ka napag-iiwanan.
Love:
Singles: Mukhang may chance na muli kang kausapin ng iyong ex, lalo na kung may feelings pa siya sa iyo.
Money/Career:
Huwag mo hayaang mahuli ka ng iyong boss na wala kang ginagawa.
Lucky color: Green
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong magfocus sa mga bagay na temporary lang. May mga bagay na mas importante pa kaysa sa mga ito.
Love:
Singles: Mukhang alam mo naman kung ano ang qualities na hinahanap mo sa isang tao. Huwag ka lang masyadong strict dahil wala naman taong perfect.
Money/Career:
Huwag ka na muna umutang sa ibang tao ngayong araw dahil may chance na maging awkward lang sila sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang ito na ang tamang panahon para kumilos ka. Gawin mo na agad ito bago ka pa maunahan ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon ka ng love life. Magfocus ka muna kung paano mo mai-improve ang iyong sarili.
Money/Career:
Maging mapanuri ka sa iyong mga gawain para tiyak na wala kang isusubmit na mali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na mastress ngayong araw. Magrelax ka lang at magiging maayos din ang lahat sa huli. Itulog mo na lang muna iyan.
Love:
Singles: I-enjoy mo lang ang pagiging single mo dahil maraming bagay ka na hindi mo na pwedeng gawin kapag may partner ka.
Money/Career:
Kung sinumulan mo na ang isang proyekto, tapusin mo ito at huwag kang lilipat sa ibang bagay nang hindi pa ito tapos.
Lucky color: Lavender
Lcuky number: 4