Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging honest ka sa sarili mo. Kung mas gusto mo ang isang bagay, piliin mo ito at huwag na isipin ang sasabihin ng iba.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na magjoin sa isang outdoor activity, lalo na kung medyo bumibigat na siya.
Money/Career:
Hindi magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng naghahanda para sa isang exam.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bantayan mong mabuti ang iyong mga sasabihin dahil may chance na may masabi kang sikreto sa iyong kaibigan.
Love:
Singles: Kung handa siyang makinig sa mga sasabihin mo kahit na gaano pa ito ka-boring, maaaring may pagtingin talaga siya sa iyo.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos sa mga bagay na hindi mo naman masyadong kailangan sa ngayon.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Para mapabilis ang iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iba, lalo na kung expert sila rito.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong madamot sa iyong partner. Ibigay mo ang kanyang hinihingi lalo na kung hindi ito masyadong hassle sa iyo.
Money/Career:
Panahon na para simulan mo ang isang bagay na dapat ay matagal mo na ginawa.
Lucky color: Black
Lucky number: 14
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang bagay na gustong i-share, huwag kang matakot na gawin ito lalo na kung hindi naman ito nakakasira ng araw.
Love:
Couples: Maglaan ka ng panahon sa iyong partner. Iparamdam mo na kahit busy ka ay nakakagawa ka ng paraan para kamustahin siya.
Money/Career:
Kung nakafocus ka talaga sa iyong mga gawain, walang duda na magtatagumpay ka sa mga ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong mood dahil lamang sa isang maliit na bagay.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner, lalo na kung napapadalas na ang pagtatampo niya sa iyo.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos sa mga bagay na hindimasyadong importante at ipunin mo muna ang iyong pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung palagi na lamang nauulit ang isang bagay, subukan mong palitan ang iyong diskarte para magkaroon ito ng ibang resulta.
Love:
Singles: Maglaan ka muna ng panahon sa iyong pamilya, lalo na kung may problema kayong hinaharap sa ngayon.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, tiyak na marami ang naiinggit sa iyo at baka makaapekto ito sa iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na muli mong makita ang isang tao na naging kaklase mo dati. Kung close kayo, huwag kang mahiyang lapitan siya.
Love:
Singles: Kung aaminin mo sa taong nagugustuhan mo na may pagtingin ka sa kanya, ayusin mo ito para hindi ka mapahiya.
Money/Career:
Iwasan mong tamarin ngayong araw. Maglakad-lakad ka kung medyo inaantok ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka matakot gawin ang isang bagay ngayong araw. Kahit na hindi ka masyadong sigurado, malay mo naman swertehin ka sa huli.
Love:
Couples: Huwag ka magmadali sa inyong relasyon. Huwag kang magpapressure sa iba at sa mga sinasabi nila.
Money/Career:
Icheck mong mabuti ang iyong mga gawain bago mo ito ipasa para naman maging sigurado ka na wala itong mali.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang gustong sabihin, sabihin mo ito kahit na medyo hindi ito maganda. Mas mabuting maging honest ka.
Love:
Singles: Suriin mong mabuti ang mga tao na gusto kang kaibiganin. Marahil ang iba sa kanila ay may gusto lang ipakiusap sa iyo.
Money/Career:
Huwag agad iinit ang ulo mo lalo na kung hindi nakikinig sa iyo ang isang tao. Kung sumusobra na siya, isumbong mo na lamang siya sa iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung nangako ka sa isang tao na pupunta ka sa isang event, tuparin mo ito. Hindi ito ang tamang panahon para umatras ka.
Love:
Couples: Kung may concern ka sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner para hindi na siya manghula sa mga nararamdaman mo.
Money/Career:
Ibigay mo ang best mo sa iyong mga gawain para naman bumilib sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi mo sure kung ano ang dapat mong gawin, subukan mong tanungin ang iyong best friend at baka may magandang ideya siyang maisip.
Love:
Couples: Lagi mong iparamdam sa iyong partner kung gaano siya kaspecial sa iyo para naman hindi na siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Okay lang naman na regaluhan mo ang iyong sarili, as long as hindi naman masyadong mahal ang bibilhin mo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong hayaang masira ang araw mo dahil sa isang maliit na bagay. Magfocus ka na lamang sa mga bagay na special sa iyo.
Love:
Singles: Kung may taong nagkakagusto sa iyo, subukan mo muna siyang kilalanin at baka magbago ang tingin mo sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong bahagi ng isang charity organization.
Lucky color: White
Lucky number: 4