Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang nagawang mali sa iyong kapwa, mag-apologize ka kaagad sa kanila para hindi na lumaki pa ang issue.
Love:
Couples: Huwag mo na hintayin pang lumala ang isang bagay bago ka umaksyon. Mas mabuting may magawa ka na agad tungkol dito habang maaga pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 23
Taurus (Apr 20 – May 20)
Galingan mo sa iyong trabaho dahil dito makikita ng ibang tao kung gaano ka kaseryoso sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kahit na hindi naman ikaw ang may kasalanan, minsan ay mas mabuti pang ikaw na lang ang unang magsorry para matapos na lang.
Money/Career:
Subukan mong pasayahin ang iyong mga kasama para naman hindi masyadong ramdam ang stress sa inyong trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit hindi mo pa sigurado kung ano ang dapat mong gawin, tiyak naman na makakakita ka ng sign para rito.
Love:
Singles: Ienjoy mo muna ang iyong pagiging single, dahil may mga bagay na hindi mo na pwedeng gawin kapag naging taken ka na.
Money/Career:
Subukan mong makinig sa kwento ng ibang tao lalo na kung inspirational ang kanilang mga sasabihin.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Magfocus ka lang sa iyong mga gawain at tiyak na makakaabot ka sa iyong deadline. Huwag ka muna magpaistorbo sa iba.
Love:
Couples: Makinig ka sa sinasabi ng iyong partner, dahil tiyak naman na para rin ito sa iyong ikabubuti.
Money/Career:
Kung sa tingin mo ay hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ay panahon na para i-let go mo siya.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-ingat ka ngayong araw. Huwag mo basta-basta ibabahagi sa iba ang iyong nalaman dahil maaaring gamitin nila ito para unahan ka.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung masyado kang busy dahil sa iyong trabaho. Pero kahit na ganun, dapat ay iparamdam mo pa rin sa iyong partner na sinusubukan mo.
Money/Career:
Bawas-bawasan mo muna ang pag-oorder mo online para kahit papaano ay makatipid ka.
Lucky color: Green
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May chance na may taong magalit sa iyo ngayong araw, kaya naman ingatan mo ang mga salita na iyong bibitawan sa iba.
Love:
Couples: Kahit na manalo ka sa inyong argumento, tiyak naman na talo ka pa rin sa huli dahil magtatampo sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Huwag kang magmadali. Magdahan-dahan ka lang para hindi ka basta-basta magkakamali.
Lucky color: Blue
Lucky number: 32
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Simple lang naman ang kailangan mong gawin, kaya huwag mo na gawing kumplikado ang sitwasyon para hindi ka na mahirapan pa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Sulitin mo na dahil magiging busy ka na ulit sa mga susunod na araw.
Money/Career:
Huwag mo ipagkalat ang bagay na malalaman mo ngayong araw kung ayaw mong may taong magalit sa iyo.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 27
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magmuni-muni ka muna ngayong araw. Isipin mo kung may mga bagay ka pa na gustong gawin o baguhin sa iyong sarili.
Love:
Couples: Mukhang may haharapin kayong problema sa mga susunod na araw kaya mas mabuting ihanda ninyo na ang inyong mga sarili.
Money/Career:
Mukhang makukuha mo ang isang bagay na sa isip mo ay kailanman ay hindi mangyayari.
Lucky color: Black
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maging honest ka sa iyong sarili. Kung hindi mo nagugustuhan ang ginagawa sa iyo ng ibang tao, ipaalam mo ito sa kanila.
Love:
Singles: Mukhang may taong gustong mag-approach sa iyo. Huwag mo siyang ipagtabuyan dahil maganda naman ang hangarin niya.
Money/Career:
Kahit na hindi maging maganda ang araw mo, may mga bagay pa rin na magpapasaya sa mood mo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Bago mo gawin ang isang bagay, siguraduhin mo muna na may alam ka talaga rito para naman wala kang madisappoint na tao.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon na ng love life. Huwag mo lang masyadong taasan ang iyong expectations.
Money/Career:
Magpahinga ka kung magkakaroon ka ng free time, para naman makabawi kahit papaano ang iyong katawan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Makipagtulungan ka sa ibang tao. May mga bagay talaga na hindi mo kakayanin kung ikaw lang mag-isa ang gagawan.
Love:
Couples: Kung hindi mo sure kung ano na ang status ng inyong relasyon, marahil ay panahon na para gumawa ka ng paraan tungkol dito.
Money/Career:
Subukan mong tumaya ng lotto ngayong araw at maaaring tumama ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mas makakabuti kung susundin mo muna ang sinasabi ng iyong kutob dahil may chance na magkatotoo ito ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag na matigas ang ulo. Sundin mo na lamang ang sinasabi ng iyong partner para hindi na siya mag-alala sa iyo.
Money/Career:
Malapit ka na maging successful sa iyong napiling career kaya naman huwag kang basta-basta susuko.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 24