Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi mo gusto ang pamamaraan ng isang tao, subukan mong gawin kung ano sa tingin mo ang pinaka-effective para sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Huwag ka masyadong mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya lalo na kung hindi mabilis maka-gets ang iyong mga kasama.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may bagay ka na hindi natapos kahapon, ipagpatuloy mo ito ngayon para naman matapos mo na ito at makagawa na ng ibang bagay.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mag-alala sa sasabihin ng iba. Kung hindi naman ito totoo, huwag mo na lang itong patulan.
Money/Career:
Pagplanuhan mong mabuti ang iyong mga gagawin para naman hindi ka maguluhan kung ano ang dapat mong unahin.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Lumayo ka na lang sa mga taong negative. Huwag mo hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Kung masyadong busy ka ngayong araw, mahihirapan kang maglaan ng oras sa iyong partner. Bumawi ka na lang sa kanya sa ibang araw.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin mo ang isang bagay na gusto mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung kaya mo namang gawin ang isang bagay, huwag mo na ito iutos pa sa ibang tao para hindi na sila mainis sa iyo.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng taong magmamahal sa iyo, dapat ay matutunan mo munang mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Kung may inoffer sa iyo at kung okay naman ito, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 29
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may tiwala ka sa iyong mga gawain, dapat ay hindi ka kabahan kung sakaling tanungin ka ng ibang tao tungkol dito.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang masira ang relasyon ninyo ng iyong partner dahil lamang sa isang maliit na problema.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, lumiban ka na muna sa iyong trabaho para naman hindi ka na makahawa sa iba.
Lucky color: Red
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Dapat ay mabilis kang mag-isip lalo na kung may problemang biglang magpakita sa iyo ngayong araw.
Love:
Couples: May malaking chance na mairita ka sa mga gagawin ng iyong partner ngayong araw, kaya pagsabihan mo siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ay panahon na para i-let go mo siya para hindi na rin siya maging pabigat sa’yo.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang diskarte mo sa isang tao, lalo na kung hindi ka pa rin niya pinapansin.
Money/Career:
Okay lang na naman na gumastos ka ngayong araw, basta ba hindi ka bibili ng masyadong mahal na gamit.
Lucky color: Purple
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo kayang tapusin ang iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iba pero huwag ka maging demanding.
Love:
Couples: Kung masyadong stressed ka ngayong araw, subukan mong tanungin sa iyong partner kung pwede ka niya masahiin.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, huwag ka munang gumawa ng desisyon para hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka na sa iba at hindi na rin matigas ang iyong ulo. Improving ka na.
Love:
Singles: Kung hindi ka sigurado kung ano ang intensyon sa iyo ng isang tao, huwag ka muna mangangako sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta papasok sa isang deal kung hindi mo naman masyadong kilala ang taong kausap mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong mag-alala ngayong araw. Magiging maayos din ang lahat kaya naman irelax mo lang ang iyong isip.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner. Marahil ay nagawa lang niya ang isang bagay dahil akala niya ay makakabuti ito sa inyo.
Money/Career:
Mukhang magagawa mong tapusin ang iyong mga pending na trabaho ngayong araw.
Lucky color: Gold
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo muna ipagkalat ang isang bagay na mababalitaan mo ngayong araw, lalo na kung hindi naman reliable ang source mo.
Love:
Couples: May malaking chance na magkaroon ng problema ang inyong relasyon at maaaring dahil ito sa iyong kamag-anak.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong busy sa kanilang research.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi man madali ang sitwasyon mo ngayong araw, magtiwala ka lang sa iyong sarili at hayaan mong tulungan ka ng ibang tao.
Love:
Singles: Hindi mo kailangang magmadali na magkaroon ng love life. Tandaan mo na kahit wala kang love life, special ka pa rin para sa iba.
Money/Career:
May malaking chance na makatanggap ka ng magandang balita lalo na kung nag-apply ka kamakailan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19