Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang mag-alala. Marami namang tao na handang tumulong sa iyo kung kailanganin mo ito. Huwag kang mahiyang mag-approach sa kanila.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali na magkaroon ng partner. Kilalanin mo muna ang isang tao nang lubusan para hindi ka magsisi sa huli.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad ka dahil marami ka pang nakatambak na gawain.
Lucky color: Silver
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang marami ka pang dapat na gawin ngayong araw kaya naman bilisan mo para hindi ka matambakan.
Love:
Couples: Kung masyadong stressed ang iyong partner, subukan mong i-massage siya para naman makapagrelax siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Ito na ang tamang panahon para ipakita mo sa ibang tao ang iyong hidden talent. Marahil ay ito ang maging dahilan ng iyong pagsikat.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo ang iyong crush ngayong araw. Huwag mong kalimutan na magpakita ng sign sa kanya na gusto mo siya.
Money/Career:
Kung hindi ka confident sa iyong trabaho, tiyak na makikita ito sa iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 20
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ilayo mo na lamang ang iyong sarili sa mga tao na hindi ka iniintindi. Huwag mo na istress ang iyong sarili.
Love:
Couples: May malaking chance na maging aggressive ka ngayong araw, kaya naman magtataka rito ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag mo gawing biro ang mga seryosong bagay. Kaya ka nasasabihan na isip-bata minsan.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Sulatan mo o itext ang isang tao lalo na kung namimiss mo na siya. Huwag mo na hintayin pa na siya ang maunang gumawa nito.
Love:
Couples: Subukan mong sabihin sa iyong partner ang iyong problema at baka may masabi siya na makatulong sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi ka makakaabot sa iyong deadline, humingi ka na ng favor sa iyong mga kasama.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung nangako ka sa isang tao na pupunta ka, pumunta ka. Huwag kang aatras sa iyong pangako kung ayaw mong magmukhang masama.
Love:
Couples: Tulungan mo naman ang iyong partner sa kanyang mga gawain, lalo na kung nakikita mong hirap na hirap na siya.
Money/Career:
Huwag kang basta-basta papayag sa isang offer lalo na kung galing ito sa isang tao na nanloko na sa iyo dati.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang sensitive ka naman sa feelings ng ibang tao, kaya naman wala ka masyadong maooffend na tao ngayong araw.
Love:
Singles: Kung may taong magpaparamdam sa iyo pero hindi mo siya gusto, sabihin mo na lang ito para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Huwag ka papayag sa isang offer lalo na kung hindi talaga ito fair para sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Iwasan mong tamarin ngayong araw dahil tiyak na maraming bagay ang ipapagawa sa iyo at kailangan mo matapos ang lahat ng mga ito.
Love:
Couples: Huwag mo dedmahin ang iyong partner. Kung may kailangan siya sa iyo, ibigay mo ito kung kaya mo naman.
Money/Career:
Magsipag ka sa iyong trabaho dahil may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo kaya ang isang sitwasyon, huwag mo na lang ito pilitin. Umalis ka na lamang dito para makaiwas ka na sa stress.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner ngayong araw. Huwag ka masyadong mabibigla rito.
Money/Career:
Gawin mo lang ang iyong gusto, as long na wala kang maiistorbo na ibang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May chance na makasama ka sa isang biglaang lakad, kaya naman tiyakin mo na may pera ka para makasama ka talaga.
Love:
Singles: Huwag ka na maging masungit sa kanya. Ginagawa niya lang un para mapansin mo siya dahil may gusto siya sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong busy sa kanilang research.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 28
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung gusto mong mag-invest sa isang bagay, ito na ang tamang panahon para gawin mo ito lalo’t may magandang offer sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad maniwala sa sinasabi sa iyo ng isang tao. Suriin mo muna siya at baka inuuto ka lang niya.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw kaya mababawasan ulit ang iyong ipon.
Lucky color: Green
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Napaka-jolly mong tao kaya naman huwag mong hayaang mawala ang ugali mong ito. Marami ka pang mapapasaya na tao.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa handa para sa isang commitment, huwag mong pilitin ang sarili mo at baka magsisi ka lang sa huli.
Money/Career:
Tapusin mo on time ang iyong mga trabaho at tiyak na matutuwa ang boss mo sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6