Aries (Mar 21 – Apr 19)
Alam mo naman ang kailangan mong gawin para solusyunan ang isang bagay, pero hindi mo ito magawa dahil busy ka pa sa ibang bagay.
Love:
Couples: Kung wala sa mood ang iyong partner, huwag mo na siya kulitin at baka pagsisihan mo lang ito sa huli.
Money/Career:
Mukhang may darating na pagbabago sa iyong career, pero tiyak na ikatutuwa mo naman ito.
Lucky color: White
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Positive ka naman tungkol sa isang bagay. Pero kung makikinig ka sa opinyon ng ibang tao, maaaring magbago ang pananaw mo rito.
Love:
Couples: Kahit na gusto mo maging sweet sa iyong partner, may chance na hindi ito matuloy lalo na kung marami ka pang dapat na gawin.
Money/Career:
Paghandaan mo ang isang bagay lalo na kung ipe-present mo ito sa harap ng iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na masyadong pag-isipan pa ang isang bagay dahil ikaw lang ang mapapraning kung gagawin mo ito.
Love:
Couples: Kung magiging mahigpit ka masyado sa iyong partner, may tendency na hindi niya ito magustuhan at baka pag-awayan ninyo lang ito.
Money/Career:
Bago mo isubmit ang iyong mga gawain, siguraduhin mo na wala itong mali para naman hindi na ito paulitin pa sa iyo ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung kaya mo namang tulungan ang isang tao ngayong araw, gawin mo ito dahil tiyak na kakailanganin mo rin ang tulong niya balang araw.
Love:
Couples: Kung may problema kayong dalawa, pag-usapan ninyo habang maaga pa para naman hindi na ito lumaki pa.
Money/Career:
Kung meron kang balak na orderin online, maganda ang araw na ito para gawin mo iyon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May chance na tumama ang iyong mga kutob at hinala ngayong araw, kaya naman magtiwala ka sa mga ito.
Love:
Singles: Kung gusto mo talaga ang isang tao, suyuin mo siya lalo na kung alam mong marami kang karibal sa kanya.
Money/Career:
May chance na tamarin ka ngayong araw, lalo na kung paulit-ulit na lamang ang iyong ginagawa sa iyong trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 30
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Intindihin mo na lamang ang mararamdaman ng ibang tao, lalo na kung hindi ka sigurado kung dapat mong gawin ang isang bagay o hindi.
Love:
Couples: Iwasan mong magalit sa iyong partner ngayong araw, kahit na gaano pa siya kakulit tungkol sa isang bagay.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanda para sa isang pagsusulit.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Marami ka pang dapat na gawin, kaya naman simulan mo na ang ilan sa mga ito para hindi ka ma-delay.
Love:
Couples: Magiging stable naman ang status ng inyong relasyon kaya wala ka masyadong poproblemahin.
Money/Career:
Huwag ka na muna gawin ang isang bagay, lalo na kung alam mo na ikakapahamak mo ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May chance na may matanggap kang good news ngayong araw, kaya naman huwag mong ikahiya na ishare ito sa ibang tao.
Love:
Singles: Kung hindi nagwork-out ang inyong relasyon, huwag kang mag-alala dahil may chance na hindi talaga siya ang nakalaan sa iyo.
Money/Career:
Tawanan mo ang iyong mga pagkakamali, para hindi na masyadong sumama ang iyong loob tungkol dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may bumabagabag sa iyong isipan, mas mabuting sabihin mo ito sa iba para naman medyo gumaan ang iyong loob.
Love:
Couples: May tiwala naman sa iyo ang iyong partner kaya huwag mo na masyadong alalahanin pa ang isang bagay.
Money/Career:
Maging mabait ka kasi sa iyong mga kasama lalo na kung gusto mong may gawin sila para sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang hindi ito ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay, lalo na kung wala ka masyadong experience dito.
Love:
Couples: Huwag ka na mainis sa iyong partner para naman hindi siya magtampo sa iyo. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may interview na pupuntahan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka na magreklamo kung marami ang bagay na pinapagawa sa iyo dahil maaaring may tiwala lang sila sa iyong kakayahan.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, subukan mo munang magmasid-masid sa kanya para makasiguro ka.
Money/Career:
Kung nahihirapan kang gawin ang isang bagay, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Purple
Lucky number: 8
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may mga bagay ka na hindi mo na ginagamit, mas mabuting ipamigay mo ito sa iba para naman mabawasan ang tambak sa kwarto mo.
Love:
Singles: Alam mo naman ang ginagawa mo kaya wala ka dapat ipag-alala sa magiging reaksyon ng ibang tao.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, maaaring may taong mag-offer sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 17