Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang madali mo lang mahuhulaan ang mangyayari ngayong araw. Kaya naman makinig ka na lamang sa iyong mga kutob o hinala.
Love:
Couples: May malaking chance na may sorpresa para sa iyo ang iyong partner, pero huwag ka masyadong ma-excite.
Money/Career:
Bago mo simulan ang isang project, siguraduhin mo na may alam ka talaga rito para maiwasan mong magkamali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo akuin ang kasalanan ng ibang tao. Kahit na gusto mong makatulong, maaaring maging magulo lamang ang lahat sa huli.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, huwag mong kalimutan na magpakita ng sign sa kanya na gusto mo siya.
Money/Career:
Kung gusto mong makatipid, subukan mong iconsider na maghanap ng home-based na trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit na maging hectic ang araw mo, magrelax ka lang. Marami kang matatapos lalo na kung hindi magulo ang isip mo.
Love:
Couples: Mukhang may bagay na susubok sa inyong samahan ngayong araw. Kailangan ninyong kumapit sa isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag ka na masyadong mag-alala kung nawalan ka ng pera. Sayang, pero tiyak naman na mababawi mo rin ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang bagay na hindi naiintindihan, huwag kang mahiyang magtanong sa iba. Hindi naman bababa ang tingin nila sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Subukan mong kantahin sa kanya ang favorite song niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na intindihin ang sinasabi ng ibang tao. Kung tiwala ka naman sa iyong sarili, gawin mo lang ang sa tingin mo ang dapat.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang outing, lalo na kung matagal na kayong hindi nakakagala.
Money/Career:
Huwag kang magmadali sa paggawa ng desisyon. Pag-isipan mo muna itong mabuti para hindi ka magsisi sa huli.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Pakinggan mo muna ang sasabihin sa iyo ng ibang tao bago mo sila husgahan. Maaaring may point naman din sila.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pahirapan ang iyong partner. Kung ayaw niyang gawin ang isang bagay, huwag mo na siya pilitin tungkol dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga kutob o hinala ngayong araw, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Couples: Kung gusto mong magtagal ang inyong relasyon, dapat ay may gawin ka rin para sa iyong partner. Huwag maging selfish.
Money/Career:
Kahit na kuripot ka, hindi naman masamang regaluhan mo ang iyong sarili paminsan-minsan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging proud ka sa mga gawa mo. Tiyak na marami ang makaka-appreciate sa mga ito kaya huwag ka na mag-alala.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, subukan mong magcompose ng kanta at ishare mo ito sa kanya.
Money/Career:
Maging masipag ka lamang sa iyong trabaho. Huwag kang gumawa ng mga bagay na magpapahamak sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 27
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang makakaisip ka ng isang solusyon para sa iyong problema ngayong araw at may chance na gumana ito.
Love:
Singles: Huwag ka na lamang magbigay ng panahon sa mga taong hindi ka naman kayang tanggapin kung sino ka talaga.
Money/Career:
Habang naka-sale pa ang isang item, bilhin mo na ito kung gusto mo talagang makatipid.
Lucky color: White
Lucky number: 22
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka magpadalos-dalos sa iyong mga desisyon. Pag-isipan mo itong mabuti para wala kang pagsisihan sa huli.
Love:
Couples: May chance na maudlot ang inyong mga plano ngayong araw, kaya dapat ay meron kayong plan B palagi.
Money/Career:
Bago mo simulan ang isang bagay, pag-aralan mo
muna ito para naman maging handa ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may ma-offend kang tao kahit na hindi mo ito sinasadya.
Love:
Couples: Kung may problema kayong dalawa, upuan ninyo ito at pag-usapan para hindi na ito lumala pa.
Money/Career:
Huwag mo na takasan ang iyong trabaho o balakin pang ipasa ito sa iyong mga kasama.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi ito ang panahon para maging tamad ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman magsipag ka.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong mainip sa iyong partner. May mga time talaga na dapat ay habaan mo ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magiging maserte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Red
Lucky number: 26