- Suzette Doctolero agreed with Angono Rizal PNP’s anti-rape guidelines.
- Doctolero believed that the rape prevention tips served to caution women against rape.
- She appealed to women to teach men not to rape.
Angono Rizal PNP recently posted a photo with guidelines to prevent rape. However, netizens felt that the content of the post blamed rape on women, not the rapists.
Kapuso writer Suzette Doctolero agreed with Angono Rizal PNP’s post only in a certain extent.
Preventing rape
Many had opposed the controversial post, including respected novelist Lualhati Bautista but Doctolero dared go against the grain. She pointed out that in an ideal world, rape is inexcusable but then again, reality bites.
“Mga kababayan,
Ang daming tumutuligsa dito pero maiba lang ako ng opinyon ano?
In an ideal world: hindi talaga dapat basehan ang pananamit para marape ang isang babae. Dapat kahit magsuot siya ng maigsi, hindi pa rin dapat siya irape. At kapag nalasing siya, hindi rin siya dapat irape.
Sa ideal world, wala dapat rape. Hindi dapat nangyayari ang rape. Mali ang rape!
Pero ideal world yan!
Ang reality: may rape!
Ke maikli o mahaba ang supt mo, mara
Rape ka. Pero MAS takaw tukso kapag maikli ang suot mo at kita na ang kuyukot. Tapos sobrang lasing ka pa? O e di mas takaw molestya at rape talaga.
Iyan ang realidad.
Nagpapaalala lang ang mga pulis.”
Doctolero added that the Angono Rizal PNP was only cautioning women against rape. If she had a daughter, Doctolero would make her read the guidelines which remind women to dress properly, not to get drunk, and learn self defense among others. She encouraged women to teach men not to rape.
“Kilala nila ang mga kriminal. Alam nila ang karakas at sikolohiya ng mga rapist dahil ang dami na ng mga kaso ng rape silang nahahawakan. Ano masama sa sinabing paalala ng mga pulis?
So hindi na sila magpapa alala?
Kung ako ay may anak na babae: ito rin ang sasabihin ko. Wag magsuot ng mahalay. At wag maglasing ng sobra. And yes, pag aaralin ko siya ng martial arts para kaya niyang pangalagaan ang sarili sa mga loko. Dahil ang realidad: me mga loko talaga. At ang mas masakit na realidad: kailangan talagang mag ingat ng mga babae. Period.
PS: mga kapwa ko babae, sisters, mothers: let us teach our sons and brothers na huwag mang rape.”
Anti-rape Flyers?
Suzette appealed to Angono PNP that perhaps they could come up with an anti-rape flyer intended for women but which would also include warnings to men against committing rape.
“Baka dapat na mas mainam na ginawa ng Angono police ay maglabas ng mas buong flyer.
Para sa babae (kung ano ang nasa flyer).
Saka ilagay doon sa ibaba ang paalala naman para sa lalaki: di tama ang mang rape. Ito ay isang krimen. Ikakakulong mo ito. Bubugbugin ka namin sa presinto kapag mang rape ka tapos Irereyp ka din sa Munti kapag masentensyahan ka na. Ogag ka kapag mang rape ka. Pakyu. Ulol.
Mga ganun.
Tignan natin kung may mang rape pa.”
Twisted psyche
Cosmopolitan Philippines released its own guidelines on preventing rape. All points considered, Doctolero noted that rapists have a sick sexual urge. Rape, added Doctolero, goes beyond the issue of lack of respect. According to her, rape can oft-times be attributed to a deep psychological problem compounded by uncontrollable lust and a need to dominate.
“As if naman napakadaling kontrolin ang panrerape.
E di kung nakokontrol ng rapist ang sarili, e di wala na sanang rape.
Psychological ito.
Mayroong napakatindi at uncontrollable sexual urge sa utak ng rapist para magparaos, ikontrol at magdulot ng pain sa isang babae
Usually ay may deep seated anger ang rapist sa mga babae na pinapalala ng sobrang lust at kagustuhang mag dominate Kaya ayun, ginagawa niya ang krimen.
Kaya kapag sinabing bawal man rape, titigil na ba? Hindi yan nangyayari.
Di ito issue lang ng respect o kawalan ng respeto. Sikolohikal na problema ito ng isang rapist.
Kasi di niya nga makontrol ang sarili niya.
Pwede ba nating sabihin na to stop depression, please dont be sad or upset na?
Weh?
Kaya okey pa rin ang ginawa ng PNP na nagbigay ng mga advice sa mga babae. Mas mahalaga pa rin na mag ingat ang mga babae kasi may mga sexual offenders talaga at may mga sayad ito. Mas maige na ang maging praning kaysa victim.”
Angono PNP deletes the post
Doctolero did not forget to update her friends and followers on social media when Angono PNP deleted their original post. She slammed the feminist group Gabriela for thinking that rapists commit the crime under a normal frame of mind.
“Tinanggal na ng Angono PNP ang kanilang paalala sa mga kababaihan. Nagdiriwang ang Gabriela (kaloka kayo).
Tsk. Akala ata ng Gabriela ay nasa tamang wisyo ang mga rapist kaya ang dali sabihang: Huwag kang mang rape! Tapos di na nga sila mangre rape. Wow ang ideal ng world!
E ang realidad: may rape. Hindi normal ang pag iisip nila. May di makontrol na lust sa mga groin nila with matching desire na magkontrol sa babae at mag inflict ng pain kaya sila nagrerape! Kaya tama ang paalala ng PNP! Bilang preventive measure.
Nyeta. Papayag ka ba na ang anak mo ay lalabas ng bahay para gumimik na ang suot ay pekpek shorts? Tapos maglalasing na walang pakialam kasama ang mga lalaki hoping na matitino silang lalaki?
The fact is: di mo alam sino ang matino. Ang rapist ay pwedeng kaibigan, kakilala, kapatid, tatay mo. Na biglang aatakehin ng kademonyohan sa utak.
Oo karapatan ng babae na magsuot ng gusto niya! At oo wala sa damit ang ikakarape pero kung malaswa ang suot, para mong hinainan ng pagkain ang ipis. At least ang ipis, ang daling apakan at patayin! E ang rapist!??
Kapag pinatay ang rapist (kill them all), me reklamo din kayo!
Ke ganda ng ginawa ng mga pulis na nagbigay lang ng paalala, nagreklamo pa kayo. Kaloka.
Sad reality: nasa babae talaga ang pag iingat. Kaya ako ay pinalaki ng tatay ko na manginginom para walang makalasing sa akin! Si Richard Dode Cruz lang. charot! Haha”
Angono PNP issues apology
Angono PNP eventually apologized for the anti-rape guidelines after deleting the said post.
“Ang Angono Municipal Police Station sa pamumuno ni PSUPT RUBEN M PIQUERO ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat hinggil sa aming FB Post na “Paalaala Para Makaiwas sa Rape”. Ang amin pong intensiyon ay mapaalalahanan ang lahat para maiwasan po na maging biktima ng insidente ng rape. Sabi nga po “An ounce of prevention is worth a pound of cure”. Asahan ninyo po na nandito ang inyong kapulisan upang siguruhin palagi ang kaayusan at katahimikan sa bayan ng Angono.”