Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong utuin ang ibang tao para lamang gawin nila ang mga gawain mo. Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad.
Love:
Couples: Iwasan mo na ang pagiging isip-bata. Kailangan mo na magseryoso para hindi na masyado sumakit ang ulo ng iyong partner.
Money/Career:
Mas magiging maswerte ka sa buhay kung tutulong ka sa isang charity organization.
Lucky color: Orange
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gawin mo na lamang busy ang sarili mo kung gusto mong mawala sa iyong isip ang isang bagay ngayong araw.
Love:
Singles: Kung meron kang inaalala, pwede mo itong sabihin sa ibang tao at baka may maitulong sila sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho. Ikaw lang ang malilintikan kapag nahuli ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung meron kang kilala na may sakit, subukan mo siyang alagaan o kaya ay ikaw muna ang gumawa sa kanyang mga gawain.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na magkaroon ng love life. Darating din iyan kaya naman magchill ka muna.
Money/Career:
Huwag mo muna pakinggan ang sasabihin ng ibang tao, lalo na kung alam mong mali ang mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi mo naman kailangan na magpapansin sa ibang tao. Galingan mo na lamang sa iyong mga gawain at makukuha mo ang atensyon nila.
Love:
Singles: Huwag mo na pilitin ang isang tao kung wala naman talaga siyang pagtingin sa iyo. Mas mabuting magmove on ka na lang.
Money/Career:
Huwag mo na istorbohin ang ibang tao. Magfocus ka sa iyong trabaho para hindi ka rin ma-delay.
Lucky color: Green
Lucky number: 21
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi ito ang panahon para umatras ka sa isang bagay, lalo na kung nangako ka sa isang tao na gagawin mo ito.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pagbigyan ang iyong partner. Kung alam mong may mali siyang nagawa, pagsabihan mo siya.
Money/Career:
Mukhang may chance na may taong magbayad na ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Yellow green
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung naghahanda ka para sa isang exam, may malaking chance na swertehin ka rito ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag mo na lang pansinin ang ex mo kapag kinukulit ka pa rin niya. Baka bored lang siya at walang magawa.
Money/Career:
Regaluhan mo ang iyong sarili lalo na kung nalulungkot ka sa mga nangyayari sa iyo lately.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo husgahan agad ang isang tao. Kilalanin mo muna siya at baka magbago ang isip mo tungkol sa kanya.
Love:
Couples: Kung kailangan mong pigilan ang iyong partner sa kanyang gagawin, gawin mo ito lalo na kung may sapat na rason ka.
Money/Career:
Magfocus ka muna sa iyong trabaho at huwag mo munang balakin na sumama sa gimikan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring maging maganda naman ang takbo ng iyong araw, lalo na kung papakinggan mo ang sasabihin sa iyo ng ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang may mapapansin kang bago sa iyong partner. Mag-observe ka muna para naman makasiguro ka.
Money/Career:
Kailangan mong mag-isip nang mabilis, lalo na kung gusto mong masolusyunan kaagad ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na magreklamo kung masyadong marami ang pinapagawa nila sa iyo. Marahil ay bilib lang sila sa kakayahan mo.
Love:
Couples: Huwag ka na lamang makipagtalo sa iyong partner. Kahit na makulit siya, habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na mag-alala sa isang bagay, lalo na kung wala ka ring magagawa para ayusin ito. Huwag mo na istress pa ang iyong sarili.
Love:
Singles: Kung confused ka sa dapat mong gawin, subukan mong humingi ng advice sa iyong mga kaibigan para hindi ka na mahirapan mag-isip.
Money/Career:
Patawarin mo na ang isang tao, lalo na kung nagsorry naman siya sa iyo. Hayaan mong bumawi siya sa kanyang pagkakamali.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong sundin ang advice sa iyo ng ibang tao, lalo na kung may point naman sila. Huwag ka na kasi mahiya.
Love:
Couples: May mga susubukang bago ang iyong partner at gawin mo ang lahat para hindi mo siya pagtawanan kapag nagkamali siya.
Money/Career:
Kung masaya ka sa iyong trabaho, hindi mo mararamdaman na mahirap ang iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na busy ka, magagawa mo pa ring tulungan ang ibang tao sa kanilang mga gawain dahil magaling kang dumiskarte.
Love:
Singles: May chance na muli mong makita ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan at may dala siyang balita sa iyo.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang agreement, siguraduhin mo na pinag-aralan mo ito para wala kang pagsisihan.
Lucky color: Red
Lucky number: 17