Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang bagay na gagawin, magcommit ka rito para matapos ka kaagad. Huwag mo hayaang tamarin ka ngayong araw.
Love:
Couples: Habaan mo lang ang pasensiya mo sa iyong partner dahil may mga oras talaga na hindi mo siya masasaway.
Money/Career:
Huwag mong madaliin ang iyong trabaho dahil may malaking chance na magkamali ka rito.
Lucky color: Green
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago mo gawin ang isang desisyon, siguraduhin mo muna na pinag-isipan mo itong mabuti para wala kang pagsisihan.
Love:
Singles: Kung may problema ang iyong pamilya, tumulong ka rito para naman hindi na sumakit ang ulo ng iyong mga magulang.
Money/Career:
Huwag ka masyadong demanding sa isang tao lalo na kung ikaw naman ang humihingi ng tulong sa kanya.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna magtiwala sa iyong mga hinala dahil may chance na hindi magkatotoo ang mga ito at baka mapahiya ka lang sa iba.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong i-rush ang inyong relasyon. Take your time lang at huwag ka magpapressure sa sinasabi ng ibang tao.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo masyadong maliitin ang iyong sarili. Nasa iyo ang kakayahan kaya naman magtiwala ka sa iyong sarili.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng taong magmamahal sa iyo, dapat ay matutunan mo munang mahalin ang sarili mo.
Money/Career:
May malaking chance na magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho at mukhang papabor naman ito sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 20
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maging mabait ka sa mga taong makakasama mo ngayong araw para naman maging lapitin ka ng good vibes.
Love:
Couples: Panahon na para solusyunan ninyo ang isang problema. Huwag ninyo na ito hayaang lumaki pa.
Money/Career:
Huwag ka masyadong ma-excite sa isang bagay. Kumalma ka lang at hayaan mo lang na dumating ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nangako ka sa iyong mga kaibigan, tuparin mo ito para naman hindi ka nila asarin kapag hindi mo ito nagawa.
Love:
Couples: Maiintindihan ka naman ng iyong partner kung gusto mo munang mapag-isa, lalo na kung meron kang problema na gustong ayusin.
Money/Career:
Ito ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay kung saan ka pinaka nahihirapan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may balak kang baguhin sa iyong kwarto, gawin mo ito ngayong araw at baka tamarin ka pa.
Love:
Couples: Kung maganda ang mood mo, subukan mong yayain ang iyong partner na gumala sa labas lalo na kung hindi naman siya gaanong busy.
Money/Career:
Iwasan mo munang tumingin sa mga shopping sites para hindi ka mapagastos ng wala sa oras.
Lucky color: sky blue
Lucky number: 1
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mo iignore ang sinasabi sa iyo ng ibang tao, dahil baka may point naman sila. Iwasan mo na kasi maging pasaway.
Love:
Singles: Mukhang may taong bibisita sa iyo ngayong araw at mukhang may hatid siyang balita sa iyo. Makinig kang mabuti sa sasabihin niya.
Money/Career:
Kung may gusto kang bilhin ngayong araw, gawin mo lang ito as long as hindi naman mauubos ang iyong naipon.
Lucky color: Purple
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Sumama ka sa iyong mga kaibigan lalo na kung meron kayong lakad. Mag-unwind ka muna kasama sila para gumaan ang iyong pakiramdam.
Love:
Singles: Mukhang may chance na mahulog ang loob mo sa iyong kaibigan. Kung gusto mo siyang i-pursue, gawin mo ito kaagad.
Money/Career:
Huwag mo tanggapin ang isang gawain lalo na kung hindi ka confident na magagawa mo ito nang maayos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas mabuting iba na lang ang gumawa ng desisyon kaysa sa iyo lalo na kung magulo ang iyong isip at ayaw mo na mahirapan pa.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw at tumaya ka sa lotto o sumali sa isang raffle.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Binibigay mo ang iyong oras para sa ibang tao kahit na busy ka, kaya naman malaki ang respeto nila sa iyo.
Love:
Couples: Intindihin mo kasi ang sinasabi sa iyo ng iyong partner para hindi na kayo mag-away ngayong araw.
Money/Career:
May malaking chance na may mairita kang tao ngayong araw lalo na kung hindi ka makagawa ng desisyon kaagad.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong gumala ngayong araw. Mamasyal ka sa mall o sa park. Pumunta ka sa lugar kung saan makakapag-isip ka.
Love:
Couples: Palakasin mo ang loob ng iyong partner lalo na kung nawawalan siya ng tiwala sa kanyang sarili.
Money/Career:
May malaking chance na pagkakitaan mo ang isa sa iyong mga hobby.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8