Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may problema ang isang tao, subukan mo siyang tulungan at may malaking chance na ma-solve mo ito.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner. May times talaga na masyadong mainit ang kanyang ulo.
Money/Career:
Subukan mong paramihin ang iyong mga koneksyon para naman gumanda ang status mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna makipagtalo kahit kanino ngayong araw lalo na kung ayaw mong masira ang magandang mood mo.
Love:
Singles: Subukan mong yayain ang iyong pamilya na gumawa ng isang bagay kung saan ay makakapagbonding kayo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong busy sa kanilang research.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo na isipin ang sasabihin ng ibang tao, lalo na kung hindi naman nila alam ang tunay na nangyari.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong madaliin ang inyong relasyon. Take your time at ienjoy ninyo lang ang company ng isa’t isa.
Money/Career:
Huwag ka kaagad gagawa ng desisyon, lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong kalimutan na i-check ang iyong email ngayong araw dahil maaaring may matanggap ka na magandang balita.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na makahanap ng partner. Darating din siya kaya naman huwag ka mag-alala masyado.
Money/Career:
Huwag mo muna bilhin ang isang bagay dahil may chance na magmura ito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Purple
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magagawa mo naman kaagad ang iyong mga gawain kaya magkakaroon ka ng maraming oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Huwag ka na magalit sa iyong partner kung nagkamali siya sa isang bagay. Hayaan mo na lang siya na ayusin ito.
Money/Career:
Mukhang panahon na para ikaw ay magtayo ng iyong sariling business.
Lucky color: Green
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang mahihirapan kang umabot sa iyong mga deadline, kaya naman mag-isip ka na ng tamang diskarte para sa mga ito.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner. Maaaring nagsisisi na siya kaya huwag mo na siyang pahirapan.
Money/Career:
Marami ka pang dapat na gawin kaya naman hindi ito ang panahon para magpetiks ka.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi sumasang-ayon sa iyo ang ibang tao, hayaan mo na lang sila. Malalaman naman din nila sa huli kung tama ka o hindi.
Love:
Singles: Kung gusto mong maimpress sa iyo ang taong gusto mo, subukan mong maging close sa kanyang mga kaibigan para makilala mo siya nang husto.
Money/Career:
Kung maglalaan ka ng maraming oras sa iyong career, tiyak na magiging mabilis ang iyong pag-asenso.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Gamitin mo ang iyong charm para mapapayag ang isang tao na gawin ang gusto mo, lalo na kung hindi mo talaga ito kayang gawin nang mag-isa.
Love:
Couples: Kung hindi mo na gusto ang nangyayari sa inyong dalawa, aksyunan mo na agad ito para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong kasalukuyang trabaho, maaaring magresign ka rito nang mas maaga.
Lucky color: White
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Okay lang naman na magbigay ka ng advice sa ibang tao. Pero siguraduhin mo lang na hindi ka nila sisihin kapag pumalpak ito.
Love:
Couples: Subukan mong kulitin at inisin ang iyong partner ngayong araw para makita mo kung gaano siya ka-cute magalit.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo masyadong i-push ang iyong ideas sa ibang tao, dahil hindi nila ito susundin at masasayang lang ang iyong effort.
Love:
Couples: Mukhang tama naman ang iyong partner sa kanyang mga sinabi. Mas mabuting umagree ka na lang muna sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka maging mayabang sa iyong achievements. Dapat ay maging humble ka para hindi sumama ang tingin sa iyo ng iba.
Lucky color: Rose
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nahihirapan kang gawin ang isang bagay, subukan mong humingi ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Singles: Kontrolin mo ang iyong mga emosyon. Huwag ka kaagad magagalit sa isang tao na palaging kumukulit sa iyo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong experiences para gumawa ng solusyon sa problema mo sa iyong trabhao.
Lucky color: Red
Lcuky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka talaga sigurado sa dapat mong gawin, subukan mong humingi ng opinyon sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Maging honest ka na lamang sa iyong partner para hindi na siya magduda lalo na kapag ginagabi ka ng uwi.
Money/Career:
Magiging maswerte ka sa pera ngayong araw at may chance na may magbayad sa iyo ng kanyang utang.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20