Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kahit na hindi mo ito gusto, kailangan mo pa ring unahin ang ilang mga bagay dahil mas importante sila kaysa sa gagawin mo.
Love:
Singles: Mukhang obvious naman na may gusto ka sa isang tao, kaya huwag ka na mahiyang aminin ito sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Kung meron kang nakatabing pera, hindi ka mahihirapan lalo na kung biglang magkaroon ng emergency sa inyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang mangyayari na ang isang bagay na matagal mo nang hinintay. Kumalma ka lang pero okay na rin kung maging excited ka.
Love:
Couples: Mukhang unti-unti nang nagiging maganda ang status ng inyong relasyon. Ipagpatuloy ninyo lang ang pag-oopen up sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may matanggap ka na bonus sa iyong boss.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung hindi tumupad ang iyong kaibigan sa inyong napagkasunduan.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung madalas kang busy dulot ng trabaho. Bumawi ka na lamang sa iyong partner para hindi na siya magtampo.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa mga gamit ng iyong kasama. Mas maganda naman na marami kang ipon para sa iyong future.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo agad paniniwalaan ang sasabihin sa iyo ng ibang tao, lalo na kung wala naman silang basehan dito.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong magkagusto sa iyo ngayong araw. Iyon nga lang, mukhang taken na siya.
Money/Career:
Sumali ka sa isang charity work kung gusto mo talagang makatulong sa maraming tao.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May chance na maguluhan ka sa mga mangyayari ngayong araw, lalo na kung maraming nagbago sa iyong schedule.
Love:
Couples: Sweet naman sa iyo ang iyong partner, kaya naman turn mo na para maging malambing sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo hayaang masira ang iyong concentration ngayong araw. Magfocus ka sa iyong mga gawain at huwag mo na muna intindihin ang problema ng ibang tao.
Love:
Couples: Simple lang naman ang kailangan mong gawin, kaya huwag mo na gawing kumplikado ang inyong sitwasyon.
Money/Career:
Maging mahigpit ka muna sa pera ngayong araw. Bilhin mo na lang ang gusto mong gamit kapag naka-sale na ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may kakilala ka na malapit nang ikasal. Huwag mong kalimutan na bigyan siya ng regalo lalo na kung talagang malapit kayo sa isa’t-isa.
Love:
Couples: Kung medyo bumibigat na ang iyong partner, subukan mo siyang yayain sa isang outdoor activity at sabay ninyo itong gawin.
Money/Career:
Kung may mag-ooffer sa iyo ng isang trabaho, kunin mo na agad ito lalo na kung kikita ka talaga ng malaki.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang nagbago ka na talaga. Nakikinig ka na sa sinasabi ng ibang tao at hindi ka na masyadong pasaway.
Love:
Couples: Mukhang may taong gustong sumira sa inyong relasyon. Gawin mo ang lahat para protektahan ang iyong partner mula sa kanya.
Money/Career:
Kung hindi na kaya ng katawan mo, magpahinga ka na muna. Mas lalong sasakit ang iyong ulo at katawan kung pipilitin mo ito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung wala ka masyadong gagawin, yayain mo ang iyong mga kaibigan para gumala ngayong araw at magfoodtrip.
Love:
Couples: Huwag mong tatakutin ang iyong partner, lalo na kung ayaw mong magalit siya at magtampo na naman sa iyo.
Money/Career:
Magdahan-dahan ka lang. Konting tiis lang at makakapag-ipon ka rin ng pera para sa iyong pamilya.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 5
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Hindi mo naman kailangang sabihin ang lahat ng iyong nalalaman sa isang tao, lalo na kung hindi naman niya ito magagamit.
Love:
Singles: Nandiyan lang ang taong nakalaan sa iyo sa paligid, pero hindi mo siya napapansin kasi nakafocus ka sa iba.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang kasunduan, alamin mo muna kung ano ang pros at cons nito para makasiguro ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung kaya mo na gawin ang isang bagay, simulan mo na ito. Hindi mo need ng go signal mula sa ibang tao.
Love:
Couples: Kung magiging pasaway ka sa iyong partner, tiyak na mag-aaway lang kayo at ikaw na naman ang mahihirapan dito.
Money/Career:
Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya, lalo na kung hindi talaga sumusunod sa iyo ang iyong mga kasama.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may malalaman kang importante ngayong araw, huwag mo muna ito ipagkalat sa iba para magkaroon ka ng advantage.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong magfocus sa taong wala namang binibigay na atensyon sa iyo. You deserve someone better.
Money/Career:
Mukhang makakaisip ka ng diskarte para matapos mo agad ang iyong trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 28