Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw at may malaking chance na meron itong kinalaman sa damit.
Love:
Couples: Kung may gusto ang iyong partner at kaya mo naman itong ibigay, gawin mo ito para hindi ka na niya kulitin pa.
Money/Career:
May chance na matapos mo lahat ng iyong mga gawain ngayong araw, pati na rin ang mga pending mong gawain kahapon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero kailangan mong magmadali dahil baka maunahan ka ng ibang tao.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung napapansin mo na nag-iiba na ang kanyang ugali.
Money/Career:
Ilibre mo ang iyong mga kaibigan, lalo na kung tinulungan ka nila sa iyong mga gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magrelax ka lang. Kung mainit ang iyong ulo, hindi ka makakapag-isip nang matino at magiging mali ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Kahit na mahirap ang inyong sitwasyon, maging positive ka lang. Marami kang bagay na dapat ipasalamat.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili. Magpahinga ka at humingi ka muna ng tulong sa ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang may chance na muli mong makita ang isang tao na naging bahagi ng iyong nakaraan. Maaaring may chance na magkabalikan kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka na lamang makialam sa problema ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madamay rito at masisi pa.
Love:
Couples: Huwag ka na munang makipag-away sa iyong partner dahil may chance na hindi ka manalo sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magresign, gawin mo ito lalo na kung meron kang job offer sa iba.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong madaliin ang iyong mga gawain dahil mas lalaki ang chance na magkamali ka rito at masasayang lang ang iyong pagod.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner. Huwag mo siyang huhusgahan kaagad dahil may magandang rason naman siya.
Money/Career:
Subukan mong gumawa ng schedule para naman malaman mo kung anong mga gawain ang kailangan mong matapos kaagad.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kahit na maganda naman ang mga naisip mo, hindi ito susundin ng ibang tao lalo na kung panay utos lang ang ginagawa mo.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner mula sa ibang tao. Ikaw na ang bahala kung paniniwalaan mo ito o hindi.
Money/Career:
Paganahin mo ang iyong utak para naman makaisip ka ng solusyon kaagad sa isang problema na mae-encounter mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Agahan mo ang alis mo ngayong araw dahil may chance na magkaroon ng grabeng traffic at ikaw ay maipit dito.
Love:
Couples: Huwag ka na maglihim sa iyong partner para hindi siya magduda sa mga kinikilos mo araw-araw.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, magtanong- tanong ka muna para makasiguro ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo na tanggihan ang isang bagay na inaalok sa iyo. Pumayag ka na dahil makakatulong naman ito sa iyo.
Love:
Singles: Ang taong nakatadhana sa iyo ay nasa malapit lang, pero hindi mo siya nakikita dahil sa iba ka nakatingin.
Money/Career:
Kung hindi mo gusto ang iyong trabaho, mas mabuting magresign ka na lang rito kaysa naman ma-stress ka araw-araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo ginawa nang maayos ang iyong mga gawain, huwag ka mag-expect na magiging maganda ang resulta nito.
Love:
Couples: Huwag kang mag-alala sa iyong partner. Mukhang alam naman niya ang kanyang ginagawa kaya magtiwala ka na lamang sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi mo aayusin kaagad ang isang problema, maaaring lumaki ito at maging grabe lang ang sitwasyon.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May chance na may magbago sa iyong schedule ngayong araw, pero magagawa mo namang mag-adjust kaagad kaya hindi ka masyadong mahihirapan.
Love:
Singles: Kung seryoso ka sa isang tao, i-pursue mo na siya at huwag kang matakot dahil baka maunahan ka ng ibang tao sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Silver
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo muna sabihin sa iba ang nalaman mo. Mag-observe ka muna para masiguro mo kung tama ba ito o hindi.
Love:
Couples: Huwag ka na magselos sa mga kaibigan ng iyong partner. Huwag ka na gumawa ng problema na ikasisira ninyong dalawa.
Money/Career:
Kung maganda ang iyong performance sa iyong trabaho, malaki ang chance na purihin ka ng iyong boss dahil dito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17