Aries (Mar 21 – Apr 19)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya tungkol sa isang bagay. Makukuha mo rin ito kaya huwag ka na masyadong mainip.
Love:
Couples: Pagbigyan mo na lamang ang iyong partner sa kanyang gusto para naman hindi ka na niya kulitin pa.
Money/Career:
May malaking chance na hindi madelay ang iyong mga gawain kaya hindi ka rin mapapagalitan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kailangan mong mag-adjust kaagad sa mga pagbabago na magaganap ngayong araw dahil kung hindi, mahihirapan ka talagang kumilos.
Love:
Singles: Humingi ka ng advice sa iyong mga kaibigan kung gusto mo na talaga magkaroon ng love life. Malay mo, meron din silang alam na pwedeng ipakilala sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may taong pumipigil sa iyong mga gusto, tanungin mo sila kung bakit nila ito ginagawa at baka may point sila.
Love:
Couples: Huwag kang mahiyang magshare ng sikreto sa iyong partner, lalo na kung nag-oopen naman siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may chance na makakuha ka ng pera ngayong araw sa isang tao na matagal mo na sinisingil.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magtiwala ka muna sa sinasabi ng iyong kutob at hinala dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa ibang tao pero kung palagi mo itong gagawin, mahihirapan kang makahanap ng taong seseryoso sa iyo.
Money/Career:
Kung nakukulangan ka na sa iyong sinusweldo, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Cancer
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mong maghabol sa iyong mga gawain, dahil tiyak na marami ang umaasa sa iyo na makatapos ka.
Love:
Couples: Kung may problema kayo sa ngayon, ayusin ninyo na agad ito para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Kahit na gusto mo ang iyong trabaho, darating pa rin ang panahon na tatamarin ka rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magrelax ka lang. Hindi ka makakapag-isip mabuti kung magpapanic ka at gagawa ng mga hakbang basta-basta.
Love:
Couples: Kung may plano kayong dalawa ngayong araw, huwag kayo masyadong ma-excite dahil may chance na hindi ito matuloy.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain ngayong araw dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Cream
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo na lang pansinin ang isang issue lalo na kung wala ka namang kinalaman dito, para hindi na rin sumakit ang iyong ulo.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw lalo na kung meron siyang nagawang maganda at kabilib-bilib.
Money/Career:
Mukhang may chance na magkaroon ng pagbabago sa iyong career. Pero huwag kang mag-alala dahil mukhang aayon naman ito sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mo ulit ang isang bagay lalo na kung hindi mo ito nagawa nang mabuti. Malay mo, magagawa mo nang magtagumpay this time.
Love:
Couples: Naiintindihan ka naman ng iyong partner kaya huwag ka na mahiya na sabihin sa kaniya ang iyong problema.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para bilhin ang isang bagay na nakita mo online.
Lucky color: Red
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo masiguro kung ano ang kailangan mong gawin tungkol sa isang bagay, subukan mong humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: May malaking chance na mahulog ang loob mo sa isa sa iyong mga kaibigan. Huwag ka muna pa-obvious para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maging honest ka na lang sa ibang tao, lalo na kung ayaw mong madawit sa isang problema na hindi naman ikaw ang nagsimula.
Love:
Couples: Kahit na busy ka sa iyong trabaho, huwag mo pa ring kalimutang kamustahin ang iyong partner para hindi siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso sa buhay, may ilang tao talaga na gusto kang makita na nahihirapan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka magpaapekto sa sasabihin ng ibang tao. Magtiwala ka sa iyong sarili dahil may malaking chance na kayanin mo ito.
Love:
Couples: Ikaw lang ang makakaayos ng inyong problema, kaya naman ikaw na ang mag-approach sa iyong partner para naman matapos na.
Money/Career:
Sundin mo ang matatanggap mo na advice ngayong araw dahil tiyak na makakatulong ito sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 13
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka matakot na gawin ang isang bagay lalo na kung pamilyar ka naman dito. May chance na kinakabahan ka lang.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner at magagamit mo ito para lalo mo pa siyang makilala.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong trabaho, may mga panahon pa rin na tatamarin ka lalo na kung paulit-ulit ang iyong mga ginagawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7