Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may balak kang simulan ngayong araw, gawin mo ito lalo na kung kikita ka rito ng malaking pera.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon ka ng chance para kausapin ang crush. Ingatan mo lang ang mga sasabihin mo para hindi ka mapahiya.
Money/Career:
Subukan mo munang makinig sa ibang tao at baka may maibigay silang magandang tip sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo muna ipagsabi sa ibang tao ang iyong malalaman. Gamitin mo ito para sa iyong advantage.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga magkaroon ng love life, dapat ay hindi ka nagkukulong sa iyong kwarto. Gala-gala din kapag may time.
Money/Career:
May malaking chance na makaisip ka ng solusyon tungkol sa isang bagay na matagal na gumugulo sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
May taong tutulong sa iyo ngayong araw, pero huwag mong iisipin na ginagawa niya ito dahil may pagtingin siya sa iyo.
Love:
Couples: Kung bored ka na sa inyong relasyon, subukan mong yayain ang iyong partner na sumubok ng isang bagong hobby.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang company, may chance na balitaan ka nila soon.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya. Darating din ang bagay na hinihintay mo kaya naman maghintay ka na lang.
Love:
Singles: Mukhang makikita mo ulit ang crush mo ngayong araw. Pwede mo siyang lapitan pero baka dedmahin ka lang niya.
Money/Career:
I-motivate mo ang iyong mga kasama para naman sipagin sila na magtrabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may gumugulo sa isip mo, subukan mong ikwento ito sa iyong kaibigan at baka may maisip siyang solusyon para rito.
Love:
Couples: Mukhang magiging masaya ang iyong partner ngayong araw, kaya naman magiging peaceful ang buong araw mo.
Money/Career:
Kung hindi mo na gusto ang iyong trabaho, mas mabuting umalis ka na lang dito lalo na kung meron kang offer sa iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging positive ka lang. Hindi man nangyari ang gusto mo, tiyak na may mas magandang nakaplano para sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin ang oras mo sa mga tao na hindi ka naman binibigyan ng panahon. Mas mabuting magfocus ka na lang sa iba.
Money/Career:
Mukhang magiging maganda naman ang mga gawa mo ngayong araw kaya hindi magkakaroon ng problema sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo na isipin ang sasabihin sa iyo ng ibang tao lalo na kung tiwala ka naman sa mga ginagawa mo.
Love:
Singles: Mukhang may tao na merong patingin sa iyo, kaso lang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka mangutang para makuha mo agad ang isang bagay. Maghintay ka na magkaroon ka ng sarili mong pera.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung marami kang bagay na hindi na ginagamit, mas mabuting ibigay mo na lang ito sa iba para mabawasan ang tambak mo sa iyong kwarto.
Love:
Singles: Kung medyo topakin ang taong gusto mo, mag-isip ka muna dahil baka hindi mo siya kayanin kapag naging kayo na.
Money/Career:
Kumpletuhin mo muna ang iyong mga gawain bago ka maggala para naman hindi ka mapagalitan.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mong simulan kaagad ang iyong mga gawain para matapos ka nang maaga at makagala ka pa pagkatapos.
Love:
Couples: Huwag mo na pahirapan ang iyong partner. Pagbigyan mo na lang siya sa kanyang gusto para hindi na kayo mag-away.
Money/Career:
Ilista mo na agad ang mga gagawin mo para naman hindi mo makalimutan na gawin ang mga ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo. Magpahinga ka dahil hindi ka makakapag-isip ng tama kapag masama ang iyong pakiramdam.
Love:
Couples: Huwag mong husgahan agad ang iyong partner. Tanungin mo muna siya at baka meron naman siyang point.
Money/Career:
Kung palagi ka na lang nade-delay dahil sa iyong mga kasama, isumbong mo na lamang sila sa iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang maganda ang araw na ito para ilibre mo ang iyong mga kaibigan, lalo na kung marami silang naitulong sa iyo lately.
Love:
Couples: Kung may kailangan ka sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya dahil hindi naman siya manghuhula.
Money/Career:
Kilalanin mo munang mabuti ang mga taong gustong makipagpartner sa iyo bago ka pumayag.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na magkamali ka sa isang bagay at mapipilitan kang ulitin ito.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti nang nahuhulog ang loob mo sa isang tao. Magrelax ka lang para hindi maging awkward ang mga bagay-bagay.
Money/Career:
Mapapagastos ka na naman ngayong araw kaya no choice ka kundi galawin ang iyong ipon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6