Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang unti-unti nang nahuhulog ang loob mo sa isang tao. Huwag mo na ito labanan at hindi naman masamang kiligin.
Love:
Couples: Hayaan mong tulungan ka ng iyong partner sa iyong problema. Huwag ka na mahiya lalo na kung hindi mo talaga alam ang iyong dapat gawin.
Money/Career:
Mukhang may chance na makatanggap ka ng good news lalo na kung nag-apply ka kamakailan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo na pahirapan ang sarili mo. Alam mo naman ang kailangan mong gawin, kaya huwag ka na matakot na ituloy ito.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang relasyon, huwag mong pilitin ang sarili mo para hindi ka rin masaktan.
Money/Career:
Gawin mo na lamang ang mga bagay na inutos sa iyo para hindi ka na mapagalitan pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Malapit ka na maging successful sa ginagawa mo, kaya naman maging maingat ka para hindi masayang ang iyong efforts.
Love:
Couples: Subukan mong sorpresahin ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka ng solusyon sa isang problema sa iyong trabaho, kaya naman marami ang bibilib sa iyo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman tatamarin kang gumawa ng ilang bagay.
Love:
Couples: Kung medyo stressed ka sa iyong partner, subukan mo na lang na itulog ito para naman kumalma ka.
Money/Career:
Mukhang may chance na makakuha ka ng pera mula sa isang taong hindi mo inaasahan ngayong araw.
Lucky color: Rose
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na tanggihan ang tulong ng isang tao. Kung wala naman siyang hinihinging kapalit, kunin mo na ito.
Love:
Couples: Bago mo husgahan ang iyong partner, alamin mo muna kung ano ang tunay na nangyari para maging fair sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na may makuha kang bonus sa mga susunod na araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may pinoproblema ka at hindi ka makaisip ng solusyon para rito, mas mabuting humingi ka na ng tulong sa iba.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad ma-fall sa isang tao, lalo na kung nature niya talaga ang pagiging sweet sa iba.
Money/Career:
Kung hindi ka makakapagfocus sa trabaho dahil sa iyong mga problema, tiyak na mahihirapan kang gawin ang mga inuutos sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong sarili. Importante na healthy ka para naman hindi ka kaagad napapagod.
Love:
Couples: Kung masyadong hectic ang iyong schedule, mahihirapan ka talagang maglaan ng oras para sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may chance na may taong magbigay ng pera sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka sigurado sa iyong gagawin, subukan mong humingi ng opinyon sa iba para magkaroon ka ng ideya.
Love:
Singles: Walang taong perfect, kaya dapat bigyan mo ng chance ang isang tao na ipakita kung ano ang best niya.
Money/career:
Kung meron kang hindi gusto, sabihin mo agad ito lalo na kung makakaapekto ito sa iyong performance.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging okay naman ang araw mo. Umiwas ka na lang sa mga taong nega para hindi ka nila mahawaan.
Love:
Singles: Kung hindi mo talaga siya gusto, sabihin mo ito sa kanya para hindi na siya umasa pa.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para humanap ka ng sideline.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo maaayos ang iyong schedule, tiyak na mahihirapan ka at maguguluhan kung ano ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: Kung wala ka na talagang feelings sa kanya, hindi na dapat maging awkward pa ang inyong encounter.
Money/Career:
May malaking chance na uminit ang ulo mo, lalo na kung pasaway talaga ang mga kasama mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka muna bumili ng pagkain na nilalako sa daan, dahil may malaking chance na sumama ang iyong tiyan.
Love:
Couples: Kung gusto mong yayain sa isang activity ang iyong partner, gawin mo ito lalo na kung napapansin mong lumalayo na ang loob niya sa iyo.
Money/Career:
May chance na hindi maging maswerte ngayong araw ang mga taong naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Brown
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Okay lang naman na maging busy ka, pero huwag mong kaligtaang kumain para hindi ka manghina sa huli.
Love:
Couples: Kung emosyonal ka ngayong araw, hindi ito ang tamang panahon para gumawa ka ng isang mabigat na desisyon.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba, lalo na kung hindi ka talaga expert sa isang gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 24

