Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka kaagad magtiwala sa sasabihin sa iyo ng isang tao, lalo na kung napapansin mong kakaiba ang kanyang kinikilos.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming oras sa iyong pamilya. Okay lang naman na maging busy ka pero mag-effort ka pa rin kahit papaano.
Money/Career:
Mukhang sasakit ang ulo mo ngayong araw dahil may chance na tamarin ang ilan sa iyong mga kasama.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magtiwala ka sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Kung feeling mo ay may nararamdaman siya sa iyo, subukan mo siyang hulihin para masiguro mo.
Money/Career:
Huwag ka muna papayag sa isang offer, lalo na kung hindi mo tiyak kung tutupad ba sa kasunduan ang kausap mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi mo na ginagamit ang isang bagay, mas mabuting ibenta mo na lamang ito o kaya’y ibigay sa iba.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga kinikilos ng iyong partner, tanungin mo siya kung ano nga ba talaga ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Huwag mo hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka.
Lucky color: Cream
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may gusto kang sabihin sa isang tao, gawin mo ito para naman hindi na kayo magkalabuan pa.
Love:
Couples: Huwag ka na makipagtalo sa iyong partner. Alam mo naman na kapag nanalo ka, magtatampo lang siya.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng pera ngayong araw, kaya naman mabibili mo na ang isang bagay na gusto mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo. Subukan mo na lang umiwas sa mga makukulit na tao para hindi ka mainis.
Love:
Couples: Kung may gusto kang baguhin sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner para naman aware din siya.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na mangyayari sa iyong trabaho. Hindi mo man ito magustuhan sa umpisa, magiging maganda naman ang epekto nito sa huli.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may gusto kang baguhin, gawin mo ito. Hindi man ito maging katulad sa iyong iniisip, at least malapit-lapit naman ito.
Love:
Couples: Kung hindi ka pa handang i-level up ang inyong relasyon, huwag ka mag-alala dahil maiintindihan ka naman ng iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may chance na magresign ka, lalo na kung may iba ka talaga na gustong gawin bilang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna bumili ng mga pagkain na nilalako sa daan dahil may chance na sumakit ang tiyan mo at masira ang araw mo.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makasama mo ang crush mo ngayong araw. Huwag ka masyadong kikiligin para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Huwag kang magmadali. Magiging successful ka rin kaya naman hindi ka dapat gaano mapressure.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang sinimulan na bagay, ikaw lang din ang makakatapos nito kaya huwag mo ito ipaubaya pa sa iba.
Love:
Couples: Kung hindi pa kayo kasal, may chance na matuloy na ito lalo na kung pinag-iisipan ninyo na ito.
Money/Career:
Kung may pumipigil sa iyo na gawin ang isang bagay na gusto mo, marahil ay panahon na para iwasan mo siya.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mag-explain ka nang mabuti sa ibang tao para naman maintindihan nila talaga ang ibig mong sabihin.
Love:
Singles: Kung sa tingin mo ay hindi worth it na ipursue mo pa ang isang tao, itigil mo na lang ito.
Money/career:
Gamitin mo ang mga natutunan mo para solusyunan ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may problema ka sa isang tao, sabihin mo ito sa kanya dahil maaaring hindi lang siya aware sa kanyang ginagawa.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner, lalo na kung lagi na lang siya balisa lately. Maaaring meron siyang mabigat na iniisip.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Mapapagalitan ka lang ng iyong boss kung lumulutang ang isip mo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Huwag mong ipagdamot ang pwede mong maibigay sa kanila.
Love:
Couples: Huwag kang mahiya na sabihin ang iyong problema sa iyong partner. Hindi ka naman niya huhusgahan agad-agad.
Money/Career:
Maaaring matigil ang ilan sa iyong mga gawain lalo na kung madedelay ang iyong mga kasama.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung masama ang iyong pakiramdam, uminom ka na agad ng gamot para makontra ito. Mahirap na at baka lagnatin ka pa.
Love:
Couples: Kung palagi na lamang kayong nag-aaway ng iyong partner, marahil ay panahon na para wakasan ninyo ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Kung meron kang balak na bilhin online, maaaring may makita kang maganda promo ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15