Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao, lalo na kung hindi mo talaga kakayanin ito ng mag-isa.
Love:
Singles: Humingi ka ng advice sa iyong mga kaibigan lalo na kung gusto mo talagang magkaroon na ng love life.
Money/Career:
Kahit na tinatamad ka, gumawa ka pa rin kahit isang bagay para hindi naman masayang ang araw mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na magkaroon ka ng mga bisita ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutan na maglinis ng bahay.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang lahat. Kumalma ka lang at simple lang naman talaga ang sagot sa iyong problema.
Money/Career:
Kontrolin mo ang iyong sarili. Hindi porke maganda ang iyong nakita ay bibilhin mo na ito kaagad.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong magyabang sa mga tao sa iyong paligid. Kung patuloy mo itong gagawin, tiyak na maiinis lang sila sa iyo.
Love:
Couples: Panahon na para maging seryoso ka sa inyong relasyon, lalo na kung marami kayong pinagdadaanang problema sa ngayon.
Money/Career:
Hayaan mo lang ang iyong sarili na makapagpahinga ngayong araw. Kailangan makabawi ng lakas ang iyong katawan.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang unti-unti mo nang naaabot ang iyong mga pangarap. Tiyak na kakabahan ang iyong mga kalaban dahil dito.
Love:
Singles: Mukhang may kaya ka naman, pero huwag mo itong gamitin para lamang maakit sa iyo ang isang tao.
Money/Career:
Kung ayaw pa ibigay sa iyo ang isang bagay, matutong maghintay ng tamang pagkakataon para rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi mo sigurado ang ginagawa ng isang tao, subukan mong alamin ito sa kanya at baka may maitulong ka.
Love:
Singles: Darating din ang taong nakalaan sa iyo. Sa ngayon, magfocus ka muna kung paano ka mag-iimprove as a person.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may taong magbayad sa iyo ng kanyang utang.
Lucky color: Purple
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na mapagastos ka ulit ngayong araw, lalo na kung yayayain ka ng iyong mga kaibigan na pumunta sa mall.
Love:
Couples: Huwag mong madaliin ang iyong partner sa paggawa niya ng isang desisyon. Hayaan mo siyang makapag-isip nang mabuti.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong sariling business.
Lucky color: Purple
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ito na ang tamang panahon para pakawalan mo siya.
Love:
Couples: Mukhang magtatampo ka ulit sa iyong partner dahil sa kanyang ginawa. Mukhang hindi niya maiwasan na maging pasaway.
Money/Career:
Kung masyado kang stressed sa iyong trabaho, makikita ito sa iyong mukha at kakaawaan ka ng iba.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-isip ka munang mabuti bago mo aksyunan ang isang bagay. Take your time lang para hindi ka magsisi sa huli.
Love:
Couples: Subukan mong yayain na lumabas ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung hindi niyo na ito masyadong nagagawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo at pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May chance na mapagastos ka na naman ngayong araw, lalo na kung makakatanggap ka ng malaking pera.
Love:
Couples: Hindi ito ang oras para mag-alala ka sa iyong partner. Alam naman niya ang kanyang ginagawa kaya magrelax ka lang.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mong solusyunan agad ang isang bagay, lalo na kung ayaw mong lumala pa ito. Ikaw lang din ang mahihirapan sa huli kapag pinabayaan mo ito.
Love:
Singles: Manatili ka na lamang sa bahay ngayong araw. Tumulong ka sa gawaing-bahay para mapabilis ang trabaho.
Money/Career:
Marami ka pang dapat matutunan, kaya naman huwag mong madaliin ang iyong sarili sa pagdedesisyon.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung masyado kang maraming ginagawa, sasakit lang ang iyong ulo dahil hindi mahihirapan kang magfocus sa mga ito.
Love:
Couples: Tulungan mo ang iyong partner sa kanyang problema, lalo na kung may experience ka tungkol dito.
Money/Career:
Maging positive ka lang kahit na hindi maging maganda ang araw mo. Marami ka pang ibang bagay na dapat ipagpasalamat.
Lucky color: Red
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na lang intindihin ang sinasabi sa iyo ng ibang tao, lalo na kung hindi naman totoo ang lumalabas sa kanilang bibig.
Love:
Couples: Mukhang may haharapin kayong problema sa mga susunod na araw, kaya naman maghanda kayong dalawa para rito.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa status ng iyong career, humingi ka ng payo sa iyong boss.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 9