Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mong pagmasdan ang gawa ng ibang tao at baka may maisip ka na magandang diskarte para sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Huwag mo na lamang pakialaman ang gawa ng iba para hindi sila mainis sa iyo.
Lucky color: Yellow green
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Magpahinga ka kung kailangan para naman makabawi ang iyong katawan.
Love:
Couples: Bantayan mo ang iyong partner dahil may chance na may taong umaligid at kumilit sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka muna gumastos ng malaki ngayong araw dahil may chance na kapusin ka sa iyong budget.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, subukan mong tanungin ang ibang tao para naman magkaroon ka ng ideya.
Love:
Singles: Malaki ka na kaya naman alam mo na dapat ang kailangan mong gawin. Huwag mo ring takbuhan ang isang tao kung alam mong may kasalanan ka.
Money/Career:
Intindihin mo na lamang iyong mga kasama. Pasaway man sila, kailangan din nilang magpahinga.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong gawin ang isang bagay kahit na labag ito sa loob mo para naman hindi ka na maipit sa isang sitwasyon.
Love:
Couples: Kung may tanong sa iyo ang iyong partner, sagutin mo ito kaagad para naman hindi siya magduda sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong exam.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Malapit na magbirthday ang isa sa iyong mga kaibigan kaya naman huwag mong kalimutan na bigyan siya ng regalo.
Love:
Couples: Huwag mo na lamang pansinin ang sinasabi ng ibang tao sa iyong partner lalo na kung alam mong hindi ito totoo.
Money/Career:
Kahit na hindi ikaw ang may kasalanan, ikaw pa rin ang mahihirapan dahil dito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo basta-basta sabihin sa isang tao ang naiisip mo tungkol sa kanya dahil may chance na hindi niya ito magustuhan at mag-away lang kayo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na sumali sa isang outdoor activity lalo na kung napapansin mong bumibigat na siya.
Money/Career:
Mukhang may good news ka na matatanggap ngayong araw tungkol sa iyong career.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gamitin mo ang iyong charm para naman mapapayag ang isang tao na gawin ang isang bagay kung saan ka nahihirapan.
Love:
Singles: Huwag ka maging manhid. May taong nagpaparamdam sa iyo kaya naman makiramdam ka nang mabuti.
Money/Career:
Siguraduhin mo na nabayaran mo na lahat ng iyong bills para hindi ka magkaroon ng problema.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo na isipin ang iyong nakaraan. Magmove on ka na at may magandang future na naghihintay sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may bago kang malalaman sa iyong partner at pwede mo itong magamit para asarin siya.
Money/Career:
Huwag mo na lang utusan ang ibang tao na gawin ang iyong mga gawain dahil may chance na magkamali sila rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung nalulungkot ka, tawagan mo ang iyong kaibigan para naman may makausap ka at gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Singles: Mukhang may chance na muli mong makita ang iyong ex. Mas mabuting huwag mo na lang siyang kausapin para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Alam mo naman ang kailangan mong gawin, kaya huwag ka na magdalawang-isip at ituloy mo na ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka kaagad magagalit sa isang tao kung may nagawa siyang kasalanan. Malay mo, ginagawa naman niya ang lahat para maitama ito.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang isang simpleng bagay. Irelax mo lang ang iyong isip.
Money/Career:
Panahon na para magpahinga ka muna, lalo na kung ilang araw ka na puyat.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Iwasan mo na lang ang isang issue lalo na kung ayaw mo itong lumaki pa. Ibahin mo na lang ang topic kaagad.
Love:
Couples: May chance na ma-late ulit ang iyong partner sa inyong usapan kaya naman hindi maiiwasang mainis ka sa kanya.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, magtanong ka muna sa iba para makasiguro ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na iasa sa iba ang iyong mga gawain dahil may chance na hindi nila ito magawa ng tama at masayang lang ang oras mo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang activity lalo na kung napapansin mong medyo bored na siya.
Money/Career:
Sundin mo na lamang ang inuutos sa iyo ng iyong boss para hindi ka na mapagalitan pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11