Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang nagbago ka na talaga. Hindi ka na masyadong pasaway sa ibang tao at marunong ka na ring sumunod sa sinasabi sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong kulitin ang iyong partner tungkol sa kanyang mga sikreto. I-respect mo ang kanyang privacy.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado sa iyong gagawin, humingi ka ng second opinion sa iyong boss.
Lucky color: Gold
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Subukan mo munang sundin ang iyong kutob o hinala ngayong araw, dahil may malaking chance na magkatotoo ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner, lalo na kung naging busy ka recently.
Money/Career:
Kung meron kang balak mag-abroad, mas mapapadali itong mangyari kung meron kang kakilala sa pupuntahan mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Simple lang naman ang iyong problema kaya huwag mo na ito masyadong alalahanin pa. Magconcentrate ka na lang muna sa iba pa.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, huwag mo munang ipahalata na napapansin mo ito. Mag-observe ka muna nang palihim.
Money/Career:
Maaaring bantayan ka ng iyong boss ngayong araw kaya naman ayusin mo ang iyong trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung masyadong kumplikado ang isang sitwasyon, mas mabuting umiwas ka na lang dito lalo na kung hindi mo naman ito problema.
Love:
Singles: Sundin mo ang tips na ibibigay sa iyo ng iyong mga kaibigan lalo na kung gusto mo na talaga magkaroon ng love life.
Money/Career:
Mukhang hindi magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong exam.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo agad susukuan ang isang bagay kahit na sobrang hirap nito. Meron kang kakayahan para magtagumpay rito.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa na pumasok sa isang relasyon, huwag mo na pilitin ang iyong sarili. Huwag ka rin magpapressure sa ibang tao.
Money/Career:
Kung kaya mong tulungan ang iyong mga kasama, gawin mo ito lalo na kung medyo tinatamad silang kumilos.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo munang ikwento sa iyong kaibigan ang isa sa iyong mga sikreto dahil may chance na masabi nila ito sa iba.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Kung masyadong mahal ang iyong pamasahe, siguro ay panahon na para maghanap ka ng trabaho na home-based.
Lucky color: Purple
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mong diskartehan ang isang bagay, lalo na kung gusto mo talagang matapos dito kaagad. I-try mo ring humingi ng tulong sa iba.
Love:
Singles: Kung meron kang pupuntahan na event, agahan mo ang pagpunta rito para maiwasan mo na maging late.
Money/Career:
Kung gusto mong pumasok sa isang partnership, gawin mo ito lalo na kung sigurado ka sa taong kinakausap mo.
Lucky color: White
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Irelax mo lang ang iyong sarili at wala ka namang dapat na ipag-alala. Sumunod ka na lamang sa agos at hintayin kung ano ang pwedeng mangyari.
Love:
Couples: Kung meron kang problema sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya at huwag mo na lang idaan sa paramdam.
Money/Career:
Huwag mo munang bilhin ang isang bagay, lalo na kung hindi naman talaga ito urgent.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka magsinungaling sa isang tao ngayong araw. Sabihin kung ano ang totoo para hindi ka na makonsensiya pa.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para yayain mo sa isang date ang taong nagugustuhan mo. Malay mo, pumayag siya rito.
Money/Career:
Huwag ka na makialam sa problema ng ibang tao lalo na kung ayaw mong madamay rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi ka naman naiintindihan ng ibang tao, huwag ka na mag-effort mag-explain sa kanila dahil sila ung tipong hindi marunong makinig.
Love:
Singles: Kung merong may sakit sa inyo, alagaan mo muna siya. Bigyan mo siya agad ng gamot para mabilis siyang gumaling.
Money/Career:
Hindi ito ang panahon para maging tamad ka. Kumilos ka na para maaga kang matapos.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Umiwas ka muna sa pagkain ng isda ngayong araw, dahil may chance na sumakit ang tiyan mo lalo na kung hindi mo sigurado kung paano ito niluto.
Love:
Couples: Kung may kailangan ka sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya. Huwag ka lang masyadong mag-expect at baka hindi niya ito kayang ibigay.
Money/Career:
Huwag mo na pahirapan ang iyong sarili sa kaiisip ng solusyon para sa iyong problema. Humingi ka na lamang ng advice sa ibang tao.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung bored ka na sa isang bagay, subukan mong maghanap ng bagong hobby para naman ganahan ka na ulit.
Love:
Couples: Kung masyadong stressed na ang iyong partner, subukan mong i-massage siya para naman marelax siya.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap kang pera ngayong araw mula sa isang tao na hindi mo ine-expect.
Lucky color: Black
Lucky number: 4