Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magtiwala ka sa iyong sarili. Kaya mo namang tapusin ang iyong mga gawain basta hindi ka magpapaistorbo sa ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero kaibigan lamang ang tingin mo sa kanya. Sabihin mo ito para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Mukhang marami kang projects na dapat gawin, kaya naman simulan mo na ang iba sa mga ito para hindi ka madelay.
Lucky color: Green
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bantayan mong mabuti ang mga tao sa iyong paligid dahil may ilan sa kanila na may balak isabotahe ka.
Love:
Couples: Huwag ka mastressed masyado sa iyong partner. May mga times talaga na matigas ang ulo niya. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Kung paulit-ulit na lamang ang ginagawa mo sa iyong trabaho, hindi malayong tamarin ka rin sa paggawa ng mga ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo maintindihan ang isang bagay, huwag kang mahiyang magtanong para na rin hindi ka magkamali.
Love:
Singles: Hindi ibig sabihin na kung single ka ay malungkot ka na. Maraming taong nagmamahal sa iyo. Kailangan mo lang na marealize iyon.
Money/Career:
Kung may balak ka na mag-invest sa isang bagay, gawin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ingatan mo ang iyong sarili. Huwag mong kalimutang kumain dahil tiyak na manghihina ka kapag pinilit mo pa ring magtrabaho.
Love:
Couples: Kung may ginagawang bago ang iyong partner, suportahan mo siya sa kanyang mga balak.
Money/Career:
Maging positive ka lang. Tiyak naman na magiging maayos din ang lahat sa huli.
Lucky color: Purple
Lucky number: 29
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magtiwala ka sa sinasabi ng iyong kutob at hinala, dahil may malaking chance na mangyari ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo at may balak na siyang aminin ito sa iyo. Maaaring maging awkward ang pangyayaring ito.
Money/Career:
Subukan mong unahan ang iyong mga kasama na tapusin ang isang bagay para naman bumilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang mag-alala sa resulta ng isang bagay. Ang importante ay ibinigay mo ang best mo at hindi ka nagsisisi sa iyong nagawa.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makabonding mo ang isang tao ngayong araw. Maaaring maging close kayo dahil dito.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring maguluhan ka sa mga mangyayari ngayong araw. Mas mabuting gawin mo na lang ang mga bagay na hindi bago para sa iyo.
Love:
Couples: Maging faithful ka sa iyong partner. Huwag ka na tumingin sa iba dahil tiyak naman na maswerte ka sa kanya.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod ka sa sinasabi ng ibang tao, pero huwag ka naman magpauto sa kanila.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Suriin mo muna ang isang bagay bago mo ito tanggapin, para naman makasigurado ka na hindi ka magsisisi sa huli.
Love:
Couples: Kung gusto mong maging sweet sa iyo ang iyong partner, subukan mo siyang lambingin at baka gawin din niya ito sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa achievements ng iyong mga kasama. Magsipag ka lang at makakatanggap ka rin nito.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung ayaw mong madamay sa isang problema, huwag ka na lamang makialam sa sitwasyon ng ibang tao.
Love:
Couples: Okay lang naman na mag-away kayo paminsan-minsan. Pero siguraduhin mo lang na magbabati pa rin kayo sa dulo.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay kailangan ninyo nang magtipid o kaya’y humanap ka ng sideline.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Lumayo ka na lamang sa mga taong stressful.
Love:
Singles: Sumama ka sa gimik ng iyong barkada at baka may chance na makita mo na ang taong nakatadhana para sa iyo.
Money/Career:
Huwag mong tanggihan ang isang bagay, lalo na kung wala ka namang magandang excuse para rito.
Lucky color: White
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Pwede ka magshopping para naman hindi ka na maging malungkot.
Love:
Couples: May chance na mag-away kayo ng iyong partner ngayong araw tungkol sa isang bagay na kung tutuusin ay maliit lamang.
Money/Career:
May chance na magresign ka sa iyong trabaho lalo na kung hindi mo talaga gusto ang iyong working environment.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka masyadong mataranta. Tiyak na magiging maayos din ang lahat kaya naman kumalma ka muna para hindi ka na mastress.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa iyong partner. Hindi naman kailangang gumastos ka para maiparamdam mo sa kanya iyon.
Money/Career:
Kung tutol ka talaga sa sinasabi ng isang tao, magpaliwanag kang mabuti at baka sakali mabago mo ang kanyang pag-iisip.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 17