Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magtiwala ka sa iyong mga gawa. Meron ka namang kakayahan kaya huwag ka kaagad magpapaapekto sa sasabihin ng iba sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may chance na multuhin ka pa rin ng iyong nakaraan. Kailangan mo lang makamove-on para matigil ang mga ito.
Money/Career:
Kung hindi mo na feel ang iyong trabaho, subukan mong mag-apply sa iba at baka may makita kang magugustuhan mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 30
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na takasan ang iyong mga gawain. Umpisahan mo na kasi ang mga ito para hindi ka na tamarin.
Love:
Singles: Mukhang may chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo. Yayain mo ang iyong mga kaibigan para mamasyal sa mall.
Money/Career:
Maging honest ka lang sa iyong trabaho at tiyak na hindi ka pagdududahan ng iyong mga kasama.
Lucky color: Gold
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong ipagkalat ang iyong mga ideya dahil may chance na kunin ito ng iba at sabihin na sila ang nakaisip nito.
Love:
Couples: Hayaan mo na lang muna ang iyong partner sa kanyang gustong gawin. Malalaman din niya kung tama ba ito o hindi.
Money/Career:
Kung gusto mo ng promotion, subukan mong i-discuss ito sa iyong boss at baka maisip niya na ibigay ito sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may gusto kang i-celebrate ngayong araw, gawin mo ito. Huwag mong kalimutan na iinvite ang iyong mga kaibigan at pamilya.
Love:
Couples: Mukhang magkakaroon na ng progress sa inyong relasyon at hindi na kayo basta-basta magpapa-apekto sa sasabihin ng iba.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho. Kung kaya mo namang gawin ang iyong mga gawain, huwag mo na ito iutos pa sa iba.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna makipagtalo ngayong araw lalo na kung ayaw mong masira ang iyong mood. Mas mabuting umiwas ka na lamang sa mga ito.
Love:
Couples: Subukan mong itreat ang iyong partner ngayong araw, para naman matuwa siya sa iyo kahit na papaano.
Money/Career:
May malaking chance na makakuha ka ng pera at magagamit mo ito para ipambayad sa iyong mga utang.
Lucky color: Red
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang kaibigan na may problema, subukan mong mag-abot ng tulong sa kanya kung kaya mo naman.
Love:
Couples: Magplan ka ng something special sa iyong partner ngayong araw. Pwede mo siyang ipagluto o kaya ipasyal sa labas.
Money/Career:
Huwag ka muna bumili ng mga bagay na makikita mo online. Magtipid ka muna.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung busy ka ngayong araw, siguraduhin mo na talagang may gagawin ka at hindi ung hanggang sabi ka lang.
Love:
Singles: Makipagkilala ka sa ibang tao lalo na kung gusto mong makamove on sa isang tao na wala namang pagtingin sa iyo.
Money/Career:
Kung gusto mo na kumalas sa isang partnership, gawin mo ito habang maaga pa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, huwag mo na itong gawin para maiwasan mong pumalpak dito.
Love:
Singles: Mukhang may kaibigan ka na may crush sa iyo. Makiramdam kang mabuti at malalaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Sundin mo kung ano ang nasa plano. Huwag kang gumawa ng hakbang na kokontra rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 7
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kahit na magaling ka naman sa iyong mga gawain, huwag ka masyadong magpabaya dahil maaari ka pa ring magkamali.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner. May mga nagagawa talaga siya na hindi mo sasang-ayunan.
Money/Career:
Iwasan mong tamarin sa iyong trabaho. Ikaw lang ang malilintikan kapag marami kang hindi natapos na mga gawain.
Lucky color: Silver
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na lang muna makialam sa problema ng ibang tao dahil baka may mali ka lang na masabi sa kanila.
Love:
Singles: Ang taong nakatadhana para sa iyo ay nasa iyong paligid lamang. Maaaring hindi mo siya napapansin dahil nakafocus ka sa iba.
Money/Career:
Kung marami ang pinapagawa sa iyo, maaaring nagtitiwala lang sila sa iyong kakayahan.
Lucky color: violet
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na mahiya kung merong offer sa iyo. Tanggapin mo na agad ito dahil marami rin ang may gusto rito.
Love:
Couples: Kung masyadong intense ang inyong relasyon, mukhang panahon na para magchill muna kayong parehas.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa advertising ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo agad huhusgahan ang isang tao, dahil may chance na magkamali ka at mapahiya lamang sa huli.
Love:
Couples: Kung nagtataka ka sa mga kinikilos ng iyong partner, tanungin mo siya para hindi ka na maghinala pa.
Money/Career:
Huwag mo na muna bilhin ang isang bagay dahil may chance na hindi mo rin ito gamitin masyado.
Lucky color: Pink
Lucky number: 30