Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may chance na madelay ang iyong mga gawain. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ikaw ang may kasalanan nito.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad mag-assume na gusto ka ng isang tao, lalo na kung palagi ka niyang tinutulungan.
Money/Career:
Mukhang may chance na may makuha kang pera ngayong araw mula sa iyong kaibigan.
Lucky color: Green
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
May chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman itigil mo muna ang panonood ng mga drama.
Love:
Couples: Kung hindi ka pinapansin ng iyong partner, maaaring may nagawa kang kasalanan sa kanya. Alamin mo ito kaagad.
Money/Career:
Maaaring mapagbintangan ka ngayong araw sa kasalanan na hindi mo naman ginawa. Huwag ka magpanic at sabihin mo ang totoo.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Ingatan mo ang iyong bibig ngayong araw dahil may chance na may masabi kang sikreto sa ibang tao at ikakapahamak mo ito.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Magplan ka ng isang dinner at maging romantic ka sa kanya.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang mga ipapagawa sa iyo nang mabilis para makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Gold
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang gustong puntahan na lugar, pagplanuha mo itong mabuti para naman matuloy ka at hindi tamarin.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner, lalo na kung nagiging pasaway siya lately. Baka meron lang siyang pinagdaraanan.
Money/Career:
Mukhang may taong magbibigay sa iyo ng pera ngayong araw.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka na muna magpaistorbo sa ibang tao lalo na kung gusto mo talagang matapos sa iyong mga gawain.
Love:
Singles: Maaaring swertehin ka ngayong araw at mukhang may chance na magkabalikan kayo ng iyong ex.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang iyong sarili. May mga bagay kang nagagawa na hindi kaya ng iba.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao. Maaaring madamay ka pa rito kaya naman umiwas ka na lang.
Love:
Couples: Huwag mong susukuan ang iyong partner. Dapat ay palagi mo siyang suportahan sa kanyang mga ginagawa.
Money/Career:
Kung hindi ka sure kung gusto mo ang inoffer sa iyo, huwag ka muna gumawa ng desisyon.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung ayaw kang paniwalaan ng ibang tao, magpresent ka ng mga bagay na magpapabago ng kanilang isipan.
Love:
Couples: Mukhang magiging maswerte ang araw ninyo ngayon at kung may gusto kayong icelebrate, gawin ninyo lang ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa cosmetics ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may hihingi sa iyo ng tulong, pagbigyan mo siya lalo na kung kaya mo naman ang pinapagawa niya.
Love:
Couples: Huwag kang mahiyang sabihin sa iyong partner ang ilan sa iyong mga sikreto. Malay mo, makarelate din siya sa mga ito.
Money/Career:
Mukhang may chance na may matanggap kang pera ngayong araw mula sa isang tao na may utang sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gamitin mo ang iyong charm sa ibang tao, lalo na kung meron kang gustong hingiin na favor sa kanila.
Love:
Couples: Huwag kayong magmadali sa inyong relasyon. Take your time at ienjoy ninyo lang ang company ng isa’t-isa.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga kasama dahil ilan sa kanila ay may lihim na galit sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Gamitin mo ang iyong mga natutunan para maiwasan ang isang bagay na mangyari, lalo na kung hindi talaga ito maganda.
Love:
Couples: Magchill lang kayo ngayong araw. Pumunta kayo sa mall o kaya’y manatili na lamang sa bahay.
Money/Career:
Magbudget ka nang maayos para maiwasan mong mawalan ng pera basta-basta.
Lucky color: Green
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo na iasa sa ibang tao ang iyong mga gawain dahil ikaw lang talaga ang makakagawa nito nang maayos.
Love:
Singles: Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao, dahil maaaring nagpaparinig na pala sila sa iyo pero hindi mo ito napapansin.
Money/Career:
Huwag kang matakot na subukan ang isang bagay, lalo na kung makakatulong ito sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting manatili na lamang sa iyong bahay para na rin makapagpahinga ka.
Love:
Couples: Makinig ka sa iyong partner. Kung hindi ka magtitiwala sa kanya, magkakaroon ng malaking problema sa inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag kang magmadali na maging successful. Maging consistent ka lang sa iyong mga gawain at mararating mo rin iyon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13