Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago mo gawin ang isang bagay, sabihin mo muna ito sa iba para naman hindi sila mabigla sa gagawin mo.
Love:
Couples: Iparamdam mo sa iyong partner na wala siyang dapat na pagselosan sa mga taong nakakausap mo.
Money/Career:
Kung magiging padalos-dalos ka sa iyong mga gawain, may malaking chance na magkamali ka rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, lalo na kung ayaw mo talaga ang mga pinapagawa sa iyo.
Love:
Couples: Kung naging mabait ka kamakailan, maaaring bigyan ka ng regalo ng iyong partner ngayong araw.
Money/Career:
May chance na maging hectic ang iyong araw, kaya naman iwasan mo na ang pagiging tamad.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang utang sa isang tao, bayaran mo na ito kaagad para hindi ka na niya kasuhan pa.
Love:
Singles: Kahit na gusto mo na pumasok sa isang relasyon, may mga dapat ka pa ring asikasuhin sa iyong pamilya.
Money/Career:
Kung kailangan mo talaga ng pera, dapat ay huwag ka muna sumama sa mga gala ng iyong barkada.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang gustong baguhin sa iyong kwarto, gawin mo na agad ito dahil may chance na tatamarin ka ulit.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa partner mo, kausapin mo siya kaagad at huwag mong idaan sa dedmahan.
Money/Career:
May malaking chance na magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Maghanda ka para rito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, magresearch ka rito at huwag mo lang idaan sa hinala.
Love:
Singles: Kung gusto mo na magkaroon ng love life, humingi ka ng tips sa mga kaibigan mong expert pagdating sa love.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso sa buhay, may mga tao talaga na hihilahin ka pababa.
Lucky color: Black
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna magbigay ng advice sa isang tao ngayong araw dahil may malaking chance namaging mali ito at baka masisi ka pa.
Love:
Couples: Magtiwala ka sa iyong partner. Huwag mong hayaang maimpluwensiyahan ka ng ibang tao
tungkol sa kanya.
Money/Career:
Kahit na pigilan ka man ng iba, magtatagumpay ka pa rin at makakamit mo ang iyong pangarap sa buhay.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil may malaking chance na maraming tao ang handang tumulong sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang malilinawan ka na rin sa ginagawa ng iyong partner. Huwag mo na kasi siya pagdudahan pa.
Money/Career:
Kung may extra kang pera, hindi naman masama na regaluhan mo ang iyong sarili.
Lucky color: White
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may balak kang gawin ngayong araw, mas mabuti na sundin mo ang sinasabi ng ibang tao na may mas alam dito para hindi ka pumalpak.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang seryosong relasyon. Huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo na muna kontrahin ang isang tao ngayong araw. Hayaan mo muna siya sa kanyang gustong gawin.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang isang simpleng bagay. Ikaw lang ang nagpapahirap sa inyong dalawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain dahil tataas ang chance na magkamali ka sa mga ito at mapipilitan kang magsimula ulit.
Love:
Singles: Tumingin ka ng mga dating tips video online para naman magkaroon ka ng idea kung ano ang dapat mong gawin.
Money/Career:
Bago mo simulan ang isang bagay, dapat ay magtiwala ka muna sa iyong kakayahan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung masyadong mahirap ang iyong sitwasyon, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa mga taong malalapit sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para magdecide kayo kung dapat ninyo bang ilevel up ang inyong relasyon o hindi pa.
Money/Career:
Iwasan mo na magkamali sa iyong mga gawain para naman hindi ka sermonan ng iyong boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Simple ka lamang mag-isip, kaya medyo nahihirapan ka kapag naging grabe na ang isang sitwasyon at hindi mo na alam ang iyong dapat na gawin.
Love:
Singles: I-enjoy mo lang kung anong meron ka ngayon. Hindi mo naman kailangang magmadali. Take your time lang.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang trabaho, may malaking chance na may matanggap kang balita tungkol dito.
Lucky color: Silver
Lucky number: 26