Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magtiwala ka sa iyong sariling kakayahan. Kaya mo naman gawin ang isang bagay, kailangan mo lang ng konting push.
Love:
Couples: Huwag mong kaligtaang bigyan ng mas maraming oras ang iyong partner kaysa sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Mukhang may chance na pagkakitaan mo ang isang bagay na talaga namang hilig mong gawin.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may taong hihingi sa iyo ng favor tungkol sa isang bagay. Kung hindi mo ito gusto, sabihin agad ito sa kanya para hindi siya mag-expect.
Love:
Couples: Ayusin ninyo na ang inyong tampuhan, para naman maging maayos na ulit ang lahat. Huwag ka na kasi maging pasaway.
Money/Career:
May mga taong naiinggit sa iyong galing, kaya naman dapat ay mag-ingat ka sa kanila.
Lucky color: Gold
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may chance na hindi mo matapos ang ilan sa iyong mga gawain ngayong araw, lalo na kung may problemang bigla na lang darating.
Love:
Couples: Huwag ka mangako sa iyong partner tungkol sa isang bagay, lalo na kung hindi ka naman sigurado na kaya mo itong tuparin.
Money/Career:
Okay lang naman na magshopping ka, basta huwag mo lang uubusin ang iyong pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi ka nagtagumpay sa unang try mo, subukan mo ito ulit at maaaring maging matagumpay ka na rito.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong complicated mag-isip. Simple lang naman ang inyong problema kaya huwag mo na itong palakihin pa.
Money/Career:
Kung hindi mo naman kailangang bilhin kaagad ang isang bagay, hayaan mo na muna ito at baka magmura pa ang presyo nito.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung ayaw mo madamay sa problema ng ibang tao, huwag ka na lamang makialam sa kanila para makaiwas ka.
Love:
Singles: Kung nalulungkot ka, subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan na gumala para naman malibang ka.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ay panahon na para pakawalan mo siya.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangang mabilis ka mag-adjust sa mga pagbabago na magaganap ngayong araw. Kung hindi mo ito magagawa, mahihirapan ka talaga.
Love:
Couples: Kahit na gusto mo maging romantic sa iyong partner, tiyak na kokontra rito ang iyong hectic na schedule.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagkain ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may taong manlilibre sa iyo ngayong araw, tanggapin mo kung ano ang ibibigay niya. Huwag ka na magdemand ng iba.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at baka mapansin ka na rin ng taong gusto mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo gusto ang pinapagawa sa iyo, tanggihan mo ito lalo na kung hindi ka naman niya hawak.
Love:
Singles: Gumawa ka ng paraan para maging close kayo ng taong gusto mo. Pero kung hindi ka pa rin niya pinapansin, mas mabuting sa iba mo na lang ibaling ang iyong atensyon.
Money/Career:
Kung hindi naman masyadong urgent ang ginagawa mo, tumulong ka muna sa ginagawa ng iyong mga kasama.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukahng magiging maswerte ka ngayong araw, dahil may chance na makuha mo ang isang bagay na hinihiling mo sa isang tao.
Love:
Singles: Suriin mong mabuti ang mga taong nagiging clingy sa iyo dahil may chance na meron lang silang kailangan sa iyo.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya lalo na kung meron kang tinuturuang tao na hindi nakakaintindi kaagad.
Lucky color: Red
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Makinig ka sa opinyon ng ibang tao. Hindi naman ibig sabihin ay gagawin mo na kung ano ang gusto nila. Pakinggan mo sila para magkaroon ka ng ibang idea.
Love:
Singles: Kung makakasama mo ang crush mo, ingatan mong mabuti ang iyong mga ikikilos para hindi siya maturn-off sa iyo.
Money/Career:
Kung sasayangin mo ang iyong panahon sa trabaho na hindi mo gusto, tiyak na mabilis kang tatanda.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong maliitin ang iyong sarili. May mga bagay ka na hindi nagagawa ng ibang tao kaya naman maging positive ka lang.
Love:
Couples: Huwag mo na lang ipilit ang bagay na gusto mo sa iyong partner lalo na kung mag-aaway lang kayo tungkol dito.
Money/Career:
Maging humble ka palagi. Huwag mong ipagyabang ang isang bagay lalo na kung marami namang taong tumulong sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka matakot na iexpress ang sarili mo sa iba, lalo na kung gusto mo talagang tanggapin nila kung sino ka.
Love:
Singles: Kung feeling mo ay ginagamit ka lang ng isang tao kaya siya lumalapit sa iyo, mas mabuting ikaw na mismo ang lumayo sa kanya.
Money/Career:
Habaan mo na lang ang iyong pasensiya lalo na kung hindi mo talaga mapagsabihan ang iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky number: 19