Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi mo na kayang ipagpatuloy ang isang bagay, sabihin mo na agad ito para hindi na umasa sa iyo ang iba.
Love:
Singles: Okay lang naman na maging close ka sa taong gusto mo, pero huwag ka rin namang masyadong clingy sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may chance na manalo ka sa isang raffle kaya huwag mong kalimutang sumali.
Lucky color: White
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Marami ka pang bagay na dapat matutunan, kaya huwag ka kaagad magyabang dahil ikaw lang ang mapapahiya sa huli.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng problema sa iyong trabaho ngayong araw. Kung wala ka namang kinalaman dito, huwag ka na makialam.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna bumili ng mga pagkain na nabibili sa daan dahil may malaking chance na sumakit ang tiyan mo.
Love:
Singles: Kahit na busy ka, maglaan ka pa rin ng oras para sa iyong pamilya. Kung aayain ka nila na gumala, sumama ka.
Money/Career:
May chance na hindi ka sundin ng iyong mga kasama, lalo na kung badtrip sila sa ginawa mo nung nakaraan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman umiwas ka muna sa mga taong makukulit para hindi masira ang araw mo.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa rin nakakapagmove on, dapat ay alamin mo kung bakit para na rin makapaglet go ka.
Money/Career:
Kung meron kang bagay na sisimulan, gawin mo ang best mo kaagad para malaki ang chance na magtagumpay ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting uminom ka na agad ng gamot at kung pwede kang umabsent, gawin mo ito.
Love:
Singles: Kung may tao kang nagugustuhan, gawin mo ang lahat para maging close sa kanya para lalo mo siyang makilala.
Money/Career:
Kung gusto mo na umalis sa isang partnership, gawin mo ito kaagad para hindi na ito maging kumplikado pa.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging matiyaga ka lang. May mga bagay talaga na hindi agad-agad nangyayari. Habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na pumunta sa isang malayong lugar, lalo na kung gusto ninyo na makapagrelax.
Money/Career:
Huwag ka gagawa agad ng aksyon sa isang bagay, lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong madamay kapag naging malala ito.
Love:
Couples: Magpaliwanag ka nang mabuti sa iyong partner, lalo na kung mali ang akala niya sa isang bagay.
Money/Career:
Kung kaya mong aksyunan ang isang bagay, gawin mo na ito agad para hindi na ito lumaki pa.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Asikasuhin mo muna ang isang importanteng bagay bago mo gawin ang iyong gusto. Unahin mo muna ito para hindi na ito maging grabe.
Love:
Couples: Kung may problema ka sa iyong partner, sabihin mo ito sa kanya para naman magawan niya ito ng aksyon.
Money/Career:
Huwag mo hayaang ikaw ay maging nega buong araw. May mga bagay talaga na hindi mo kayang kontrolin.
Lucky color: Black
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mo munang tapusin ang mga bagay na inuutos sa iyo, lalo na kung ayaw mong mapagalitan ngayong araw.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong seryosohin ang iyong partner. Nagbibiro lang iyon kaya naman huwag ka na magtampo.
Money/Career:
Kung nag-apply ka kamakailan, may chance na makatanggap ka ng balita tungkol dito soon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Iwasan mong maging mayabang sa ibang tao. May mga bagay ka nga na hindi nila kayang gawin, pero dapat ay maging humble ka pa rin.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo pag-uusapan ang mga problema sa inyong relasyon, mabilis lang magwawakas ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Mukhang makakatanggap ka ng tulong mula sa taong hindi mo inaasahan ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit ulit ang ulo ng mga taong makakasama mo.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang isang simpleng bagay. Pinapahirapan mo lang ang iyong sarili at ang iyong partner.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka ngayong araw, basta ba huwag mo lang uubusin ang iyong pera.
Lucky color: Blue
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka na muna bumili ng mga bagong damit ngayong araw. Marami ka pa namang pwedeng suotin at gamitin.
Love:
Couples: Huwag mo na lang intindihin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa relasyon ninyo. Kung masaya kayo, go lang.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong gawain, hindi pa rin maiiwasan na maging iritable ka lalo na kung paulit-ulit ang iyong mga ginagawa.
Lucky color: Red
Lucky number: 21