Aries (Mar 21 – Apr 19)
Gawin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo bago ang ibang bagay para hindi ka mapagalitan ulit.
Love:
Singles: Kung kaya mong tulungan ang isang tao, gawin mo ito. Malay mo, biglang gumaan ang loob niya sa iyo.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong strengths. Gawin mo ang mga bagay kung saan ka talaga magaling.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang naman kung gumastos ka ngayong araw, siguraduhin mo lang na meron pa ring matitirang pera sa iyo.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit ngayong araw at baka mapansin ka na rin ng iyong crush.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung hindi man mangyari ang iyong inaasahan. May next time pa naman para diyan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung bored ka, subukan mong gawin ang mga kadalasang ginagawa ng iyong mga kaibigan at baka matuwa ka sa mga ito sa huli.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para ilevel up ninyo ang inyong relasyon, lalo na kung matagal na kayong nagsasama.
Money/Career:
Galingan mo sa iyong trabaho dahil tataas ang chance mo na makapag-work abroad.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna makipagtalo ngayong araw, dahil may chance na hindi ka kampihan ng ilan sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Kung naguguluhan ka sa mga kinikilos ng iyong partner, subukan mo siyang tanungin kung ano ang kanyang ginagawa.
Money/Career:
Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na masayang lang ang iyong pera sa isang bagay.
Lucky color: Purple
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung tiwala ka sa isang bagay, gawin mo ito at manalig ka na tama ito para hindi masayang ang iyong effort.
Love:
Couples: Huwag ka muna masyadong strict sa iyong partner. Suportahan mo na lamang siya sa kanyang gustong gawin.
Money/Career:
Subukan mong baguhin ang mga bagay sa iyong trabaho para maiba naman ang working environment mo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may chance na magkaroon kayo ng outing sa mga susunod na araw. Huwag ka muna masyadong gumastos para naman makaipon ka.
Love:
Couples: Kilalanin mo pa nang husto ang iyong partner. Marami kang bagay na malalaman kung makikinig ka lang sa kanya.
Money/Career:
Maaaring maging busy ang araw na ito para sa iyo, magagawa mo naman ang trabaho mo nang maayos.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Baguhin mo ang iyong pananaw tungkol sa isang bagay at tiyak na makakatulong ito para maunawaan mo ito.
Love:
Singles: Huwag ka basta-basta maniniwala sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung hindi mo naman talaga sila ka-close.
Money/Career:
Makipag-usap ka palagi sa iyong mga kasama para naman updated ka sa mga nangyayari sa kanila.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-exert ka ng effort sa isang bagay, lalo na kung ayaw mong magkamali talaga rito at mapahiya sa iba.
Love:
Singles: Huwag mong i-base sa mga nababasa o napapanood mo ang iyong love life. Makakasama sa iyo kung tataasan mo masyado ang iyong expectations.
Money/Career:
Mukhang may chance na ma-delay ang perang iyong hinihintay, kaya naman habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 14
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may taong nag-aalok ng kanyang tulong sa iyo, tanggapin mo ito at huwag ka na mahiya sa kanya.
Love:
Singles: Kung handa ka na pumasok sa isang relasyon, sabihin mo ito sa iyong mga magulang para hindi sila mabigla.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng merong exam.
Lucky color: orange
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Dapat ay sigurado ka sa isang bagay bago ka umaksyon. Huwag ka magbaka-sakali para hindi ka magkaroon ng problema sa dulo.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakalaan sa iyo. Huwag ka na masyadong tumingin pa sa malayo dahil nasa malapit lang siya.
Money/Career:
Kung saang bagay ka magaling, iyon dapat ang iyong idevelop at pagkakitaan.
Lucky color: Gold
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung naguguluhan ka sa takbo ng iyong buhay sa ngayon, magmuni-muni ka muna at pumunta sa malayo.
Love:
Couples: Maging happy ka sa mga bagay na ginagawa sa iyo ng iyong partner, kahit gaano pa kaliit o kababaw ang mga ito.
Money/Career:
Magiging maayos din ang lahat, kaya naman huwag ka kaagad susuko.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na sanay ka na sa iyong mga gawain, may mga panahon talaga na kailangan mong mag-adjust para sa isang bagay.
Love:
Singles: Kung may gusto ka sa isang tao, huwag mo siyang bibiglain. Maghinay-hinay ka lang para naman hindi ka rin mapressure.
Money/Career:
Okay lang naman na gawin mo ang sinasabi ng iba, pero iwasan mo namang magpauto sa kanila.
Lucky color: Black
Lucky number: 27