Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman huwag ka muna manood ng mga kdrama at baka sumama lang ang loob mo.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa labas ang isang tao na hindi mo type. Malay mo, maging okay naman ang maging resulta nito.
Money/Career:
Kung kumuha ka ng exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala o kaya’y manood ng sine sa mall.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na madevelop ka sa isang foreigner. Malapit mo na malaman kung sino siya.
Money/Career:
Kung may balak kang umalis sa iyong trabaho, siguraduhin mo muna na meron kang mapupuntahan bago ka umalis.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Panahon na para gumawa ka ng desisyon. Kumilos ka na at baka lumala pa ang lahat kapag pinatagal mo pa ito.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na gawin ang isa sa iyong mga hobby. Baka maging bonding moment ninyo na rin ito.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod sa sinasabi ng ibang tao, pero dapat ay alam mo rin kung kailan ka hihindi.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
May malaking chance na magawa mo ng tama ang isang bagay na iuutos sa iyo, kaya naman marami ang matutuwa dahil dito.
Love:
Singles: Kung merong taong nagpaparamdam sa iyo, dapat ay ipaalam mo rin sa kanila ito para alam nilang hindi ka manhid.
Money/Career:
Kung maganda naman ang offer sa iyo, tanggapin mo na ito lalo na kung sure ka sa iyong papasuking trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung kaya naman ng ibang tao ang iyong mga gawain, ipagawa mo na lang ito sa kanila lalo na kung meron ka pang dapat na asikasuhin.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong magflirt sa iyo ngayong araw. Mag-ingat ka lang at baka may kailangan lang siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang makakagawa ka na ng paraan para masolusyunan ang iyong problema sa pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mong madaliin ang isang bagay, lalo na kung kailangan talaga nito ng mahabang panahon para maging maganda ang resulta.
Love:
Couples: Huwag ka na lamang kumontra sa gusto ng iyong partner, lalo na kung may katwiran naman siya rito.
Money/Career:
Kung hindi mo kayang tapusin ang isang bagay, subukan mong humingi ng tulong sa iba.
Lucky color: Gold
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mong madaliin ang mga bagay-bagay, lalo na kung ayaw mong magkamali rito. Magdahan-dahan ka lang para makasiguro ka.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para itreat mo ang iyong pamilya sa isang dinner sa labas.
Money/Career:
Huwag kang magpabaya sa iyong mga gawain. Kailangan mong patunayan sa ibang tao kung gaano ka talaga kagaling.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Ayusin mo ang pakikipag-usap mo sa ibang tao, lalo na kung hindi mo naman talaga sila kilala. Maging magalang ka sa iba.
Love:
Singles: Huwag mong sayangin ang oras mo sa isang tao lalo na kung hindi ka naman talaga niya nagugustuhan.
Money/Career:
Alamin mo kung kailangan mo talagang bilhin ang isang bagay bago mo ito gastusan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung ayaw mong maipit sa isang sitwasyon na hindi mo naman talaga ginusto, mas mabuting umalis ka na agad dito.
Love:
Singles: Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Mas mabuting aminin mo na sa kanya ang iyong nararamdaman.
Money/Career:
Huwag mong pahirapan ang iyong mga kasama. Bigyan mo sila ng oras para makapagpahinga.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong hayaang matalo ka ng iyong mga kalaban. Ipakita mo sa kanila na hindi ka basta-basta tutumba.
Love:
Singles: Mukhang magkakaroon kayo ng lakad ng iyong pamilya sa mga susunod na araw, kaya naman ihanda mo na ang iyong mga dadalhin.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay kapag ikaw ay nasa iyong trabaho at maaaring makaistorbo ka sa ibang empleyado.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang ito na ang tamang oras para ipakita mo sa iba ang iyong natatagong talento. Baka ito na rin ang chance mo para sumikat.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Makikita mo rin ang taong nakalaan para sa iyo. Habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Kung may maling nagawa sa iyo ang isang tao, pagsabihan mo siya at baka hindi siya aware sa kanyang nagawa.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring mairita ka sa mga mangyayari sa araw na ito, kaya naman mas mabuting habaan mo na lang ang iyong pasensiya para hindi ka agad-agad mababadtrip.
Love:
Couples: Huwag mong husgahan ang iyong partner. Pakinggan mo muna ang sasabihin niya at baka may point naman siya.
Money/Career:
Ipagpatuloy mo lang ang iyong magandang performance sa iyong trabaho at maaaring makakuha ka na ng promotion.
Lucky color: Cream
Lucky number: 25