Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka basta-basta magtiwala sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung hindi naman nila ito kayang mapatunayan.
Love:
Singles: Mukhang ang taong nakalaan sa iyo ay nasa malapit lang. Kailangan mo lamang na talasan ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang kinikita mo sa iyong kasalukuyang trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng sideline.
Lucky color: Silver
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
Ibigay mo ang lahat ng iyong effort sa isang bagay, lalo na kung gusto mo talagang magtagumpay rito.
Love:
Couples: Suportahan mo ang iyong partner sa kanyang gagawin, kahit na medyo hindi ka sang-ayon dito.
Money/Career:
Makukuha mo rin ang iyong mga gusto sa buhay, kaya naman magsumikap ka para mabilis mo itong maabot.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Magtiwala ka sa sarili mo, lalo na kung ginawa mo naman ang lahat para sa isang bagay. Magiging maayos din ang lahat.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang matukso ka ng ibang tao. Dapat ay panatilihin mong maging loyal sa iyong partner.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at baka makuha mo na ang jackpot.
Lucky color: White
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi mo na naman ginagamit ang isang bagay, idonate mo na lang ito o kaya ay ibenta mo para hindi na ito nakatambak pa sa iyong kwarto.
Love:
Singles: Kung may balak kang pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Kailangan ay mabilis kang mag-adjust sa mga pagbabago para hindi ka napag-iiwanan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kontrolin mo ang iyong paggastos. Pag-isipan mo munang mabuti kung kailangan mong bilhin ang isang bagay.
Love:
Couples: Huwag mo na hukayin pa ang nakaraan. Magconcentrate ka na lang kung saan patutungo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Maghigpit ka muna ng sinturon at magtipid dahil may mchance na may malaking gastusin kang paparating.
Lucky color: Gold
Lucky number: 3
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na muna sumali sa gulo ngayong araw. Akala mo ay makakatulong ka, pero sa totoo ay palalalain mo lang ang sitwasyon.
Love:
Couples: Kung meron kang dapat baguhin sa iyong sarili para sa ikabubuti ng inyong relasyon, gawin mo ito.
Money/Career:
Huwag ka mawalan ng motivation sa iyong trabaho. Huwag mong kalimutan ang iyong mga paghihirap dito.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malaking chance na may matanggap kang payo mula sa isang tao na malapit sa iyo. Sundin mo ito para naman gumanda ang iyong buhay.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner. Subukan mong baguhin ang iyong ayos at baka magustuhan niya ito.
Money/Career:
Kung marami kang free time, subukan mong magtayo ng iyong sariling business para meron kang dagdag na kita.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang makakasama ka sa isang biglaang lakad sa mga susunod na araw. Kung meron kang extrang pera, subukan mong bumili ng pasalubong.
Love:
Couples: Mas makakabuti sa relasyon ninyo kung isasantabi mo ang iyong ego. Dapat ay sinusuportahan ninyo ang isa’t-isa.
Money/Career:
Maniwala ka sa iyong sariling kakayahan. Huwag mong maliitin ang iyong sarili.
Lucky color: Blue
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag kang gumawa ng desisyon kung emosyonal ka, dapat may malaking chance na pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Singles: Subukan mong yayaing gumala ang iyong mga kaibigan at ilaan mo ang araw na ito para magsaya.
Money/Career:
Dapat ay tapusin mo muna ang iyong mga gawain bago ka gumawa ng ibang bagay para hindi ka mapagalitan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung masakit ang iyong katawan, mas mabuting manatili na lang muna sa bahay para hindi na ito lumala pa.
Love:
Couples: Subukan mong tanungin ang iyong partner kung ano ang tingin niya sa isang bagay bago mo ito gawin.
Money/Career:
Maglaan ka ng panahon para sa iyong sarili. Huwag mo rin kalimutang magtipid lalo na’t palaki nang palaki ang iyong mga gastusin.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 8
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago ka pumayag sa isang offer, siguraduhin mo muna na alam mo ang iyong ginagawa para naman hindi ka maging isang abala sa iba.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner, lalo na kung nakakaduda ang kanyang mga kilos sa mga nagdaang araw.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong mga gawain at tiyak naman na magiging maganda ang makukuha mo sa huli.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na masipag ka sa iyong mga gawain, wala ka namang matatapos lalo na kung pinapabayaan mo ang iyong sarili.
Love:
Singles: Huwag mong pilitin ang isang tao na mahalin ka. Kung meron siyang pagtingin sa iyo, siya na mismo ang kikilos.
Money/Career:
Maaaring malugi ka ngayong araw, pero huwag ka masyadong mag-alala dahil marami namang nakahandang sumuporta sa iyo.
Lucky color: Black
Lucky number: 15