Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magagawa mo na tapusin ang isang proyekto na matagal mo na nasimulan. Makakagawa ka na rin ng ibang bagay dahil dito.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang seryosong relasyon, gawin mo na ito para maging official na kayo.
Money/Career:
Kung wala kang pera, iwasan mong umutang na muna sa ibang tao. Mas mabuting humanap ka ng sideline.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung hindi sila bumibilib sa iyong kakayahan, maaaring ito na ang chance mo para mabago ang kanilang isipan.
Love:
Couples: May chance na hindi maging maganda ang iyong pakiramdam ngayong araw, kaya naman umiwas ka sa iyong partner para hindi siya mahawa.
Money/Career:
Magmasid ka sa iyong paligid dahil baka mahuli ka ng iyong boss na pumepetiks sa trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung kaya mong tulungan ang ibang tao sa kanilang gawain, gawin mo ito lalo na kung hindi ka naman masyadong busy.
Love:
Couples: Huwag kang mag-alala dahil susuportahan ka naman ng iyong partner sa iyong mga gustong gawin.
Money/Career:
Mukhang panahon na para magpahinga ka muna lalo na kung panay ang overtime mo kamakailan.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang magmadali. Magdahan-dahan ka lang para naman hindi ka masyadong magkamali sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Regaluhan mo naman ang iyong partner lalo na kung palagi siyang nakasuporta sa iyo simula pa nung una.
Money/Career:
Pagmasdan mong mabuti ang iyong mga kasama at maaaring may binabalak sila na hindi mo alam.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna magpastress ngayong araw. Kung kaya mong matulog nang maaga, gawin mo ito para mahaba-haba ang iyong pahinga.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang outdoor activity para naman mabuhay ang kanyang dugo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kilalanin mo muna ang isang tao bago mo siya husgahan. Malay mo, nasa tama pala siya at mali ang akala mo sa kanya.
Love:
Couples: Huwag ka na mag-alala sa iyong partner dahil alam naman niya ang kanyang ginagawa. Magtiwala ka na lamang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung mababa ang tingin mo sa iyong sarili, ganun din ang makikita ng iba sa iyo. Dapat ay magtiwala ka sa iyong kakayahan.
Love:
Singles: Kung may taong nakikipagflirt sa iyo, huwag mo siya masyadong seryosohin at baka masaktan ka lang sa huli.
Money/Career:
Subukan mong humingi ng tulong sa ibang tao lalo na kung nahihirapan kang i-budget ang iyong pera.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na may taong tumulong sa iyo ngayong araw lalo na kung nahihirapan ka talaga sa iyong gawain.
Love:
Couples: Kung masyado kang magfofocus sa iyong barkada, maaaring magselos ang iyong partner at magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Kung pinag-isipan mong mabuti ang isang desisyon bago mo ito gawin, tiyak na hindi mo ito pagsisisihan.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magtiwala ka sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala dahil may chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Hindi porke nakakarelate ka sa kanya ay may future na kayo together. Huwag ka masyadong mag-assume kaagad.
Money/Career:
Subukan mong bilhin ang mas mahal na bagay kaysa sa mura para makasiguro ka sa quality nito.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para ilibre mo ang iyong mga kaibigan para naman gumanda ang mood nila sa iyo.
Love:
Singles: Magfocus ka muna sa iyong pamilya lalo na kung meron kayong problema na hinaharap sa ngayon.
Money/Career:
Huwag ka na magalit kung palagi kang nauutusan. Marahil ay may tiwala lang talaga sila sa kakayahan mo.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na muna makialam sa problema ng ibang tao para hindi ka madamay at hindi rin sila magalit sa iyo.
Love:
Couples: Bantayan mo nang mabuti ang iyong partner dahil may chance na may taong umaligid sa kanya habang hindi ka nakatingin.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang ang iyong mga kasama kung hindi talaga sila makasabay sa progress mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Makinig ka sa sinasabi sa iyo ng ibang tao dahil maaaring mahalaga ito at ikaw lang ang mapapagalitan kung hindi mo sila pakikinggan.
Love:
Singles: Magfocus ka muna sa iyong pamilya lalo na kung hindi ka na gaano nakakapagbigay ng oras sa kanila.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang mga problema dahil may chance na maipit ka sa isang pangit na sitwasyon.
Lucky color: Green
Lucky number: 18