Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hindi mo malalaman kung effective ang isang bagay kung hindi mo ito susubukan. Kailangan lang talaga na tapangan mo ang iyong loob.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masyadong nakakapaglaan ng maraming oras sa iyong partner, bumawi ka sa kanya ngayong araw.
Money/Career:
Huwag mo na lamang pansinin ang sinasabi ng ibang tao lalo na kung hindi naman ito totoo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 28
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mong tanggihan ang requests ng ilan sa iyong mga kaibigan, lalo na kung kaya mo naman itong gawin.
Love:
Singles: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung maririnig mo ang isang theme song na naging bahagi ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos ngayong araw, lalo na kung hindi naman masyadong importante ang bibilhin mo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna bumili ng pagkain na nilalako sa daan. May malaking chance na sumakit ang tiyan mo at magkasakit ka.
Love:
Couples: Dapat ay masaya ka sa inyong relasyon. Pero kung hindi na, sabihin mo ito sa iyong partner para magawan ninyo ito ng paraan.
Money/Career:
May chance na may ialok sa iyong trabaho, iyon nga lang masyado itong malayo sa inyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung may point naman sila. Huwag na matigas ang ulo at sundin mo na lang sila.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at sorpresahin mo ang iyong partner sa pamamagitan nito.
Money/Career:
Maging mapanuri ka sa iyong mga gawain para naman hindi ka magkamali at mapagalitan ng iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi mo kayang bumiyahe ngayong araw, huwag mo na pilitin ang iyong sarili at baka mapa’no ka pa.
Love:
Couples: Kung stable naman ang inyong relasyon, marahil ay panahon na para ilevel up ninyo ang inyong samahan.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magmarunong sa isang bagay, lalo na kung nanghuhula ka rin naman.
Lucky color: Green
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nangako ka sa iyong kaibigan, tuparin mo ito. Huwag ka basta umatras sa napagkasunduan ninyo.
Love:
Couples: Bigyan mo ng panahon para makapag-adjust ang iyong partner, lalo na kung kitang-kita na nahihirapan siya.
Money/Career:
Subukan mong itreat ang iyong subordinates para mas lalo kayong maging close sa isa’t-isa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na maging busy ka ngayong araw, lalo na kung may mga bisita kang darating sa inyong bahay.
Love:
Couples: Kung nasa malayo ang iyong partner, huwag kang mag-alala sa kanya dahil tiyak na inaalagaan ninya ang kanyang sarili.
Money/Career:
Kung hindi ka masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para humanap ka ng iba.
Lucky color: orange
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung makakatanggap ka ng babala mula sa ibang tao, iconsider mo ito para naman kahit papaano ay maging safe ka.
Love:
Couples: Kung may problema kayo, pag-usapan ninyo ito kaagad. Huwag ninyo itong dedmahin at baka lumaki lamang ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa real estate ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mong baguhin ang iyong pananamit at baka makaattract ka ng maraming good vibes sa iyong paligid.
Love:
Couples: Kung hindi ka pa sigurado, huwag mo muna itong gawin lalo na kung makakaapekto ito ng malaki sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung may magreresign sa inyo, maaaring may matulungan kang tao na naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 30
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong iwan ang iyong trabaho sa ibang tao. Dahil kapag nakamali sila, tiyak na ikaw ang mapapagalitan.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para aminin mo sa isang tao ang iyong tunay na nararamdaman.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo husgahan ang isang tao lalo na kung hindi mo naman talaga kilala kung sino siya. Bigyan mo siya ng chance.
Love:
Singles: Huwag mo muna sayangin ang oras mo sa paghahanap ng partner. Darating din ang tamang oras para diyan.
Money/Career:
Huwag ka mangako na gagawin mo ang isang bagay lalo na kung hindi ka naman sigurado na matatapos mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Umiwas ka na lamang sa mga taong negative ang pag-iisip. Hindi mo sila kailangan sa iyong buhay.
Love:
Singles: Mag-pay attention ka sa iyong pamilya, lalo na kung meron kayong hinaharap na problema. Magfocus ka muna rito.
Money/Career:
Huwag mong kalimutan na icheck ang iyong bills at baka may makalimutan kang bayaran.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3