Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago mo aksyunan ang isang bagay, pag-aralan mo muna itong mabuti para naman malaki ang chance na magtagumpay ito.
Love:
Couples: Sundin mo kung ano ang sa tingin mo ang tama. Maiintindihan ka naman ng iyong partner sa iyong gagawin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maaaring hindi mangyari ang inaasahan mo ngayong araw. Huwag kang mag-alala dahil may next time pa naman.
Love:
Couples: Kampihan mo muna ang iyong partner. Huwag mo siyang kokontrahin para hindi siya magalit sa iyo.
Money/Career:
Kung may party kang pupuntahan, huwag ka masyadong magpapagabi sa daan.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Pakinggan mo muna ang sasabihin ng ibang tao bago mo ito kontrahin. Malay mo, may point naman talaga sila.
Love:
Singles: Kung gusto mong makahanap ng partner, dapat ay hindi ka palaging nagkukulong sa iyong kwarto. Labas-labas din pag may time.
Money/Career:
May malaking chance na pagkakitaan mo ang iyong hobby, kaya gumawa ka ng paraan para maimprove mo ito.
Lucky color: Gold
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto. Umalis ka na habang maaga pa.
Love:
Couples: May malaking chance na may ihandang sorpresa sa iyo ang iyong partner lalo na kung naging mabait ka sa kanya kamakailan.
Money/Career:
Subukan mong tapusin kaagad ang iyong mga gawain at huwag ka muna magbabad sa social media.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi ka sigurado sa dapat mong gawin, subukan mong humingi ng advice sa iyong best friend at baka may maisip siyang kaaya-aya.
Love:
Couples: Huwag mo hayaang magalit ka sa iyong partner tungkol sa isang maliit na bagay. Pag-usapan ninyo na lamang ito nang mahinahon.
Money/Career:
Maging honest ka sa iyong trabaho. Huwag mo na utusan ang iba para gawin ang mga naka-toka sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may sinabi sa iyo ang ibang tao tungkol sa iyong ugali, huwag mo agad ito ireject dahil baka totoo naman ito.
Love:
Singles: May malaking chance na mairita ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung palagi ka niyang kinukulit tungkol sa isang bagay.
Money/Career:
Tapusin mo na muna ang ilan sa iyong mga gawain bago ka magfocus sa gawain ng ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka na muna makipagtsismisan sa iyong mga kaibigan. May mga bagay ka pa na dapat gawin kaya magfocus ka muna sa mga iyon.
Love:
Singles: Huwag mong ipressure ang iyong sarili na magkaroon agad ng partner. May tamang panahon para diyan at ito ang dapat mong paghandaan.
Money/Career:
Mukhang may chance na mabawi mo ang pera na nawala mo kamakailan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Bago mo gawin ang isang bagay, siguraduhin mo na nagplano ka rito para naman hindi ka mapahiya sa ibang tao.
Love:
Singles: May chance na makausap mo ang crush mo ngayong araw, pero dapat mag-ingat ka at baka kung ano-ano ang masabi mo sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung kinakapos ka sa ngayon. Makakabawi ka rin kaya naman ipagpatuloy mo lang ang pagsisipag mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang madaragdagan ang iyong mga gawain ngayong araw. Pero huwag kang mag-alala dahil magagawa mong tapusin ang lahat ng mga ito.
Love:
Couples: Iwasan mo ang pagiging pasaway sa iyong partner. Huwag mong i-test ang kanyang pasensiya at baka pagsisihan mo lang ito.
Money/Career:
Kung may balak kang magtrabaho abroad, ayusin mo na agad ang requirements mo para wala ka na masyadong poproblemahin pa.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magagawa mong makagawa ng isang bagay na talaga namang kabibiliban ng ibang tao. Magiging maganda ang araw mo dahil dito.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutan na iparamdam sa iyong partner kung gaano siya kaimportante sa buhay mo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay magtayo ng iyong sariling business.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kahit na mahirap gawin, kailangan mong ipagkatiwala sa ibang tao ang isang bagay lalo na kung hindi mo talaga ito kaya.
Love:
Singles: Kung makita mo ang ex mo ngayong araw, huwag kang magpaapekto sa mga sasabihin niya tungkol sa iyo.
Money/Career:
Kahit na pigilan ka ng ibang tao, hindi sila magtatagumpay lalo na kung determinado kang gawin ang isang bagay.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo hayaang ma-stress ka sa mga simpleng bagay. Kumain ka na lamang para kahit papaano ay sumaya ka.
Love:
Couples: Iwasan mong pagdudahan ang iyong partner sa kanyang mga ginagawa. Kailangan ay magtiwala ka sa kanya.
Money/Career:
Magagawa mong tapusin ang iyong mga gawain ngayong araw lalo na kung meron kang sapat na tulog o pahinga.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7