Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may kilala ka na malapit nang ikasal. Huwag mong kalimutan na bumili ng regalo para sa kanya.
Love:
Couples: Dapat hindi ka lang puro pangako. Dapat ay tinutupad mo ang mga ito para naman hindi ka masabihang paasa.
Money/Career:
Kumuha ka ng partner kung gusto mong matapos ang isang proyekto kaagad.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang panahon na para bawas-bawasan mo ang iyong pagbili online. May chance na mangangailangan kayo ng pera sa mga susunod na araw.
Love:
Singles: Huwag ka na masyadong mag-isip. Kung may gusto talaga siya sa iyo, hayaan mo siyang kumilos.
Money/Career:
Huwag ka gumastos sa isang bagay na alam mo na itatambak mo lang sa iyong kwarto pag nagtagal.
Lucky color: Green
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna magdecide sa isang bagay, lalo na kung hindi mo sigurado kung mapaninindigan mo ito.
Love:
Singles: Mukhang marami ang makakapansin sa iyo ngayong araw at tiyak na meron sa kanila ang magkakagusto sa iyo.
Money/career:
Yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala. Pwede mo silang i-treat pero minimal lang dapat.
Lucky color: Brown
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung ano ang totoo, iyon dapat ang sabihin mo. Huwag mo na isipin ang sasabihin ng ibang tao, at least malinis ang iyong konsensiya.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, subukan mo munang bantayan siya para naman makasiguro ka sa kanyang ginagawa.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng chance para tapusin ang isang proyekto na hanggang ngayon ay hindi mo pa natatapos.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung hindi mo gusto ang isang bagay, sabihin mo na agad ito para naman hindi mag-assume ang ibang tao.
Love:
Couples: Huwag mong iignore ang iyong partner. May mga kailangan din siya na dapat mong ibigay para sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para humanap ka ng sideline.
Lucky color: White
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na sabihin mo sa iba ang iyong opinyon, pero huwag mo itong ipagpilitan sa kanila.
Love:
Couples: Kung masyadong stressful na ang inyong relasyon, marahil ay bigyan ninyo na muna ang isa’t-isa ng panahon para makapag-isa.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain, para naman hindi ka gaanong magkamali at mapagalitan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang masyado mo nang pinapagod ang iyong sarili. Magpahinga ka naman kahit na papaano para makabawi ang iyong katawan.
Love:
Couples: Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa iyong partner. Hindi makakabuti sa iyo kung lagi ka na lang mag-aalala.
Money/Career:
Kung may mag-offer sa iyo ng isang trabaho, kunin mo agad ito lalo na kung galing ito sa iyong kakilala.
Lucky color: Green
Lucky number: 15
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Irespeto mo na lang ang opinyon ng ibang tao. Kung ayaw mong may ma-offend ka, mas mabuting ingatan mo ang mga salitang iyong sasabihin.
Love:
Singles: Kung may taong special para sa iyo, ilibre mo siya ngayong araw para naman gumanda ang kanyang araw.
Money/Career:
Huwag kang mag-alala. Lahat naman ng iyong paghihirap ay makakatulong para matupad ang iyong mga ambisyon sa buhay.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung medyo malungkot ka ngayong araw, yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala para naman gumanda ang iyong mood.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong husgahan ang iyong partner. Maaaring ginawa niya lang ang isang bagay na akala niya’y makakatulong sa kanya.
Money/Career:
Kahit na marami ang iutos sa iyo, magagawa mo naman ang lahat ng mga ito ng walang problema.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang pag-asa mo.
Love:
Couples: Kung gusto mong lambingin ka ng iyong partner, try mong kulitin siya pero huwag naman sobra.
Money/Career:
Kung paulit-ulit na lamang ang iyong ginagawa araw-araw, hindi malayong tamarin ka na sa mga ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may sakit ka, huwag ka munang tumanggap ng bisita dahil may chance na mahawaan mo sila lalo na kung may ubo’t sipon ka.
Love:
Singles: Okay lang iyan kung wala ka pa ring love life. Yayain mo na lamang ang iyong mga kaibigan para naman sumaya ka.
Money/Career:
Mukhang may taong lalapit sa iyo para mag-offer ng isang bagay. Pag-isipan mo munang mabuti bago mo ito tanggapin.
Lucky color: Brown
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung sa tingin mo ay kailangan mo ang isang bagay, bilhin mo ito lalo na kung meron ka namang pambili.
Love:
Couples: Subukan mong maging sweet sa iyong partner ngayong araw, lalo na kung naging busy ka masyado kamakailan.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap ka na good news tungkol sa iyong trabaho ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 6