Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Pwede kang sumali sa isang raffle at may malaking chance na manalo ka rito.
Love:
Singles: Huwag kang papasok sa isang relasyon lalo na kung hindi mo naman sigurado kung seryoso ba talaga ang taong gusto ka makapartner.
Money/Career:
Kailangan mo mag-take ng risk lalo na kung gusto mo talagang magkaroon ng pagbabago sa iyong career.
Lucky color: Cream
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung naguguluhan ka sa takbo ng buhay mo ngayon, huwag mong kalimutan na humingi ng guidance kay Lord. Have faith lang.
Love:
Couples: Kahit gaano pa kayo ka-busy na dalawa, dapat ay gumagawa pa rin kayo ng paraan para magkaroon kayo ng oras sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung seryoso ka talaga sa gusto mong gawin, ituloy mo ito para naman makita mo kung uubra ba ito o hindi.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makinig ka sa sinasabi ng iyong kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Couples: Kung palagi ka na lamang magiging busy sa iyong mga gawain, maaaring magkaroon kayo ng problema ng iyong partner.
Money/Career:
Aksyunan mo na agad ang isang bagay bago pa ito lumala para hindi ka mahirapan.
Lucky color: Silver
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi mo pinagplanuhang mabuti ang iyong ginawa, hindi mo talaga masisiguro ang magiging outcome nito.
Love:
Couples: Kung gusto mong gumanda pa ang status ng inyong relasyon, dapat ay baguhin mo ang ilan sa mga bagay na nakasanayan ninyo na.
Money/Career:
Makakatanggap ka ng magandang advice mula sa isang tao ngayong araw. Sundin mo ito para naman hindi masayang ang effort niya.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may balak kang puntahan ngayong araw, umalis ka nang maaga para naman hindi ka maipit sa traffic.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para ilevel up ninyo ang inyong relasyon para hindi kayo ma-bore sa isa’t-isa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa real estate ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo masyadong taasan ang iyong expectations. Kung ano ang dumating sa iyo, tanggapin mo na lamang ito.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa iyong partner ngayong araw. Ipaghanda mo siya lalo na kung gusto mong makabawi sa kanya sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba. Hindi ka naman nila pag-iisipan ng masama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Panahon na para gumawa ka ng desisyon. Kapag pinatagal mo pa ito, maaaring mahirapan ka na na ayusin ang isang bagay.
Love:
Singles: Subukan mong makipagdate sa isang tao na hindi mo talaga type. Malay mo, maging okay naman ang kahihinatnan nito.
Money/Career:
Kahit na maganda ang takbo ng iyong career, hindi pa rin titigil ang pagbuhos ng blessings sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 12
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Tumulong ka sa paglinis ng inyong bahay para naman mabilis ito matapos at hindi ka na mapagalitan.
Love:
Couples: Kung seryoso ka talaga sa iyong partner, dapat ay magtiwala ka sa kanya at huwag ka na magduda.
Money/Career:
Maging confident ka sa iyong mga gawain lalo nakung binigay mo rito ang best mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mo hayaang tamarin ka ngayong araw. Okay lang magpahinga pero dapat ay mga bagay ka pa rin na tinatapos.
Love:
Singles: Humanap ka ng partner na maiintindihan ka, lalo na kung alam mo na magiging busy ka masyado dahil sa iyong trabaho.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta gumawa ng desisyon dahil may malaking chance na pagsisihan mo ito sa huli.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung wala ka namang plano ngayong araw, subukan mong humanap ng bagong hobby para kahit papaano ay hindi ka ma-bore.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang inyong relasyon. Simple lang naman ang kailangan mong gawin kaya kumalma ka lang.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring magkamali ka sa isang bagay at mapipilitan ka na magsimula muli.
Lucky color: Cream
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka magpaapekto sa opinyon ng isang tao lalo na kung hindi naman ito totoo. Mas mabuting umiwas ka na lang sa kanya.
Love:
Singles: Subukan mong humingi ng advice sa iyong mga kaibigan lalo na kung meron kang tao na nagugustuhan.
Money/Career:
Huwag ka masyadong moody ngayong araw. Tumawa ka naman para kahit papaano ay mabawasan ang stress mo sa buhay.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung nangako ka sa isang tao, tuparin mo ito. Huwag ka na gumawa ng excuse dahil lamang sa tinatamad ka.
Love:
Singles: Huwag ka mahiya na lapitan ang ibang tao. Malay mo, isa sa kanila ay ang taong nakalaan pala para sa iyo.
Money/Career:
Kung may problema ka sa isang tao, kausapin mo siya at baka hindi siya aware sa kanyang mga ginagawa.
Lucky color: Gold
Lucky number: 24